03/03/2022
22: PAGHARAP SA PROBLEMA BILANG PAMILYA
Ang pamilyang tungo Sa Matatag at Sa Matagumpay na buhay ay na humaharap sa mga hamon ng buhay!
Sa panahon ngayon, maaaring mas mahirap ang mapanatiling malusog, ligtas, at mapayapa ang ating pamilya, lalo na’t mayroon tayong kinakaharap na pandemya.. May mga panahong hindi maayos ang relasyon sa pamilya at may mga mabigat na isyung hinaharap ang bawat isa - sa hanapbuhay, eskwela, o relasyon sa iba. Mahalagang malaman natin kung paano tayo makatutulong sa ating anak kung sila ay nasa mahihirap na mga sitwasyon. Kapag nagpakita tayo ng halimbawa ng mapayapa, mapagmahal, at mapagmalasakit na relasyon, mapapanatag ang ating pamilya at makakaramdam ng kaligtasan at pagmamahal.
Sa eFDS na ito, pag-uusapan natin ang positibong pananalita, pakikiramay, at paghahanap ng solusyon bilang mga paraan upang tugunan ang mga isyu sa pamilya nang makatulong sa pagbuo ng masayang tahanan.
(Ang e-FDS na ito ay isang alternatibong pagsasagawa ng Family Development Session (FDS) ng Pantawid Pamilya hatid sa mga benepisyaryo ng programa upang patuloy na makapagbigay-kaalaman sa panahon ng krisis pangkalusugang dulot ng COVID-19)