02/06/2026
💃🕺 Tara na at makisaya sa ating Zumba Session ngayong Sabado!
📅 June 6, 2026 ⏰ 6:30 AM 📍 Las Piñas City Lying-in Clinic
OOTD: BLACK
Simulan ang inyong Sabado nang puno ng enerhiya, saya, at healthy vibes kasama ang ating Zumba Coach na si Bhim Ribalde!
Libre ang pagsali kaya yayain na ang inyong pamilya, kaibigan, at kapitbahay. Kita-kits tayo sa dance floor! 💪🎶
25/05/2026
Muli po naming inaanyayahan ang lahat na maging bahagi ng pagbibigay ng pag-asa at buhay sa ating mga nangangailangan ng dugo. ❤️
📌 Ang inyong simpleng pagdo-donate ay maaaring makapagligtas ng buhay.
📌 Sama-sama nating ipagpatuloy ang malasakit para sa komunidad.
24/05/2026
💗 FAQ para sa mga bagong panganak na Mommy! 💗
"2 weeks na po simula ng manganak ako, pero dinudugo parin ako. Normal paba ito Ma'am?" 🤱
✨ Tandaan: • Pwedeng tumagal ng hanggang 4–6 weeks
• Unti-unting kumokonti at nag-iiba ang kulay ng dugo
• Magpahinga, uminom ng maraming tubig, at kumain ng masustansya 🥗💧
⚠️ Magpatingin agad kung: ❗ Sobrang lakas ng pagdurugo
❗ May lagnat o mabahong discharge
❗ Malalaking blood clots
❗ Nahihilo o matinding pananakit
Makinig sa iyong katawan, Mommy. Iba-iba ang paggaling ng bawat babae. 💕
23/05/2026
Maraming salamat po sa mga nakijoin sa ating Zumba session ngayong umaga sa Las Piñas City Lying-In Clinic! 💃🕺
Humihingi rin po kami ng paumanhin sa mga naghintay sa ating Zumba Coach. Sa kabila po ng delay at kahit kakaunti lamang ang dumalo, itinuloy pa rin natin ang session. ❤️
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, suporta, at energy! Abangan po ang susunod nating Zumba sessions. Kita-kits ulit! ✨
23/05/2026
📍 Paalala po: Nagkaroon po ng pagbabago ng venue. Humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot nito. Mula po sa dating inanunsyong venue na Pamplona Hospital and Medical Center, ang blood donation drive ay ginaganap na po ngayon sa Las Piñas City Lying-In Clinic.
⏰ Bukas pa po kami hanggang 12noon para sa mga gustong makibahagi! Tara na at maging bayani sa simpleng paraan. ❤️🩸
22/05/2026
💃🕺 Tara na at makisaya, makigalaw, at maging healthy kasama namin sa ating ZUMBA SESSION tomorrow!
📅 May 23, 2026
⏰ 6:00 AM – 7:00 AM
📍 Las Piñas City Lying-In Clinic
Suot na ang inyong favorite stripes OOTD at samahan kami sa isang masigla at healthy na umaga! 🌈✨
Kasama ang ating energetic Zumba Coach na si Bhim Ribalde! 🔥
Libre po ito at open for everyone — kaya isama na ang pamilya at mga kaibigan! Kita-kits! 💪❤️
17/05/2026
📢 PAUNAWA 📢
Magandang araw po sa lahat!
Nais po naming ipaalam na may pagbabago sa venue ng ating Blood Donation Drive sa darating na May 23, 2026.
📍 BAGONG VENUE:
Las Piñas City Lying-In Clinic
🕗 Oras: 8:00 AM – 12:00 PM
Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang naidulot ng pagbabagong ito at lubos po naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa at suporta.
Inaanyayahan pa rin po namin ang lahat na makiisa at magbigay ng dugo upang makatulong at makapagligtas ng buhay. ❤️
Maraming salamat po at magkita-kita tayo!
15/05/2026
Masayang pagbabalik-tanaw sa matagumpay na Zumba Session na ginanap noong nakaraang Sabado sa Las Piñas City Lying-in Clinic! 💃🕺
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras upang makisaya, makiisa, at mapanatili ang malusog na pangangatawan. Tunay na nakakatuwang makita ang enerhiya at samahan ng bawat isa. 💚
Abangan ang aming susunod na Zumba activities! Sama-sama tayong maging aktibo at healthy! ✨