08/10/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Binigyang-diin ni Peopleโs Governor Mujiv S. Hataman ang kahalagahan ng paggamit ng numero at datos sa pagpaplano ng mga programa at proyekto ng Basilan.
Ito ang mensahe ng gobernador sa 2025 Economic Performance of the Province of Basilan Provincial Product Accounts (PPA) Dissemination Forum, na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Oktubre 8 sa Raayat Hall, Peopleโs Capitol, Basilan Government Center, Sta. Clara, Lamitan City.
โSa pagplaplano natin, napakasimple lang. Dapat guided tayo ng numero, guided tayo ng mga datos kung gusto natin maging responsive ang pagpaplano,โ ani Gov. Hataman.
Dagdag pa niya, mahalagang magsilbing batayan ang mga inilabas na datos sa patuloy na pagbuo at pag-update ng mga plano ng lalawigan.
โIte-take natin ito as guide sa pag-update ng ating plano,โ pahayag ng gobernador.
Inilahad naman ni Chief Statistical Specialist Masil Mohammadsha ng PSA Basilan ang mga pangunahing resulta ng 2025 Provincial Product Accounts, na nagbibigay ng mas malinaw na larawan sa kalagayan at performance ng ekonomiya ng lalawigan.
Dumalo rin sa forum ang mga kinatawan mula sa PSA Central Office, kabilang sina Elgie Gulane-Rosenblad, Chief Statistical Specialist ng Sub-National Economic Accounts Division, at Statistical Analyst Allen Rose Carvajal, gayundin ang mga department heads ng Pamahalaang Panlalawigan, municipal planning officers, water districts, BASELCO at iba pang partner agencies.
Nagpaabot din ng video messages sina Engr. Akan Tula, OIC Regional Director ng PSA RSSO-BARMM, at Claire Dennis Mapa, PhD, Undersecretary, National Statistician and Civil Registrar General ng PSA Central Office.
Bilang pagkilala sa kanilang ambag sa statistical activities, ginawaran din ng PSA ang mga partner agencies, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Basilan, para sa patuloy na pakikipagtulungan sa pagsusulong ng maaasahan at napapanahong datos para sa pagpaplano at pagpapaunlad ng lalawigan.
Sa pamumuno ni Gov. Hataman, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ang pakikipagtulungan sa PSA at iba pang katuwang na ahensya para sa mas maayos na pagpaplano at paghahatid ng serbisyo sa mga Basileรฑo.