Solo Parents of Talon 5

Solo Parents of Talon 5

Share

This is the Official page of the Solo Parents of Talon 5, located in Las Piñas City.

Photos from Solo Parents of Talon 5's post 26/10/2025

🌻 THANK YOU, SOLO PARENTS FAMILY! 🌻

What a beautiful and joy-filled day! Our hearts are overflowing with gratitude after our Thanksgiving Family Day 2025. 💖

Some of the Activities included:

Face Painting
Cupcake Decorating
Film Showing: Miracles from Heaven

To all our amazing solo parents and wonderful kids — thank you for showing up with your smiles, energy, and love. You are the reason this event was a success! ✨

A huge shoutout to our sponsors, volunteers, and partners who supported us every step of the way. Your generosity helped create moments of laughter, creativity, and togetherness — from the film showing, cupcake decorating, face painting, cosplay fun, up to our shared dinner. 🎬🧁🎨🎭🍽️

We celebrate family, we celebrate strength, and we celebrate YOU!
May we continue to uplift one another and build a community that stands strong through every season. 💪💛

Bgy. Talon 5 Punong BArangay Josefina Baguinan-Bumanlag and Council , esp. to Kagawad Gelo Vergara:

LIST OF SPONSORS:
1.Chief Engineer Joel Parolina
2. Cake Buddy's Kitchen and Catering Services
3. MissGhie's Sweet Corner
4. Dheans Home Treat Cakes and Pastries
5. C&O Events
6. Candour Logistics Inc.
7. Luxury Freight and Global Logistics Inc.
8. Estrada Family
9. Gastro Grub Kitchen
10. Ilai's Store
11. Bake Mama
12. Mariano Family
13. Ms. Joan Tan and daughter.
SPT5 Officers and Coordinators

See you again on our next event!

Photos from Solo Parents of Talon 5's post 18/07/2025

👩‍🍳💚 To our amazing Solo Parents of Talon 5 OFFICERS — this is your moment!

In celebration of Nutrition Month 2025 "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!", we recognize not just your strength in raising families on your own, but also your love that’s poured into every meal you prepare.

Today, you step into the kitchen not just as cooks, but as heroes of health—proving that even in solo parenting, there is nothing “solo” about love, resilience, and delicious nutrition.

Let’s celebrate your talent, creativity, and commitment to building healthier homes and a stronger community.

🍲 Mabuhay ang Solo Parents ng Talon 5!

18/07/2025

Yes, I’m a single mom. No, I’m not broken — I’m built differently. Rule #1. 💪👑💖

01/07/2025

🌟 Against all odds, she rose again.

Meet Juls Gonzales.

She just graduated Bachelor of Science in Hospitality Management while working as a Service Travel Advisor in a well-known company since 2022, and above all, a proud solo mom to her 2 kids.

Life threw her challenges, but she never stopped believing in herself. Juls shows us that no matter how hard it gets, you can still chase your dreams and create a beautiful life for you and your children. 💛✨

We are so proud of you!


Photos from Solo Parents of Talon 5's post 30/06/2025

Midyear check-in: Ang dami na nating na-achieve! Let’s keep going! 🚀


Photos from Solo Parents of Talon 5's post 23/06/2025

"Hindi lang pang-kusina, pang-court din si mommy! Isang araw ng volleyball, tawa, at tapang. 🏐✨

Solo Parents of Talon 5 served, spiked and slayed! 🏐💪❤️

Hats off to our pretty ladies especially

Best Muse Meigui Leiyesi from lipstick to libero, she slays every role!

And

Valerie Ann Ricafort, Mythical 6, she's got lashes and lunges-- and both are sharp!!

And to SPT5 VOLLEYBALL TEAM,, you're surely to watch out for!

"

22/06/2025

Magandang pampapawis at pangtanggal ng stress sa mga momshies! ❤️

Maraming salamat Kagawad Gelo Vergara sa paghahatid ng makabagong laro sa mga nanay ng Talon 5!!!




