08/05/2025
🎯 𝙈𝙜𝙖 𝙋𝙡𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙄𝙝𝙖𝙝𝙖𝙞𝙣 𝙣𝙞 𝙀𝙣𝙜𝙧. 𝙇𝙤𝙪𝙞𝙚 𝘿𝙞𝙙𝙚𝙡𝙚𝙨 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙨 𝙈𝙖𝙪𝙣𝙡𝙖𝙙, 𝙈𝙖𝙠𝙖𝙩𝙖𝙤, 𝙖𝙩 𝙈𝙖𝙙𝙚𝙧𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘾𝙞𝙩𝙮 𝙤𝙛 𝙆𝙤𝙧𝙤𝙣𝙖𝙙𝙖𝙡 🎯
Bilang isang engineer, e-governance consultant, at tagapagtaguyod ng makabagong serbisyo publiko, inihahain ni Engr. Louie Dideles ang mga konkretong programa na nakatuon sa pagpapalakas ng kabuhayan, kaalaman, kaligtasan, koneksyon, at kalikasan.
🔵 1. Livelihood Programs sa lahat ng Purok at sector ng TODA, Kababaihan, Magsasaka, at PWD
Layunin ng platapormang ito na bigyan ng tunay na hanapbuhay at kabuhayan ang bawat sektor sa lipunan mula sa mga tricycle drivers, kababaihan, magsasaka, at maging ang mga Persons with Disability (PWD).
Sa bawat Purok, maglalagay tayo ng mga programang pangkabuhayan tulad ng skills training, puhunan, at tulong pang-negosyo. Hindi lang ito ayuda, ito ay pag-angat ng buhay ng bawat isa. Gusto nating tiyakin na may kita at dignidad ang bawat mamamayan sa sariling komunidad.
🔵 2. Libreng TESDA Training para sa Youth Sector
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, pero paano sila aasenso kung walang oportunidad? Kaya isinusulong ko ang libreng TESDA training para sa kabataang walang trabaho o hindi nakatapos ng kolehiyo.
Dito matututo sila ng skills na may demand tulad ng computer programming, welding, cooking, driving, at iba pa para agad makahanap ng trabaho o makapagsimula ng sariling kabuhayan. Libre na, may certificate pa na kinikilala sa buong bansa.
🔵 3. Smart City Services – mabilis na serbisyo ng City Hall
Panahon na para gawing moderno at mabilis ang serbisyo sa City Hall gamit ang teknolohiya.
Sa ilalim ng Smart City Services, pwede nang mag-apply ng business permit, bayad sa amilyar, o humingi ng dokumento online at hindi na pipila ng matagal. Hindi lang ito tungkol sa teknolohiya, ito ay para sa mas maginhawang buhay para sa lahat. Serbisyong abot-kamay, hindi palaging abala.
🔵 4. Barangay-Wide CCTV at 911 Command Center para sa Kaligtasan
Ligtas na komunidad ay masayang komunidad. Kaya itatayo natin ang Barangay-wide CCTV system at 911 Command Center para mas mabilis ang responde sa krimen, sunog, aksidente o anumang emergency. Hindi lang ito proteksyon, kundi seguridad para sa bawat pamilya para makatulog kayo ng mahimbing, alam ninyong may gobyernong nagbabantay sa inyo 24/7.
🔵 5. Free WIFI sa lahat ng Purok Centers
Sa panahon ngayon, koneksyon ay karapatan. Kaya’t isinusulong natin ang libreng WIFI sa bawat Purok Center para sa mga estudyante, job seekers, online sellers, at lahat ng gustong matuto at magnegosyo gamit ang internet.
Ito ay para siguraduhin na walang maiiwan sa digital na mundo. Gamit ang koneksyon, magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang bawat Koronadaleño.
🔵 6. Proteksyon sa Kalikasan at NO TO MINING sa Koronadal
Ang kalikasan ay buhay. Kaya't buong puso nating tututulan ang pagmimina sa Koronadalat South Cotabato.
Hindi tayo papayag na sirain ang ating kabundukan, kabukiran, at katubigan kapalit ng pansamantalang kita.
Ipaglalaban natin ang sustainable at malinis na kapaligiran para sa kalusugan ng ating mga anak at kinabukasan ng susunod na henerasyon. Isusulong natin ang tree planting, waste segregation, clean energy, at eco-tourism.
No to mining, yes to life. No to destruction, yes to preservation.
Ang mga platapormang ito ay sagot sa tunay na pangangailangan ng bawat Koronadaleño mula sa kabataan hanggang sa mga sektor ng TODA, kababaihan, magsasaka, PWD, at buong komunidad.
Engineer Louie Dideles po para City Councilor
Numero 12 para sa Mayo 12

07/05/2025
02/05/2025
02/05/2025
01/05/2025
01/05/2025
04/03/2025
28/02/2025
23/02/2025
09/02/2025
08/02/2025
08/02/2025