20/10/2025
CADAC Koronadal
Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan.
20/10/2025
01/10/2025
๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก โ ๐ฎ๐ฆ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค๐ฐ๐๐ง๐ญ๐จ!
Kasabay ng pagsimula ng 25th Charter Anniversary and Negosyo Festival ng Lungsod ng Koronadal, opisyal ding binuksan ang Grand Sale Month sa pamamagitan ng isang maikling programa sa Mall of Ace Centerpoint (MAC) nitong Oktobre 1, 2025.
Kaugnay nito, personal na nilibot ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod at ng mga bisita ang nasabing establisemento upang usisain ang mga bigating diskwento.
Dumalo naman sa nasabing programa sina Konsehal Charene Kristelle โEinaโ Jumilla-Pama, Konsehal Maylene Bascon-De Guzman, Festival Director and City Legal Officer Christy Joy Sollesta, Grand Sale Commitee Chairperson at BLPD Head Gilbert Gayosa, Festival Secretariat Kirbie Mae Pacinabao-Obando, former City Mayor at CADAC Head Vicente R. De Jesus, mga partner agencies mula sa pribado at pampublikong ahensiya, mga department heads at kawani ng lungsod at si MAC General Manager Sonny Lao.
Naitatag ang buwan ng Oktobre bilang Grand Sale Month sa bisa ng City Ordinance No. 4, series of 2010.
23/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐:
๐๐จ๐๐ค ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐, ๐ค๐๐ฌ๐๐ฅ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐๐ง๐ ๐ ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ
Kasalukuyang ginaganap ang mock assessment para sa certification ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng sampung (10) mga barangay sa BAC Conference Hall ng City Hall ngayong araw.
Una nang inilatag ang Barangay Concepcion kung saan sa nasabing assessment, sumagot ng serye ng mga katanungan mula kay Dr. Ademilca C. Gangcoso si Punong Barangay Mema Joquรฑo.
Naglatag din siya ng mga Means of Verification (MOVs) upang patunayan ang pagsunod sa mga kinakailangang pamantayan.
Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Dr. Gangcoso na ang certification ay mahalagang aspeto ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Dagdag pa nito, mahalaga rin ang certification para sa delisting ng mga Recovering Persons Who Use Drugs (RPWUDs) na bunga ng Tokhang operations, at isa ito sa pinakamahalagang panuntunan ng Drug Clearing Program.
Samantala, buong suporta ang ibinibigay ng CADAC Technical Working Group (TWG), sa pamumuno ni CADAC Action Officer Vicente R. De Jesus, sa paghahanda at pagtulong sa mga barangay na makikilahok sa assessment. Layunin ng aktibidad na matiyak ang epektibong pagpapatupad ng CBDRP upang mapahusay ang rehabilitasyon at pagbabalik-loob ng mga apektado ng drug problem sa komunidad.
19/08/2025
๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐ซ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ฅ (๐๐๐๐๐) ๐๐ซ๐ ๐๐ฎ๐๐ซ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐
The ๐๐ถ๐๐ ๐๐ป๐๐ถ-๐๐ฟ๐๐ด ๐๐ฏ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น successfully concluded its ๐ฏ๐ฟ๐ฑ ๐ค๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด today, focusing on:
โ ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ฑ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐๐๐ ๐๐
๐ฒ๐ฐ๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ข๐ฟ๐ฑ๐ฒ๐ฟ
โ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด ๐ผ๐ณ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ฒ๐ฟ๐
โ ๐จ๐ฝ๐ฑ๐ฎ๐๐ฒ๐ ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ฒ ๐ญ๐ด-๐ ๐ผ๐ป๐๐ต ๐๐ณ๐๐ฒ๐ฟ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ
We are honored by the presence of our guest, ๐ ๐. ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐๐ ๐๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ฟ๐ถรฑ๐ผ from ๐ฃ๐๐๐๐/๐ฃ๐ฆ๐ช๐๐ข, whose support and insights greatly enriched the discussion. We also extend our appreciation to the ๐๐๐๐๐ ๐ง๐ช๐ ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ for their active participation.
๐ง๐ผ๐ด๐ฒ๐๐ต๐ฒ๐ฟ, ๐๐ฒ ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป ๐๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ณ๐ฎ๐๐ ๐ถ๐ป ๐ผ๐๐ฟ ๐บ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ณ๐ผ๐๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ผ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ, ๐ฑ๐ฟ๐๐ด-๐ณ๐ฟ๐ฒ๐ฒ ๐๐ผ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐๐.
#๐๐๐๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐น
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
South Cotabato
Koronadal
9506
