Tropang Talon Tres

Tropang Talon Tres

Share

All about promotion and updates of public and social services.

Photos from The Villar Cup's post 13/10/2025

Good luck Team Talon 3! ๐Ÿ‘๐Ÿ™๐Ÿงก

06/10/2025

Las Piรฑeros - ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฉ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—–๐˜‚๐—ฝ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ผ๐—ป 4 ๐—ถ๐˜€ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ! ๐Ÿ”ฅ

Sino kaya ang tatanghaling kampiyon sa Inter-Barangay Basketball and Volleyball League ngayong taon? ๐Ÿ€๐Ÿ

Tara na at maki-cheer sa Opening Ceremony ngayong October 11, 2025, 3:00 PM sa Villar Coliseum, kasama ang ating mga special guests!

Admission is FREE!
Kita-kits mga Las Piรฑeros! ๐Ÿ™Œ

Photos from Villar Foundation's post 30/09/2025
Photos from Cynthia A. Villar's post 30/09/2025


๐Ÿงก๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ™

24/09/2025

๐Ÿ“ข MGA KA-TROPA NAMIN SA TALON TRES! ๐Ÿ“ข

Inaanyayahan po namin ang lahat ng ating mga kabarangay na makiisa sa gaganaping Medical Mission na inihanda para sa ating komunidad.

Magkakaroon ng libreng konsultasyon, gamot, at serbisyong medikal para sa lahat ng nagnanais magpatingin.

Kasama din po dito ang libreng Philhealth Registration.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang mapangalagaan ang ating kalusugan at kapakanan. Sama-sama nating itaguyod ang isang malusog at masiglang Talon Tres! ๐Ÿ˜Š๐Ÿ‘๐ŸŽ‰

Dalhin ang inyong pamilya, mga mahal sa buhay at mga Ka-Tropa. ๐Ÿ’ช๐Ÿ‘


03/09/2025

LAS PIร‘AS, ALAM Nโ€™YO BA?

Na ang Sagip Ilog Project nina former Sen. Cynthia A. Villar at former Sen. President Manny Villar ay pinarangalan hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo?

๐Ÿ† UN Water for Life Award โ€“ Spain
๐Ÿ† Best Practice Award โ€“ UN-Habitat Dubai
๐Ÿ† AOIKOS International Award โ€“ Europe
๐Ÿ† Green Apple Award โ€“ UK

Dahil sa proyektong ito, mas malinis na ang ating ilog at nabigyan pa ng kabuhayan ang mga Las Piรฑeros gaya ng waterlily weaving, coconet weaving, composting, at plastic recycling.

Ang mga ganitong proyekto ay tunay na dapat ipagmalaki ng ating lungsod!

Photos from Villar Foundation's post 29/08/2025



10th Las Piรฑas Urban Gardening and Cooking Festival Inter-barangay Competition.

Talon 3

Photos from Camille Villar's post 22/08/2025
Photos from Cynthia A. Villar's post 21/08/2025

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng nakiisa sa paggunita ng 119th Death Anniversary ni San Ezekiel Moreno. Napakahalaga ng banal na misa dahil sama-sama tayong nagtipon bilang komunidad para parangalan ang kanyang alaala.

Bilang patron ng may sakit na cancer, nawaโ€™y patuloy tayong pagpalain at pagalingin sa pamamagitan ng kanyang pamamagitan, at magsilbi siyang inspirasyon sa atin upang mamuhay nang may pananampalataya, malasakit, at pagkakaisa.

11/08/2025
09/08/2025

Kamakailan ay kumalat ang mga paratang na ang Las Piรฑas-Zapote Riverdrive umano ang sanhi ng pagbaha. Ang pahayag na ito ay hindi lamang fakenews - lubusan nitong binalewala ang mga katotohanan at ang maraming taong pagsisikap para sa rehabilitasyon ng ilog sa Las Piรฑas at sa pagbibigay-prayoridad sa pakokontrol ng baha sa lungsod.

Itama natin ang usapan.

Ang Riverdrive project na sinimulan at isinulong natin ay kailanman hindi naging sanhi ng pagbaha. Sa katunayan, idinisenyo ito bilang pangmatagalang solusyon upang maiwasan ang pagbaha, mapaluwag ang trapiko, at maisulong ang sustainable urban development sa Las Piรฑas at mga karatig-lugar.

Noong itinayo ang Riverdrive, naging malalapad at malilinis ang mga ilog - kaya nitong dalhin ang natural na daloy ng tubig-ulan.

Ang Molino River ay natural na dumadaloy patungong Las Piรฑas River, at ang koneksyong ito ay pangunahing konsiderasyon sa pagpaplano at pagpapatupad ng proyekto.

