20/03/2026
𝐻𝒶𝓅𝓅𝓎 𝐵𝒾𝓇𝓉𝒽𝒹𝒶𝓎, 𝑀𝒶’𝒶𝓂 𝑅𝒽𝒾𝓃𝒶𝒷𝑒𝓁𝓁𝑒! 💛
May this year bring you good health, happiness, and all the wonderful moments you deserve. Enjoy your special day!
With warmest wishes, the Medical Social Work Service Family! 🎊
17/03/2026
Ngayong 𝐢𝐤𝐚-𝟏𝟕 ng 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨, ang 𝐋𝐚𝐬 𝐏𝐢ñ𝐚𝐬 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐇𝐨𝐬𝐩𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐭𝐞𝐥𝐥𝐢𝐭𝐞 𝐓𝐫𝐚𝐮𝐦𝐚 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 – 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐫𝐤 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 ay malugod na nakikiisa sa pagdiriwang ng 𝐖𝐨𝐫𝐥𝐝 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐫𝐤 𝐃𝐚𝐲 bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫 sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit para sa kapakanan ng mga indibidwal, pamilya, at komunidad.
Patuloy na nagsisilbing kaagapay ang ating mga Social Worker sa paghahatid ng tulong, guidance, at suporta lalo na sa mga nangangailangan, alinsunod sa layunin na mapalakas ang kapakanan at mapanatili ang dignidad ng bawat Pilipino. Sa pagdiriwang na ito, kinikilala at pinasasalamatan natin ang kanilang dedikasyon at walang sawang serbisyo sa publiko.
𝐒𝐚𝐥𝐮𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫𝐬! 💜
11/03/2026
𝐇𝐨𝐧𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐫 𝐃𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐖𝐞𝐥𝐥𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐑𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐥 ✨
Sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon, nais natin pasalamatan ang lahat ng 𝗵𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗲𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗲𝗲𝘀 na nagsisilbi at nagsasakripisyo araw-araw para sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.
Sa pamamagitan ng 𝘄𝗲𝗹𝗹𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 na hatid 𝗻𝗴 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔—massage, haircut, pedicure at manicure—nagkaroon sila ng pagkakataon na magpahinga, magpasigla, at alagaan ang kanilang sarili.
Ang simpleng aktibidad na ito ay isang pagpapahalaga sa kanilang pagod at sakripisyo, bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang pagtulong at pagmamalasakit.
11/03/2026
𝐇𝐚𝐭𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐲𝐚𝐰, 𝐬𝐚𝐥𝐮𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧! 💃🏻
Sa pangunguna ng 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲, nagkaroon ng 𝟰-𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗭𝘂𝗺𝗯𝗮 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 na sinalihan ng mga empleyado mula sa 𝗟𝗣𝗚𝗛-𝗦𝗧𝗖.
Isa itong paraan upang 𝒊𝒑𝒂𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂𝒊𝒉𝒂𝒏 habang nagsasaya at nag-eehersisyo sa pamamagitan ng Zumba. Sa bawat hakbang at sayaw, naipapakita nila ang kanilang katatagan at determinasyon na maging malakas at healthy.
Maraming salamat sa lahat ng sumali, at ipagpatuloy natin ang pagiging inspirasyon sa isa't isa!
07/03/2026
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐝𝐢𝐫𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡! 💜
Sa pagpapatuloy ng ating selebrasyon, nakasama natin si 𝗝𝘂𝗱𝗴𝗲 𝗧𝘀𝗵𝗮𝗶𝗻𝗲 𝗕. 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗻𝗼𝗱-𝗠𝗮𝗴𝗴𝗮𝘆 na nagbahagi at nagpalawak ng kaalaman tungkol sa 𝑽𝒊𝒐𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔𝒕 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒉𝒆𝒊𝒓 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏 (𝑽𝑨𝑾𝑪) sa ilalim ng 𝑹𝒆𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑨𝒄𝒕 𝑵𝒐. 𝟗𝟐𝟔𝟐 o 𝑨𝒏𝒕𝒊-𝑽𝒊𝒐𝒍𝒆𝒏𝒄𝒆 𝑨𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔𝒕 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒉𝒆𝒊𝒓 𝑪𝒉𝒊𝒍𝒅𝒓𝒆𝒏 𝑨𝒄𝒕 𝒐𝒇 𝟐𝟎𝟎𝟒.