22/06/2025

ᴏᴘɪsʏᴀʟ ɴᴀ ᴘᴀʜᴀʏᴀɢ

Hinggil sa Pagbubuo ng Isa Pang Organisasyon ng mga Solo Parent sa Ating Komunidad
Petsa: Hunyo 17, 2025

Kami, ang mga opisyales at miyembro ng Solo Parents of Talon 5 (SPT5), ay nais magbigay-linaw kaugnay ng balitang muling pagbubuo ng isa pang samahan ng mga solo parent sa ating komunidad.

Wala kaming nakikitang malinaw o makatuwirang dahilan upang magtatag ng hiwalay na grupo, lalo’t matagal nang kinikilala, aktibo, at maayos na gumagana ang SPT5 bilang opisyal na samahan ng mga solo parent sa Barangay Talon 5. Mula nang ito ay itinatag, tuluy-tuloy na nagsilbi ang SPT5 sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng iba’t ibang programa ng suporta, outreach activities, pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor, at representasyon sa mga usaping pangkomunidad.

Habang kinikilala namin ang karapatan ng sinuman na mag-organisa, naniniwala kami na ang pagkakaisa ng mga solo parent ay mas makabubuti kaysa pagkakahiwa-hiwalay. Ang pagkakaroon ng magkakaibang grupo na may magkakatulad na layunin ay maaaring magdulot ng kalituhan, pag-uulit ng parehong gawain, at maling representasyon sa mga tunay na pangangailangan ng ating komunidad.

Dahil dito, hinihikayat namin ang ating mga kapwa solo parent at mga katuwang sa komunidad na maging mapanuri at maingat. Makipag-ugnayan lamang sa mga lehitimo, kinikilala, at grupong may accountability—gaya ng SPT5—na may maayos na rekord at tiwala ng mga miyembro.

Para sa opisyal na mga katanungan o beripikasyon, makipag-ugnayan lamang sa:

📩 page: Registered Solo Parents of Talon 5
📞 Contact: +63 947 168 7033 – Ms. Julie M. Vertudez (President)

Patuloy kaming nakatuon sa tapat, maalaga, at nagkakaisang paglilingkod sa ating mga kapwa solo parent.

Nilagdaan,
Ms. Julie M. Vertudez
Pangulo
Solo Parents of Talon 5 (SPT5)

20/06/2025

Ang dami ko na palang nilampasan.

Akala ko kasi wala akong napapatunayan.
Akala ko kasi mahina ako.
Akala ko kasi palagi akong nauubos.

Pero kung titingnan ko, kung babalikan ko lahat ng gabi na umiiyak ako sa higaan, lahat ng umaga na pinilit kong bumangon kahit wala akong gana, lahat ng araw na ngumiti ako kahit wasak na wasak na ako sa loob…
Ang dami ko na palang napagdaanan.

Minsan nakakalimutan natin kung gaano tayo katatapang, kasi araw-araw tayong nasa mode na "survive muna."
Walang pause. Walang break. Walang acknowledgment.
Laban lang nang laban.

Pero ngayong sandaling huminto ako, narealize ko…
Ang dami ko na palang nalagpasan.
Ang dami ko na palang tiniis.
Ang dami ko na palang kinaya.

So if no one has told you this lately—
I’m proud of you.
For choosing to stay.
For showing up kahit ayaw mo na.
For fighting kahit hindi mo na alam kung para saan.

Hindi man ito ‘yung dulo, hindi pa man ito ang tagumpay na gusto mo—pero just by surviving, you are already winning.

Kaya ngayon, sandali lang…
Batiin mo muna ang sarili mo.
Dahil andito ka pa rin.



