18/08/2025
𝑺𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒏𝒈𝒊𝒕𝒊 𝒂𝒚 𝒔𝒊𝒏𝒊s𝒊𝒍𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒏𝒈 𝒘𝒊𝒌𝒂,
𝑺𝒂 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝒔𝒂𝒈𝒐𝒕 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒈ni𝒏𝒊𝒍𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒍𝒊𝒏𝒐 𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐. 🇵🇭✨
Narito na ang opisyal na mga kalahok para sa Lakan at Lakambini 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.” 🇵🇭✨
🗳 Paano bumoto?
1️⃣ I-LIKE 👍 at i-FOLLOW ❤️ muna itong aming official page.
2️⃣ Hanapin ang litrato ng iyong napupusuan na kalahok.
3️⃣ I-click ang HEART ❤️ react sa kanilang larawan.
❗ Paalala:
👉 Ang hindi naka-LIKE at FOLLOW sa page ay hindi mabibilang ang heart react.
👉 Ang botohan ay magsisimula ngayong Lunes, Agosto 18 at magtatapos sa Biyernes, Agosto 22.
👉 Ang kalahok na may pinakamaraming hearts ❤️ ang tatanghaling People’s Choice Awardee. 🏆
Suportahan na ang inyong pambato at ipakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating wika at kultura! 💙💛❤️
01/08/2023
President Ferdinand R. Marcos Jr. extends his warm greetings to the Filipino people on the celebration of Buwan ng Wikang Pambansa.
In his message, the President emphasizes the value of the Filipino language, heritage, and culture in unifying the nation. He calls on the public to cherish and promote the use of the language, not just for communication but also for instilling collective awareness and progress for future generations. Additionally, PBBM encourages citizens to demonstrate their love for the country and work towards the realization of shared aspirations for the Philippines among the Filipino people.
01/08/2023
AGOSTO NA!
BUWAN NG WIKA NA!
Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2023 sa pamamagitan ng paggamit ng LPNorth Buwan ng Wika 2023 frame sa inyong Facebook Profile. Ang pagdiriwang na ito ay may temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan.”
Sundin lamang ang sumusunod:
1. I-click ang link na ito: https://twb.nz/lpnorth
2. Pumili ng picture na gusto mo.
3. I-download ito at i-copy ang caption mula sa twibbonize
4. I-set ang downloaded picture bilang profile picture mo sa Facebook at gamitin ang caption mula sa twibbonize.
Matapos ito, kopyahin ang caption sa ibaba:
Ako si (Pangalan), mag-aaral sa Las Piñas North National High School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023 na may temang 'Filipino at Mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan" ngayong 2023.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Katutubong Wika.
Buwan Ng wika LPNORTH
31/07/2023
Ano ang kahulugan ng tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2023? Alamin sa: https://drive.google.com/file/d/1ulESbbUegJfr5GN31gMAQngWbX1Zp9zK/view?usp=sharing
24/03/2023
Umarangkada rin ang mga piling mag-aaral ng
Las Piñas North National High School sa isinagawang DIVISION ACADEMIC CONTEST IN ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM FOR JUNIOR HIGH SCHOOL, Las Piñas City.
Matagumpay na sinungkit ni Ma-reen Gonzales ang UNANG PUWESTO para sa LS 1 ENGLISH JHS CATEGORY sa pamatnubay ng kaniyang tagapagsanay, Gng. MARIA V. QUICOSA, TIII.
Habang IKATLONG PUWESTO naman ang iginawad kay Roberto Lopez para sa LS 5 JHS Category sa ilalim ng pagsasanay ni Bb. Jeanete A. Daroy, TIII.
Pagpupugay sa inyo!
23/03/2023
RUMATSADA NA sa Ikatlong Puwesto ang LAS PIÑAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL para sa Brigada Pagbasa 2022.
Pagbati sa Brigada Coordinator ng Filipino, Gng Anna Rayo, at Brigada Coordinator ng Ingles, Gng Aliana Estrada Mansalapus.
Pagbati rin sa lahat ng kaguruan sa Filipino at Ingles ng LAS PIÑAS NORTH NATIONAL HIGH SCHOOL na nakiisa sa pagsasakatuparan ng proyekto at pagtugon sa hamon na bawat bata bumabasa.
Ang tagumpay na ito ay PARA SA BATA AT PARA SA BAYAN.
Kaya,
Lubos po ang aming pasasalamat sa buong team ng SDO LAS PIÑAS na naglunsad, sumubaybay at nagsuri ng programang ito.
Maraming salamat din po sa dalawang mahusay at supportive na puno ng aming paaralan, Gng. JENNIFER T. ERISPE, Punongguro II at sa dating punongguro ng paaralan, G. CARLOS ALEXANDER S. RIGON, Principal IV.
Salamat din po sa suporta ng Barangay Pulanlupa Dos lalo na sa lahat ng volunteer parents and donors. Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa inyo.
Sa Diyos ang Papuri.
23/03/2023
“The fruits of your labor will bare the fruits of your success.”
— Jon Jones
CONGRATULATIONS DSPC WINNERS AND RSPC QUALIFIERS!
Filipino Individual Category
Gurong Tagapagsanay- Imelda P. Intano, Teacher III
2nd Place - Pagsulat ng Lathalain-RSPC QUALIFIER
Mark Erick L. Rentosa
3rd Place - Pagsulat ng Editoryal-RSPC QUALIFIER
Jacey Charisse D. Limbo
3rd Place - Pagsulat ng Lathalaing Pang-agham-RSPC QUALIFIER
Stefhanie M. Habana
3rd Place- Pag-uulo at Pagwawasto ng Sipi-RSPC QUALIFIER
Jamilla Claire D. Limbo
ENGLISH INDIVIDUAL CATEGORY
Coach: Jocelyn Peñalosa, Teacher I
2nd PLACE SCIENCE FEATURE WRITING- RSPC QUALIFIER
Nicholas Jayron M. Bustamante
5th PLACE Copy Reading and Headline Writing
Klars Andrea T. Orido