29/05/2026
PAGKILALA SA HUSAY, PAGDIRIWANG NG TAGUMPAY! 🥇
Matapos ang matinding labanan ng husay, talento, at determinasyon, oras na upang parangalan ang ating mga natatanging kalahok at bagong skills champions ng 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN!
Sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang mga tagumpay at kilalanin ang world-class excellence na ipinamalas ng mga kinatawan ng Rehiyon Dose.
📍 The Basket, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City, Cotabato
đź—“ May 29, 2026
⏰ 10:00 AM
Tara na at maging bahagi ng isang makulay na selebrasyon ng galing, tagumpay, at pagkakaisa!
28/05/2026
2026 WORLDSKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN UPDATE
Precision, tiyaga, at world-class craftsmanship ang ipinapakita ng mga kalahok sa Wall and Floor Tiling competition ng 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN! Sa bawat sukat, linya, at tile placement, tampok ang husay at dedikasyon ng mga skilled professionals ng rehiyon sa larangan ng construction industry.
28/05/2026
2026 WORLDSKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN UPDATES
Namamayagpag ang talento at inobasyon sa ICT trade areas ng 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN! Sa larangan ng Graphic Design Technology, ICT Network Infrastructure, Software Application Development, at Web Technology, ipinapakita ng mga kalahok ang kanilang digital creativity, technical expertise, at world-class skills bilang mga future innovators ng industriya ng teknolohiya.
28/05/2026
2026 WORLDSKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN UPDATES
Umaarangkada ang husay ng mga kalahok sa Automotive Technology competition ng 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN! Ipinapakita nila ang kanilang technical expertise, precision, at problem-solving skills sa larangan ng automotive servicing bilang paghahanda sa makabagong industriya ng transportasyon at teknolohiya.
28/05/2026
2026 WORLD SKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN UPDATE
Ipinapakita ng mga kalahok sa Restaurant Services competition ng 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN ang kanilang world-class hospitality, professionalism, at kahusayan sa customer service.
28/05/2026
2026 WORLD SKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN UPDATE
Mainit na serbisyo at world-class professionalism ang ipinapakita ng mga kalahok sa nagpapatuloy na Hotel Reception competition ng 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN!
Tampok ang kanilang husay sa communication, customer service, at hospitality excellence bilang paghahanda sa global tourism and hospitality industry.
28/05/2026
2026 WORLD SKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN UPDATE
Patuloy na nagpapakita ng husay, tiyaga, at world-class na kakayahan ang kalahok ng Welding Technology sa ginaganap na WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN.
28/05/2026
REGION XII’S FINEST YOUNG SKILLED PROFESSIONALS GEAR UP FOR WORLDSKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN 2026
Opisyal nang binuksan ang 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN, isang pagdiriwang ng husay at talento ng mga kabataang skilled professionals sa rehiyon. Ang kompetisyon ay gaganapin mula May 27-29, 2026 at lalahukan ng mga delegado mula sa apat na lalawigan ng SOCCSKSARGEN.
Pinangunahan ang opening program ni TESDA Deputy Director General for TESD Operations DDG Vidal D. Villanueva III kasama si Cotabato Province Governor Hon. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, bilang pagpapakita ng suporta sa pagpapaunlad ng world-class skills at technical vocational education sa rehiyon.
Isa rin sa naging mahalagang bahagi ng programa ang isinagawang Oath of Sportsmanship ng mga competitors at experts bilang simbolo ng patas, propesyonal, at makabuluhang kompetisyon. Ipinakita nito ang kanilang dedikasyon na pairalin ang integridad, respeto, at kahusayan sa bawat larangan ng kompetisyon.
Ayon kay DDG Vidal D. Villanueva III, “Ang WorldSkills Philippines ay hindi lamang kompetisyon kundi isang pagkakataon upang maipakita ng ating mga kabataan ang kanilang world-class na talento, disiplina, at kahandaan sa pandaigdigang industriya. Patuloy nating suportahan ang paghubog ng mga skilled professionals ng bansa.”
Samantala, sinabi naman ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza, “Ipinagmamalaki ng Lalawigan ng Cotabato na maging punong-abala sa WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN. Patunay ito na ang ating mga kabataan ay may kakayahan at husay na makipagsabayan sa anumang larangan ng kasanayan at teknolohiya.”
Kasabay rin ng programa ang pamamahagi ng Training Support Fund (TSF) para sa mga diploma scholars at starter toolkits para sa mga nagtapos sa ilalim ng Special Training for Employment Program (STEP) bilang suporta sa kanilang pagsasanay at pagsisimula ng kabuhayan.
28/05/2026
2026 WORLDSKILLS PHILIPPINES SOCCSKSARGEN PRESS CONFERENCE
Pinangunahan ni TESDA XII Acting Regional Director Remegias G. Timonio, kasama si TESDA Cotabato Provincial Director Relly A. Lesya, ang press conference para sa 2026 WorldSkills Philippines SOCCSKSARGEN sa Kidapawan City noong Mayo 26, 2026.
Ibinahagi sa press conference ang mga layunin, mahahalagang aktibidad, at 12 na trade areas na tampok sa kompetisyon ngayong taon.
Gaganapin ang kompetisyon mula Mayo 27–29, 2026 sa Kidapawan City bilang pagdiriwang ng kahusayan at kasanayan ng mga kabataang skilled professionals ng SOCCSKSARGEN.
27/05/2026
We are here at The Basket.
Witness live our skills performance. 👏👍
Hotel Reception here at The Basket.
27/05/2026
Eid Al-Adha Mubarak!🌙
TESDA stands in solidarity with our Muslim brothers and sisters in commemorating Eid Al-Adha, a celebration of faith, sacrifice, and compassion.
May this sacred occasion fill every heart and home with peace, hope, and abundant blessings.