Tinalakay ang mga karapatan ng kababaihan at mga bata, ang iba’t ibang anyo ng karahasan, at ang mga legal na hakbang na maaaring isagawa upang maprotektahan ang sarili at ang pamilya.
Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga participants na magtanong. Ang bawat katanungan ay malinaw na sinagot at binigyang-linaw ni Judge Tshaine, na nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga probisyon ng Republic Act No. 9262 at sa mga legal remedies na maaaring ma-avail.
Sa pamamagitan ng makabuluhang talakayan, mas napalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga dumalo hinggil sa kanilang mga karapatan at sa kahalagahan ng pagtindig laban sa anumang uri ng karahasan.
Bilang pagtatapos, ang 𝗛𝗲𝗮𝗱 ng 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 ay nagbigay ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at aktibong nakibahagi sa makabuluhang talakayan na ito.
Patuloy tayong magsulong ng isang ligtas, makatarungan, at gender-responsive na komunidad para sa lahat. ✨💜
07/03/2026
𝐋𝐏𝐆𝐇-𝐒𝐓𝐂 𝐣𝐨𝐢𝐧𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧’𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡! ✨
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏’𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉, matagumpay na naisagawa ang seminar na may temang “𝑷𝒂𝒈𝒔𝒊𝒔𝒊𝒎𝒖𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒔 𝑴𝒂𝒔𝒖𝒔𝒕𝒂𝒏𝒔𝒚𝒂 𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒕𝒊𝒑𝒊𝒅 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝑨𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑻𝒂𝒉𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝑴𝒈𝒂 𝑺𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒏.”
Ang nasabing seminar ay pinangunahan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 𝗜𝗮𝗻 𝗕. 𝗕𝗼𝗹𝗮𝗹𝗶𝗻, 𝗥𝗡𝗗, 𝗠𝗦𝗰, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng pagsisimula ng mas masustansya at matipid na paraan ng pagkain sa ating tahanan, kabilang ang mga sustainable na pamamaraan upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan.
Dinaluhan ito ng mga 𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗲𝗲𝘀 na aktibong nakibahagi at nagbigay-halaga sa pagpapalawak ng kaalaman tungo sa mas malusog at mas maayos na pamumuhay.
Bukod dito, pinangunahan din ito ng 𝗢𝗜𝗖 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗜𝗜 at 𝗚𝗔𝗗 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻, na kanilang binigyang-diin ang kahalagahan ng kababaihan hindi lamang sa pag-unlad ng ating bansa kundi pati na rin sa pamilya bilang mga ina. Ayon sa kanila, ang papel ng kababaihan sa tahanan ay napakahalaga sa paghubog ng mas maayos at mas matatag na lipunan. 💜
06/03/2026
𝗧𝗛𝗘 𝗪𝗜𝗡𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗥𝗘 𝗛𝗘𝗥𝗘 💜
A massive thank you to everyone who joined our Women’s Month 2026 campaign! By updating your profile pictures, you helped us spread the powerful message: “𝙇𝙚𝙖𝙙 𝙇𝙞𝙠𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝘽𝙖𝙗𝙖𝙮𝙡𝙖𝙣𝙨, 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨!”
We are excited to announce our Top Winners!
𝗣𝗥𝗜𝗭𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗜𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟𝗦:
For the Top Winners, your prizes will be officially awarded during the Flag Raising Ceremony. See you there for your special recognition!
To all our Facebook profile participants, as a token of our appreciation, everyone who joined can now claim a participation prize! Please visit the Medical Social Work Service (2nd Floor, Old Building) and show a screenshot of your profile picture to our staff to claim your prize.
Thank you for standing with us in this movement for gender equality and an inclusive society. Let’s continue to honor the strength and leadership of all women! ✊✨
02/03/2026
𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗻𝗮! 💜✨
Makiisa sa selebrasyon ng pagtataguyod sa karapatan ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian ngayong Marso sa pamamagitan ng .
𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶?
1️⃣ I-scan ang qr code o i-search ang https://twibbo.nz/nwmc2026
2️⃣ Piliin ang nais mong photo, pindutin ang ‘continue’, at i-download ito.
3️⃣ I-post ang iyong advocacy profile picture sa social media kasama ang inyong message of support.
Sama-sama tayong manindigan. Sama-sama tayong maging boses ng pagkakapantay-pantay.
Gamitin ang mga hastags:
2026 National Women's Month Celebration