07/08/2026
HIGHLIGHTS | Nutrition Month Celebration 2026 🥗💚
Masayang ipinagdiwang ng Area Vocational Rehabilitation Center (AVRC) ang Nutrition Month, na inorganisa ng Medical Unit ng AVRC bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kahalagahan ng wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay.
Pinangunahan ang programa ng ating Center Head, Mr. Ombra Sangcupan, na nagbigay ng mensahe ng suporta at paghikayat sa lahat na isabuhay ang kahalagahan ng tamang nutrisyon at pangangalaga sa kalusugan.
Nagkaroon din ng iba’t ibang masaya at makabuluhang patimpalak na nagpakita ng talento, pagkamalikhain, at pakikiisa ng mga trainees at kawani ng AVRC. Lubos nating ikinararangal ang pagdalo nina Dra. Nieleen Camaganacan, Medical Officer IV, at Ms. Althea Mantiquilia, Nutritionist, na nagsilbing mga hurado sa mga patimpalak at nagbigay ng kanilang oras at suporta upang maging matagumpay ang selebrasyon.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong sa matagumpay na pagdiriwang ng Nutrition Month. Patuloy nating isulong ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay para sa mas matatag at masiglang komunidad.