04/10/2026
*LINIS KANAL, IWAS BAHA! | OPLAN DALUS - Brgy. 6 San Agustin*
Oct. 4, 2026 | 7:15 AM
Nagsagawa tayo ng paglilinis ng kanal at pagtatanggal ng mga damo, dahon at mga nakabarang basura sa kahabaan ng ating barangay.
Paalala sa lahat: *Ang baradong kanal ay nagdudulot ng baha at sakit.* Kaya naman patuloy po naming pinapaalalahanan ang lahat na mag-segregate ng basura nang maayos.
✅ Nabubulok - sa compost pit
✅ Di-nabubulok / Recyclable (bote, plastic) - ihiwalay
✅ Residual - isako ng maayos
Maraming salamat kag. Marvin Contreras sa ating mga kasama sa Barangay Tanod at volunteers na maagang gumising para sa kalinisan. Ang malinis na kanal, ay ligtas na barangay!