05/02/2025
📢 SB 2573: Napag-usapan na sa Senado ang Medical Cannabis Bill NGUNIT hindi pa ito naipasa!
Matapos ang matagal na paghihintay, kanina (Feb 5), sa wakas ay napag-usapan na sa Senate hearing ang Senate Bill 2573 o ang "Act Providing for the Medicalization of Cannabis." 🙌
Malaking pasasalamat sa lahat ng tumulong—sa mga nag-email, tumawag, nag-message sa mga senador, at nag-flood ng comments sa Senate live sessions. Hindi pa ito pasado, pero malayo na ang narating natin!
📌 Ano ang laman ng panukalang batas?
✔️ Sa bill ay gagawing legal ang medical cannabis – Pero STRIKTONG ipinagbabawal pa rin ang recreational use.
✔️ Prescription-based – Tanging mga lisensyadong doktor na may training ang makakapag-reseta.
✔️ Regulated ng PMCA (Philippine Medical Cannabis Authority) – Magiging responsable sa pagmo-monitor ng medisina, pagsasanay ng mga doktor, at pagtiyak na hindi ito maabuso.
✔️ Medical benefits ng cannabis – Nakakatulong ito sa cancer, epilepsy, chronic pain, dementia, at iba pang sakit na hindi natutugunan ng ibang gamot.
✔️ Walang naitalang overdose deaths – Mas ligtas ito kumpara sa ibang gamot, pero may mga regulasyon para maiwasan ang maling paggamit.
✔️ Bawal pa ang pagtatanim sa ngayon – Pero may probisyon para sa future local cultivation.
✔️ May matinding parusa sa mga lalabag – Para maiwasan ang maling paggamit at pagkalat nito sa hindi medical na paraan.
📌 Nasaang bahagi na tayo ng proseso?
🚨 HINDI PA PASADO ANG BILL! Mahaba pa ang proseso bago ito maging batas. Narito ang susunod na mga hakbang:
1️⃣ Second Reading (Kasalukuyang Stage) – Dito tinalakay ang bill, pinagdebatehan, at pinag-usapan ang mga posibleng pagbabago.
2️⃣ Third Reading (Susunod na Hakbang) – Kapag pumasa sa second reading, iboboto ulit ito sa Senado.
3️⃣ Bicameral Conference Committee (Bicam) – Pag-uusapan at pag-aayusin ng Senado at Kongreso ang final na bersyon ng bill.
4️⃣ Lagda ng Pangulo – Kapag napirmahan ng Pangulo, magiging ganap na batas ito.
📌 Ano na ang nangyari ngayon?
👉 Sinuspinde ang deliberation sa bill, kaya hindi pa ito bumoto para sa Second Reading.
👉 Adjourned na ang Senate plenary session, at magbabalik ito sa June 2, 2025, 2 PM.
👉 May natitira pang 6 session days sa unang linggo ng Hunyo bago tuluyang magsara ang sesyon.
👉 Matapos ang eleksyon (May 12), may maliit pang window mula June 2-11 para maisulong ito.
📌 Ano ang pwede nating gawin?
📣Tuloy ang ingay! – Hindi natin pwedeng hayaang mamatay ang bill na ito. Dapat mas palakasin pa natin ang ating boses!
📣 Mag-email, tumawag, at mag-message sa mga senador – Paalalahanan natin sila na hindi tayo titigil hangga't hindi ito naipapasa.
📣 Sumali sa social media campaigns – Mag-share ng tamang impormasyon at himukin ang iba na makiisa!
📣 Siguraduhing ang mga halal na opisyal ay pro-medical cannabis – Ang eleksyon sa Mayo ay magiging mahalaga sa kinabukasan ng bill na ito.
Hindi pa tapos ang laban! 🙌 Laban pa! Ipaglaban natin ang medical cannabis! 💪💚