Barangay Pilar Village, Las Piñas

Barangay Pilar Village, Las Piñas

Share

Official Page of Brgy. Pilar, Las Piñas City

03/06/2026

📍✨ VENUE REVEAL! ✨📍

Mga Ka-Zumba, tapos na ang paghihintay! 🎉

Dito na tayo magkikita para sa pinakamasayang fitness event ng taon!

🏟️ AGUILAR SPORTS CENTER

Handa na ba kayong gumalaw, magpawis, at magsaya kasama ang ating espesyal na panauhin na si Ms. Regine Tolentino, Certified Zumba® Instructor? 💃🔥

🗓️ June 6, 2026
⏰ 6:30 AM
📍 Aguilar Sports Center

✅ FREE ZUMBA FOR ALL
🎁 FREE EVENT T-SHIRTS
(Limited stocks only – via Draw Lots during Registration)

Tipunin na ang inyong pamilya, kaibigan, at kapitbahay para sa isang umagang puno ng enerhiya, kalusugan, at pagkakaisa!

Kita-kits sa Aguilar Sports Center! 💖💚💛

Photos from Barangay Pilar Village, Las Piñas's post 03/06/2026

💃✨ ZIN REVEAL! ✨💃

Handa na ba kayong magpawis, magsaya, at sumayaw kasama ang ating mga ZINs? 🎶🔥

Sama-sama nating simulan ang umaga nang puno ng enerhiya, saya, at positibong vibes habang pinangungunahan tayo ni Ms. Regine sa isang masiglang Zumba session!

📅 June 6, 2026
⏰ 6:30 AM
📍 Aguilar Sports Center

✅ FREE ZUMBA FOR ALL
🎁 FREE EVENT T-SHIRTS (Limited Stocks Only – via Draw Lots during Registration)

Tag na ang inyong mga kaibigan at pamilya at sabay-sabay tayong gumalaw para sa mas malusog at mas masayang komunidad! 💖

02/06/2026

📢 BUKAS NA!

Handa na ba ang mga estudyante para sa bagong pasukan? ✂️🎒

Makilahok sa ating Libreng Gupit sa Pilar Village Elementary School bukas, Hunyo 3, 2026 (Miyerkules) mula 8:00 AM hanggang 12:00 PM handog ni Kapitan Ronillo B. Fuentes at Konsehal Danok Hernandez.

✅ Libre ang gupit
✅ First come, first served (limited slots only)

Inaanyayahan din ang mga magulang at mga boluntaryo na makiisa sa diwa ng pagtutulungan para sa paghahanda ng paaralan.

Kita-kits bukas sa Pilar Village Elementary School - Pilota!

Photos from Barangay Pilar Village, Las Piñas's post 30/05/2026

🌸✨ SANTACRUZAN 2026 ✨🌸

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kabataang nakiisa at nagbigay-pugay sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng makulay at makabuluhang pagdiriwang ng SantaCruzan na inorganisa ng Our Lady of the Pillar Parish Las Piñas City

Ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa ng ating pamayanan. Maraming salamat sa mga magulang, volunteers, at sa buong Our Lady of the Pillar Parish sa matagumpay na pagdaraos ng gawaing ito.

📸✍️: Ariel Claveria



27/05/2026

𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥𝗘Ñ𝗢S!
Ang Barangay Pilar Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ay patuloy na nakikipagtulungan sa ating mga awtoridad upang mapanatiling ligtas, mapayapa, at drug-free ang ating komunidad.

Kung mayroon kayong nais i-report na hinihinalang ilegal na droga, pagtutulak, o anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa droga sa loob ng barangay, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod na hotline:

🚔 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗿 𝗦𝘂𝗯-𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟱
☎️ Call: (02) 8563-1210
📱 Text: 0917-183-4126

🏛️ 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗿 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹
📱 Text: 0924-338-4257
📧 Email: [email protected]

🏥 𝗟𝗮𝘀 𝗣𝗶ñ𝗮𝘀 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲
☎️ Call: (02) 8351-2399
📧 Email: [email protected]

Maaari rin kayong humingi ng tulong para sa inyong sarili, kaanak, o kakilala na nais sumailalim sa intervention, counseling, o rehabilitation program laban sa ilegal na droga.

🔒 Mahigpit na pinangangalagaan ang pagkakakilanlan ng mga nagrereport.
🤝 Sama-sama nating protektahan ang ating pamilya at komunidad laban sa ilegal na droga.

⚠️ 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧:
Upang maprotektahan ang privacy at seguridad ng bawat isa, hinihiling po namin na iwasan ang pagko-komento ng mga pangalan, address, o partikular na lugar sa post na ito.

