PNP ACG Regional Anti-Cybercrime Unit CAR

Directions Website

PNP ACG Regional Anti-Cybercrime Unit CAR Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from PNP ACG Regional Anti-Cybercrime Unit CAR, Public & Government Service, NSU Building, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad.
(1)

The Official Page of Philippine National Police (PNP), Anti-Cybercrime Group (ACG), Regional Anti-Cybercrime Unit CAR, located at Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.

🌲 BALAK MAG-UNWIND SA BAGUIO? HUWAG MAGING BIKTIMA NG ONLINE BOOKING SCAM! 🚨Sa likod ng magandang travel deals, maaaring...
12/11/2026

🌲 BALAK MAG-UNWIND SA BAGUIO? HUWAG MAGING BIKTIMA NG ONLINE BOOKING SCAM! 🚨

Sa likod ng magandang travel deals, maaaring may nakatagong panganib. Hindi lahat ng page ay lehitimo, at hindi lahat ng kausap online ay tunay na booking agent.

Bago magbayad, MAG-VERIFY MUNA! 🔍
⚠️ Siguraduhing verified o lehitimo ang booking page.
⚠️ I-research ang pangalan ng page at account. Tingnan kung may scam reports o reklamo.
⚠️ Huwag basta magtiwala sa screenshots ng testimonials at booking confirmations.
⚠️ Iwasan ang mga presyong too good to be true.
⚠️ Huwag magpadala ng pera hangga't hindi kumpirmado ang booking at pagkakakilanlan ng ka-transaksyon.

👻 SA ONLINE BOOKING, HINDI LAHAT NG MUKHANG LEGIT AY TOTOO.
Isang minutong pagbe-verify ay maaaring makapagligtas sa iyong pinaghirapang pera.

MAGING MAPANURI. MAGING ALERTO. MAGING LIGTAS.

🚨 INGAT SA MGA PEKENG LIVE ONLINE RAFFLE! HUWAG MAGPABIKTIMA SA SCAM! 🚨⚠️ Nanalo ka raw, pero kailangan mo munang magbay...
11/11/2026

🚨 INGAT SA MGA PEKENG LIVE ONLINE RAFFLE! HUWAG MAGPABIKTIMA SA SCAM! 🚨

⚠️ Nanalo ka raw, pero kailangan mo munang magbayad ng processing fee para makuha ang premyo? MAG-INGAT!

Huwag agad maniwala sa mga live raffle na nangangakong magbibigay ng malaking premyo kapalit ng paunang bayad. Maaaring bahagi lamang ng panloloko ang mga sumusunod:

🔴 PEKENG CLAIM NG PREMYO — May bayad muna bago makuha ang diumano'y napanalunan.

🔴 STAGED NA PAGPAPADALA NG PREMYO — Ang pagpapakita ng mga ipinadadalang premyo sa live broadcast ay hindi awtomatikong patunay na lehitimo ang raffle.

🔴 PEKENG PAGCOR REGISTRATION — Huwag basta maniwala sa ipinapakitang dokumento, logo, o registration claim. Beripikahin ito sa opisyal na PAGCOR channels.

🔴 POSIBLENG PEKENG TESTIMONIALS — Ang mga komentong nagsasabing nanalo na sila o legit ang raffle ay hindi sapat na patunay ng pagiging mapagkakatiwalaan.

✅ TANDAAN: Hindi lahat ng napapanood sa livestream ay totoo. Maaaring gumamit ang mga scammer ng scripted videos, pekeng testimonials, at mapanlinlang na pahayag upang makuha ang iyong tiwala at pera.

🛡️ PAANO MAKAIWAS?
✔️ Huwag magpadala ng pera para lamang makuha ang diumano'y premyo nang hindi muna bineberipika ang raffle.
✔️ Suriin ang pagkakakilanlan ng organizer at ang pagiging lehitimo ng promosyon.
✔️ Huwag ibahagi ang iyong OTP, password, o sensitibong impormasyon.
✔️ I-report ang kahina-hinalang livestream o account sa Facebook/Meta.
✔️ Kung nabiktima, itago ang screenshots, transaction records, at mga mensahe bilang ebidensiya at i-report sa naaangkop na awtoridad.

📢 MAGING MAPANURI. HUWAG MAGPAPALOKO.
Ang isang simpleng pagberipika ay maaaring makapigil sa pagkawala ng iyong pinaghirapang pera.

🚨 MADALING LOAN? HUWAG MAGPADALA SA PANGAKONG PERA! ⚠️Sa panahon ngayon, isang click lang ay maaari ka nang makautang on...
10/11/2026

🚨 MADALING LOAN? HUWAG MAGPADALA SA PANGAKONG PERA! ⚠️

Sa panahon ngayon, isang click lang ay maaari ka nang makautang online. Ngunit mag-ingat! Sa likod ng mga pangakong mabilis na approval, walang requirements, at instant cash ay maaaring nakatago ang mapanlinlang na loan applications na naglalayong mangolekta ng iyong personal na impormasyon at magdulot ng problema sa iyong seguridad at pananalapi.

🛡️ Bago mag-download at mag-apply, tandaan:

🔎 Suriin kung rehistrado at awtorisado ng SEC ang lending o financing company.

📱 I-download lamang ang loan applications mula sa mapagkakatiwalaang sources.

🔐 Huwag basta magbigay ng personal information, contact list, ID, o iba pang sensitibong detalye hangga't hindi beripikado ang application.

⚠️ Mag-ingat sa mga kahina-hinalang links, nakatagong charges, at mapanlinlang na loan offers.

TANDAAN: Ang mabilis na pautang ay maaaring magdala ng mabigat na kapalit. Huwag hayaang ang pangangailangan mo sa pera ang maging daan upang malagay sa panganib ang iyong privacy at seguridad.

🚫 MAG-VERIFY BAGO MAG-DOWNLOAD. MAG-INGAT BAGO MAG-APPLY!

Address

NSU Building, Camp Major Bado Dangwa
La Trinidad
2601

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PNP ACG Regional Anti-Cybercrime Unit CAR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share