Photos from Solo Parents of Talon 5's post 14/06/2025

𝕭𝖊𝖓𝖙𝖊 𝕸𝖔 𝕻𝖆𝖗𝖆 𝖘𝖆 𝕰𝖉𝖚𝖐𝖆𝖘𝖞𝖔𝖓 𝕶𝖔 - 𝖄𝖊𝖆𝖗 2

Muli po tayong nakapagbigay ng ngiti at saya sa mga registered solo parent members ng Solo Parents of Talon 5 sa pamamahagi ng mga school supplies sa kanilang mga high school na anak.

Nagsimula po tayo sa

𝔅𝔞𝔰𝔲𝔯𝔞 𝔐𝔬 𝔓𝔞𝔯𝔞 𝔰𝔞 𝔖𝔠𝔥𝔬𝔬𝔩 𝔖𝔲𝔭𝔭𝔩𝔦𝔢𝔰 𝔎𝔬 noong Pebrero 2025.

Sa pamamagitan ng mga officers at Area Coordinators, nakapangolekta po tayo ng mga kalakal at naibenta sa junkshop upang maipandagdag sa ating Fundraising Project.

At naipagpatuloy ito sa pagpasok ng May 2025 sa pamamagitan ng bayanihan ng mga solo parent members na nagpaabot ng kanilang tulong pinansyal. Mula sa bente pesos na halaga, na ating pinagsama-sama, nakabili tayo at nakapagbigay ng school supplies para sa 50 na mag-aaral sa high school na anak ng solo parents.

Taos puso din po ang aming pasasalamat sa ating Social Services Committee Chairman Kagawad Carlson Pascual at Vice- Chairman Kagawad Gelo Vergara sa kanilang malasakit, suporta at walang sawang pagtulong sa ating mga solo parents.

Gayon din po sa aming masipag na Punong Barangay Josefina Baguinan-Bumanlag at mga konseho.

𝔄𝔱 𝔥𝔦𝔤𝔦𝔱 𝔰𝔞 𝔩𝔞𝔥𝔞𝔱, 𝔐𝔞𝔯𝔞𝔪𝔦𝔫𝔤 𝔰𝔞𝔩𝔞𝔪𝔞𝔱 𝔭𝔬 𝔰𝔞 𝔪𝔤𝔞 𝔪𝔢𝔪𝔟𝔢𝔯𝔰, 𝔠𝔬𝔬𝔯𝔡𝔦𝔫𝔞𝔱𝔬𝔯𝔰 𝔞𝔱 𝔬𝔣𝔣𝔦𝔠𝔢𝔯𝔰 𝔫𝔤 𝔖𝔬𝔩𝔬 𝔓𝔞𝔯𝔢𝔫𝔱𝔰 𝔬𝔣 𝔗𝔞𝔩𝔬𝔫 5.

Sa kabila ng mga hamon ng buhay, patuloy kayong nagsisilbing inspirasyon dahil sa inyong katatagan, sipag, at pagmamahal para sa inyong mga anak.

Ang inyong presensya at pakikibahagi sa ating mga proyekto at gawain ay tunay na nagpapalakas ng ating samahan bilang isang pamilya. Salamat sa tiwala at suporta—kayo ang puso ng ating grupo!

"𝕾𝖔𝖑𝖔 𝕻𝖆𝖗𝖊𝖓𝖙 𝖓𝖆 𝕽𝖊𝖍𝖎𝖘𝖙𝖗𝖆𝖉𝖔, 𝕾𝖆 𝕲𝖔𝖇𝖞𝖊𝖗𝖓𝖔 𝕿𝖎𝖞𝖆𝖐 𝖓𝖆 𝕻𝖗𝖔𝖙𝖊𝖐𝖙𝖆𝖉𝖔. "

09/06/2025

Solo Parent ka ba?

Magpa-register kana!

Kung ikaw ay taga Talon 5, Las Piñas City, magpunta lang sa ating Barangay Hall tuwing Lunes, mula 8:00 a.m. - 12:00 n.n. at hanapin sina Ms. Len Jimenez o Ms. Flor Tresvalles

Dahil "Ang Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Protektado."


Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Talon 5
Las Piñas
1747