Kung may nais pong i-report o ipagbigay-alam, maaari po kayong direktang makipag-ugnayan sa mga hotline na nakasaad sa post. Rest assured na mananatiling confidential ang inyong impormasyon at pagkakakilanlan.





26/05/2026

🎉💃 TARA NA SA FREE ZUMBA SA BARANGAY PILAR! 💖 Hatid ni Kap Ronillo B. Fuentes at ng Team Rbf Brgy Pilar Lpc 💙

Makisayaw at maki-energize kasama ang ating espesyal na panauhin na si Ms. Regine Tolentino, Certified Zumba® Instructor! 💃🔥

MAY LIBRENG T-SHIRTS! (Limited stocks only!)
📌 Bubunutin ang mga mapapalad na makakatanggap ng FREE T-SHIRT during registration sa event day:

🗓 June 6, 2026, Sabado
⏰ 6:30 AM
📍 Venue within Brgy. Pilar (to be announced)

Maaari ding sumali sa Special Raffle ng Kalipi Brgy. Pilar Chapter, bumili lamang ng ticket sa mga chapter leaders sa inyong lugar. Sama-sama tayong gumalaw para sa mas malusog at mas masayang komunidad! 💖

24/05/2026

✂️📚 LIBRENG GUPIT PARA SA MGA BATA! 📚

Inaanyayahan ang mga batang may edad 6-12 years old sa ating Balik Eskwela Libreng Gupit handog ni Kapitan Ronillo B. Fuentes at ng Team Rbf Brgy Pilar Lpc 💙

🗓️ June 3, 2026 (Wednesday)
⏰ 8:00 AM – 12:00 PM
📍 Pilar Village Elementary School - Pilota

⚠️ Limited slots only! First come, first served.
✅ Kailangan may kasamang magulang o guardian
✅ Ang mga kalahok ay kinakailangang makiisa sa Brigada Eskwela

Tara na at magpagupit para handang-handa sa pagbabalik-eskwela! ✨

22/05/2026

📢 PATALASTAS SA PUBLIKO:
PhilSys Registration sa Barangay Pilar

Isang pagbati po sa lahat!

Iniaanyayahan po ng Barangay Pilar Village, Las Piñas ang lahat ng mga residente na wala pang National ID na makilahok sa ating PhilSys Registration at meron din tayong printing ng temporary ID.

• Kailan: Bukas (Araw ng Sabado)

⏰ Oras: Magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga hangang ala 5:00 ng hapon

📍 Saan: Barangay Hall

Paalala: Huwag kalimutang magdala ng mga kinakailangang dokumento tulad ng Birth Certificate, Barangay Clearance, o anumang valid ID para sa maayos na proseso.

Magtulungan po tayo para sa mas mabilis na serbisyo. Kita-kits bukas!

21/05/2026

✂️ CALL FOR VOLUNTEER BARBERS ✂️

Maging bahagi ng ating “Balik Eskwela Libreng Gupit” para sa mga mag-aaral ng Brgy. Pilar! 📚💈

Tulong-tulong tayong magbigay ng maayos at libreng gupit upang mas maging handa ang ating mga mag-aaral sa pagbabalik eskwela. 💙

Petsa ng Gupitan
📅 June 3, 2026 (Wednesday)
🕗 8:00 AM – 12:00 PM
📍 Pilar Village Elementary School

Kung interesadong magvolunteer,
📩 Mag message sa Barangay Pilar Village, Las Piñas page page o
☎️ Tumawag sa 8806-7241 at hanapin si Ariel Claveria

Sama-sama nating ihanda ang kabataan para sa mas magandang kinabukasan! ✨✂️





21/05/2026

📣 LIBRENG WELLNESS & EYE CHECK-UP SA BARANGAY PILAR! 👁️💙

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Pilar na makiisa sa My Health Clinic Wellness Event: Health Goals in Focus para sa libreng serbisyong medikal at eye check-up! 🩺✨

📅 Schedule:
• May 30, 2026 (For Seniors & PWD)
• June 13, 2026 (For All)
• June 20, 2026 (For All)

⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Pilar Village Barangay Hall
(Aguirre Corner Sapphire, Pilar, Las Piñas)

🩺 Mga Libreng Serbisyo:
✅ General Health Assessment
✅ Konsultasyon sa Doktor
✅ Blood Pressure at Vital Signs Checking
✅ BMI at Body Composition Analysis
✅ 5-Minute Health Risk Assessment
✅ Comprehensive Eye Check-Up
✅ Nutrition & Lifestyle Guidance
✅ One-on-One Patient Counseling

🎯 Alagaan ang inyong kalusugan at paningin kasama ang ating mga health professionals!

📌 Mag-register agad sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code sa poster.
Limitado lamang ang slots kaya magpa-reserve na!

Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Pilar Village
Las Piñas
1740