25/05/2026
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍!
Kung sino po ang may ari nang Kambing na ito. Maaari pong pumunta sa Barangay para makuha po ninyo ang inyong alaga. Maraming Salamat po!
Barangay New Pangasinan is a growing community in Koronadal with over 4,300 people.
Residents earn from small businesses, farming, and construction, with support from government housing and livelihood programs.
25/05/2026
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍!
Kung sino po ang may ari nang Kambing na ito. Maaari pong pumunta sa Barangay para makuha po ninyo ang inyong alaga. Maraming Salamat po!
24/05/2026
𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍|
𝐍𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐞𝐰 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐊𝐚𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐡𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐍𝐞𝐰 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐚𝐬𝐢𝐧𝐚𝐧 𝐂𝐞𝐦𝐞𝐭𝐞𝐫𝐲.
Nagsagawa ng Consultation Dialogue ang Sangguniang Barangay ng Barangay New Pangasinan kasama ang mga apektadong pamilya kaugnay sa planong Rehabilitasyon ng Brgy. New Pangasinan Cemetery sa Koronadal City. Dinaluhan ito nina OIC City Administrator Sir Julius Ledda, mula sa City Health Office sina Ma'am Lorrilyn Quemeda, Sanitation Inspector IV, at Sir Jerson Fuyok, Fumigator, kasama ang Barangay Council sa pangunguna ni Punong Barangay Deborah C. Pader.
Nauna nang nagsagawa ng konsultasyon noong Mayo 9, 2026 kasama ang mga apektadong pamilya mula sa Brgy. Concepcion, Brgy. San Roque, Brgy. Magsaysay at iba pang karatig-barangay.
Ang proyekto ay may pondong ₱600,000 mula sa 20% Development Fund ng Barangay.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang Barangay Council sa lahat ng mga pamilyang dumalo at aktibong nakilahok sa isinagawang konsultasyon at dayalogo.
20/05/2026
PAKIBASA!!
Paksa: Pagpapatupad ng Child Find Policy at Barangay Mapping
Ang Koronadal National Comprehensive High School ay nagpapatupad ng Child Find Program upang matukoy at mabigyan ng tamang suporta ang mga batang may kapansanan o espesyal na pangangailangan na maaaring hindi pa nakakatanggap ng angkop na edukasyon.
Layunin ng programa:
• Matukoy ang mga batang may kapansanan at developmental delays sa komunidad
• Magbigay kaalaman sa mga magulang tungkol sa special education services
• Magsagawa ng maagang pagsusuri at interbensyon
• Matiyak ang tamang suporta at paglalagay ng mga mag-aaral sa paaralan
Inaanyayahan ang mga magulang, tagapag-alaga, at mga stakeholder ng komunidad na makilahok at tumulong sa pagtukoy ng mga batang nangangailangan ng suporta.
Iskedyul ng aktibidad: Mayo 28–29, 2026
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa KNCHS-SNED Office.
19/05/2026
18/05/2026
📚✨ Magandang balita para sa lahat!
Para sa mga nais mag-enroll sa ALS (Alternative Learning System), makipag-ugnayan lamang sa ating Barangay Hall. 🏫🖊️
Huwag palampasin ang pagkakataong makapagpatuloy ng pag-aaral at makamit ang inyong mga pangarap! 💙📖
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |