18/09/2026
𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧: Mas malinaw at napapanahong impormasyon, mas pinahusay na mga materyales at estratehiya, at mas malalim na pakikilahok ng buong komunidad - ito ang nagsisilbing gabay na layunin ng pinagsamang pagpupulong sa pagpaplano ng komunikasyon sa pagitan ng CADAC at CIO noong ika-16 ng Setyembre, nakatuon sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng ating programa sa Impormasyon, Edukasyon, at Komunikasyon (IEC).