18/03/2026
DSWD Cash Relief Assistance at Fuel Subsidy: Ano ang pinagkaiba?⛽
Magkaibang tulong ang inihahanda ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa mga public utility vehicle (PUV) drivers sa bansa.
Ang DSWD cash relief assistance, sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), ay direktang tulong-pinansyal para sa mga PUV drivers. Nagsimula na ang payout nito kahapon (Marso 17), kung saan unang nakatanggap ang mga tricycle drivers.
Samantala, ang Fuel Subsidy ng Department of Transportation - Philippines (DOTr) ay nakatuon sa dagdag pang gastos sa gasolina ng PUV drivers na regulated ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB. Inaasahang magsisimula ang distribusyon nito sa huling linggo ng Marso.
Tuloy-tuloy ang koordinasyon ng DSWD sa Local Government Units (LGUs) para matiyak na mabilis na makarating ang tulong sa transport sector.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng agarang tulong ang mga bulnerableng sektor dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
Follow Department of Social Welfare and Development - DSWD and REX Gatchalian for more updates!
❤️

18/03/2026
18/03/2026
02/03/2026
02/03/2026
26/02/2026