07/10/2026
Hindi na kailangang bumiyahe nang malayo ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa liblib na bahagi ng Lake Sebu para makakuha ng serbisyong legal mula sa gobyerno.
Sa pamamagitan ng Agrarian Reform Justice on Wheels (ARJOW), dinala ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang libreng legal assistance sa mga ARB sa Sitio Tinugas, Barangay Ned, Lake Sebu upang matulungan silang tugunan ang kanilang mga usapin sa lupa at iba pang legal na pangangailangan.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ang legal consultation, assistance sa mga usapin sa lupa at kasong agraryo, mediation at conciliation, DAR clearance, at libreng pagpapanotaryo.
Sa ganitong paraan, mas inilalapit ng DAR sa mga magsasaka ang mga serbisyong kailangan nila upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan sa lupa at iba pang usaping agraryoโlalo na sa mga komunidad na malayo sa mga tanggapan ng gobyerno.
Follow us: https://twitter.com/dargovph
http://instagram.com/dargovph
https://www.tiktok.com/
https://www.youtube.com/c/dargovph1