06/08/2026
Apat na pamilyang nabiktima ng sunog sa South Cotabato, tinulungan ng DSWD
South Cotabato— Nagpaabot ng tulong pinansiyal ang Department of Social Welfare and Development Field Office 12 (DSWD XII) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa apat na pamilyang naapektuhan ng sunog sa Maharlika, Tantangan, South Cotabato.
Ayon sa mga biktima, isang solar light ang pinagmulan ng sunog na naging sanhi ng pagkakatupok ng apat na bahay.
Bilang agarang tulong, ang bawat pamilya ay tumanggap ng tig-₱10,000 na cash relief assistance upang makatulong sa kanilang mga pangunahing pangangailangan habang sila ay unti-unting bumabangon mula sa pagkawala ng kanilang mga tahanan at mga ari-arian.
Patuloy na ipinatutupad ng DSWD ang AICS Program bilang bahagi ng mandato nitong magbigay ng agarang tulong sa mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis.