Purok Mainuswagon, Barangay Carpenter Hill

Directions

Purok Mainuswagon,  Barangay Carpenter Hill Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Purok Mainuswagon, Barangay Carpenter Hill, Government Organization, FV37+955 Brgy, Purok Mainuswagon, South Cotabato, Koronadal.

18/05/2026
𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆𝐎𝐍, 𝐈𝐃𝐈𝐍𝐀𝐎𝐒 𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟎 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐎 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐎 𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆𝐏𝐔𝐓 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐈𝐌Mata...
13/05/2026

𝐔𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆𝐎𝐍, 𝐈𝐃𝐈𝐍𝐀𝐎𝐒 𝐍𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟎 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐎 𝐓𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐎 𝐀𝐓 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆𝐏𝐔𝐓 𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐈𝐌

Matagumpay na idinaos noong ika-10 ng Mayo taong Dalawang Libo at Dalawampu’t Anim ang kauna-unahang General Assembly ng Purok Mainuswagon sa pangunguna ng bagong halal na mga opisyal sa pamumuno ni 𝐒𝐨𝐧𝐧𝐲 𝐋𝐢𝐦 tagapangulo ng Purok bilang bahagi ng pagpapatibay ng pagkakaisa at maayos na pamamahala sa komunidad.

Dinaluhan ito ng mga residente ng purok kasama si Barangay Kagawad Emmanuel Pastera na nagbigay ng suporta at pakikiisa sa mga programa at layunin ng nasabing pagtitipon.

Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang usapin tulad ng kalinisan, kapayapaan at kaayusan, mga programang pangkomunidad, at mga mungkahing proyekto para sa patuloy na pag-unlad ng Purok Mainuswagon.

Binigyang-diin ni Purok Chairman Sonny Lim ang kahalagahan ng pagtutulungan at aktibong partisipasyon ng bawat residente upang mapanatili ang maayos, ligtas, at maunlad na komunidad.

Naging maayos at produktibo ang naturang General Assembly sa tulong ng pakikipagtulungan ng mga opisyal at mamamayan ng purok.


𝗨𝗣𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 (𝗔𝗖𝗙) 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗕𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗦𝗧 𝗫-𝗥𝗔𝗬Narito po ang iskedyul ng isasagawang Active Case Finding (ACF)...
13/05/2026

𝗨𝗣𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗖𝗔𝗦𝗘 𝗙𝗜𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 (𝗔𝗖𝗙) 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗕
𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗖𝗛𝗘𝗦𝗧 𝗫-𝗥𝗔𝗬

Narito po ang iskedyul ng isasagawang Active Case Finding (ACF) para sa Tuberculosis (TB):

𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲 – Brgy. San Jose @ Rebecca Sinoro Sua
𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 – GPS District
𝗠𝗮𝘆𝗼 𝟭𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲 – Concepcion District

Ang ACF ay nakatuon para sa mga indibidwal na may edad 15 taong gulang pataas, kabilang ang household contacts ng index cases, presumptive TB clients, at iba pang identified vulnerable groups sa komunidad.

Paalala:
Ang aktibidad na ito ay mahigpit na para lamang sa case finding at early detection ng TB at hindi maaaring gamitin para sa school, office, o employment requirements.

Hinihikayat po ang lahat ng kwalipikadong indibidwal na makiisa upang mapanatili ang kalusugan ng ating komunidad.


🎉 Happy Birthday, Purok President Noli Espulgar! 🎉Sa aming masipag, aktibo, at dedikadong Purok President Noli Espulgar,...
10/03/2026

🎉 Happy Birthday, Purok President Noli Espulgar! 🎉

Sa aming masipag, aktibo, at dedikadong Purok President Noli Espulgar, maligayang kaarawan po! Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod, pamumuno, at malasakit para sa kapakanan ng ating purok at komunidad.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at inspirasyon upang ipagpatuloy ang inyong magandang adhikain para sa lahat.

Hangad namin ang mas marami pang taon ng tagumpay, kasiyahan, at pagpapala sa inyong buhay.

Let us unite and show our full support to our Lakambini! 🌺Like, share, and don’t forget to mention your friends and rela...
03/02/2026

Let us unite and show our full support to our Lakambini! 🌺
Like, share, and don’t forget to mention your friends and relatives.
Together, let’s make this shine! ✨

Lakambini No. 8 🌸👑

𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆𝐎𝐍Operation HagbasPinangunahan ni Purok President 𝐍𝐨𝐥𝐢 𝐄𝐬𝐩𝐮𝐥𝐠𝐚𝐫,   kasama ang mga Purok Offi...
29/01/2026

𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈𝐇𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆𝐎𝐍
Operation Hagbas

Pinangunahan ni Purok President 𝐍𝐨𝐥𝐢 𝐄𝐬𝐩𝐮𝐥𝐠𝐚𝐫, kasama ang mga Purok Officials at ang masisipag na mamamayan ng Purok Mainuswagon, ang pagsasagawa ng Operation Hagbas bilang bahagi ng bayanihan ng komunidad.

Layunin ng Operation Hagbas na linisin at putulin ang mga damo at sanga na maaaring maging sagabal, maiwasan ang pagbaha at aksidente, mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, at higit sa lahat ay mapalakas ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan sa purok.

"𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂, 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚-𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒐 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑪𝒂𝒓𝒑𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝑯𝒊𝒍𝒍!"


👍❤️🔁 Like | Follow | Share

Congratulations, Purok Mainuswagon! 🎉🏆Proud moment for our purok as we clinch 1st Place — The Cleanest and Best Landscap...
23/01/2026

Congratulations, Purok Mainuswagon! 🎉🏆

Proud moment for our purok as we clinch 1st Place — The Cleanest and Best Landscaped Purok/Sitio (Urban Category) for CY 2025 under the BPSEP! 🌿✨

This achievement is a testament to the unity, discipline, and shared commitment of every resident.

Padayon ta! Sama-sama sa kalinisan, kaayusan, at patuloy na progreso. 💚👏

𝐎𝐏𝐓 & 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄𝐇𝐎𝐋𝐃 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐄𝐘 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄January–February 2026Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Carpenter Hill ang ...
22/01/2026

𝐎𝐏𝐓 & 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄𝐇𝐎𝐋𝐃 𝐒𝐔𝐑𝐕𝐄𝐘 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄
January–February 2026

Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Barangay Carpenter Hill ang iskedyul ng OPT & Household Survey sa bawat purok. Inaanyayahan ang lahat na makipag-ugnayan at makiisa upang masiguro ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng survey.

Ang inyong kooperasyon ay mahalaga upang mas mapabuti ang mga programa at serbisyong pang-barangay.

"𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂, 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚-𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒐 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑪𝒂𝒓𝒑𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝑯𝒊𝒍𝒍!"




👍❤️🔁 Like | Follow | Share

𝐒𝐔𝐂𝐄𝐒𝐒𝐅𝐔𝐋 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀 & 𝐕𝐈𝐓𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆𝐎𝐍 & 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈𝐍̃𝐎January 22, 2026Matagumpay na naisagawa ang MR-SIA at Vi...
22/01/2026

𝐒𝐔𝐂𝐄𝐒𝐒𝐅𝐔𝐋 𝐌𝐑-𝐒𝐈𝐀 & 𝐕𝐈𝐓𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀
𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐌𝐀𝐈𝐍𝐔𝐒𝐖𝐀𝐆𝐎𝐍 & 𝐏𝐔𝐑𝐎𝐊 𝐒𝐓𝐎. 𝐍𝐈𝐍̃𝐎
January 22, 2026

Matagumpay na naisagawa ang MR-SIA at Vitamin A Supplementation sa Purok Mainuswagon at Purok Sto. Niño!

Sa pagtutulungan ng barangay, BHW, BNS, BSI, Barangay Nurse, Rural Health Midwife, at Nutritionist mula sa DOH, kasama ang aktibong partisipasyon ng komunidad, matagumpay na naihatid ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga bata at pamilya. Patunay ito na ang bayanihan at pagkakaisa ay susi sa isang mas malusog at matatag na pamayanan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at lakas para sa tagumpay ng aktibidad na ito.

"𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂, 𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚-𝒕𝒖𝒍𝒐𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒐 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑪𝒂𝒓𝒑𝒆𝒏𝒕𝒆𝒓 𝑯𝒊𝒍𝒍!"



👍❤️🔁 Like | Follow | Share

👑 PAGEANT SCREENING 👑�Lakambini ng Carpenter Hill 2026QUALIFICATIONS�• 18–24 years old�• Bonafide resident of Carpenter ...
15/01/2026

👑 PAGEANT SCREENING 👑�
Lakambini ng Carpenter Hill 2026

QUALIFICATIONS�
• 18–24 years old�
• Bonafide resident of Carpenter Hill�
• At least 5’2” in height

SCREENING SCHEDULE�
📅 January 17, 2026�
⏰ 1:00 PM

ATTIRE�
Casual wear with light makeup

Your journey to the crown begins here. 👑

For more information, visit the Sangguniang Kabataan ng Barangay Carpenter Hill page.

Address

FV37+955 Brgy, Purok Mainuswagon, South Cotabato
Koronadal
9506

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Purok Mainuswagon, Barangay Carpenter Hill posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share