Naisip natin na kung walang malinis at malayang agos ng ilog, tiyak na magdudulot ng pagbaha ang tubig mula sa mga mas mataas na lugar gaya ng Bacoor patungo sa Las Piรฑas.

Kaya noong 2001 pa lamang, pinangunahan na natin ang malawakang paglilinis ng ilog sa pamamagitan ng ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ฝ-๐—œ๐—น๐—ผ๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ. Ito ay nag-alis ng ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐˜„๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ต๐˜†๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ต๐˜€, ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐˜€๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ na humaharang sa agos ng tubig. Ang mga ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ noon sa Las Piรฑas. Kinilala ang tagumpay ng inisyatibong ito sa buong mundo nang ito ay ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—•๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€ ๐—”๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿญ para sa pangangalaga ng ating rivers at paglikha ng kabuhayan mula sa basura.

Mula 2012 hanggang 2022, natapos ang Riverdrive na may kabuuang habang 40 kilometro. Ipinatupad ito sa tatlong phases o yugto:

โ— 1st Phase: Ang 20-kilometrong Zapote Riverdrive ay nagsilbing alternatibong daanan sa trapiko habang nakatutulong sa pagpigil ng pagbaha sa mga lugar sa kahabaan ng Zapote River at Zapote-Alabang Road.

โ— 2nd Phase: Ang 10-kilometrong Las Piรฑas Riverdrive ay nagpalakas sa kontrol ng baha at pinahusay ang daloy ng tao at sasakyan sa mga mataong barangay.

โ— 3rd Phase: Ang ginagawa na 10-kilometrong Molino Riverdrive, na nag-uugnay sa Daang Hari Road sa pamamagitan ng Barangays Molino III at VI sa Bacoor, Cavite patungong Zapote River at kalaunan ay sa Manila Bay.

Ang bawat bahagi ng Riverdrive ay higit pa sa isang kalsada - ito ay bahagi ng isang structure na panangga at nagpoprotekta sa ating mga daluyan ng tubig. Dito dumaraan ang mga barges, banka, at iba pang malalaking equipment na ginagamit natin sa paglilinis ng ilog. Sa pamamagitan rin ng mga bakod sa gilid ng kalsada at mas maayos na access sa tabi ng ilog, nabawasan ang walang habas na pagtatapon ng basura, nakontrol ang mga informal settlers sa tabi ng ilog, at naging mas madali ang regular na maintenance.

Kung hindi ang Riverdrive, ano nga ba ang tunay na sanhi ng kamakailang pagbaha?

Narito ang mga totoong dahilan:
โ— Baradong drainage system dahil sa hindi nakokolektang basura at debris,
โ— Mga bara sa mga daluyan ng tubig na nangangailangan ng regular na paglilinis,
โ— Mali o iresponsableng pagtatapon ng basura ng ilang residente at negosyo,
โ— At ang lalong lumalakas na pag-ulan bunga ng climate change, na lumalampas sa kapasidad ng drainage infrastructure ng lungsod.

Bukod pa rito, kailangan din nating bigyang pansin ang isang lumalaking banta: ang mga ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†. Ang mga aktibidad na ito ay ๐—ด๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด at ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ๐—ณ๐—น๐—ผ๐˜„ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ, ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถรฑ๐—ฎ๐˜€. Sa kabila ng mga proyektong ito,๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—˜๐—ก๐—ฅ ๐—ป๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ณ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ป na tumutugon sa pinagsama-samang epekto ng agos mula sa itaas, urbanisasyon, at coastal developments gaya ng reclamation.

Ang ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜‡๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜€๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ ๐—ณ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐—ป ang tunay na banta sa ating mga komunidad hindi ang Riverdrive, na matagal nang napatunayang epektibo.

Sa paglipas ng mga taon, naging modelo ang Riverdrive ng pinagsamang urban development: pinagsasama ang imprastruktura, pangangalaga sa kapaligiran, at serbisyong pampubliko para makabuo ng isang mas ligtas, mas malinis, at mas maayos na lungsod.

Habang patuloy na pinapalawak ang proyekto at inuugnay ang mas maraming barangay, nananatiling pareho ang layunin: protektahan ang buhay at ari-arian mula sa baha, pahusayin ang daloy ng trapiko, at muling buhayin ang ating mga likas na daluyan ng tubig.

Huwag nating hayaan na ang maling impormasyon ay burahin ang mga dekada ng trabaho at dedikasyon tungo sa kaunlaran.

Ang Riverdrive ay hindi ang problema - ito ay bahagi ng solusyon.

Mas matatag at mas handa na ngayon ang Las Piรฑas laban sa pagbaha, dahil kumilos tayo noong hindi pa man kumikilos ang iba.

Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piรฑas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Las Piรฑas
1700