01/10/2026
FREE LEGAL AID | CIVIL REGISTRY OFFICE – LAS PIÑAS
Ang Civil Registry Office ng Las Piñas ay nakilahok sa matagumpay na Free Legal Aid na ginanap noong Setyembre 19, 2026 (Sabado) sa Second Floor, SM Center Las Piñas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rule of Law Month.
Sa nasabing aktibidad, nagbigay ang Civil Registry Office ng libreng konsultasyon at serbisyo ukol sa Civil Registration at mga usaping may kinalaman sa civil registry documents, kabilang ang:
✅ Legal Advice / Consultation ukol sa mga concern sa Civil Registration
✅ Proseso ng Late Registration of Birth at pagsusuri ng mga kinakailangang dokumento
✅ Proseso sa mga petisyon para sa Correction of Entries
✅ Pagwawasto ng clerical at typographical errors sa Birth, Marriage, at Death Certificates
✅ Mga usapin sa pagbabago ng unang pangalan (Change of First Name) at iba pang civil registry concerns
✅ Pagsusuri at pagbibigay-gabay sa mga kinakailangang dokumento para sa pagpaparehistro at pagwawasto ng civil registry records
Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines – PPLM Chapter, City Government of Las Piñas, SM Center Las Piñas, Rotary Club of Parañaque Southwest – RC Las Piñas South, at Rotary Club Lex et Salus Makati – RC Las Piñas South, bilang bahagi ng layuning mailapit ang libreng legal at serbisyong pampamahalaan sa ating mga kababayan para sa tuloy tuloy na serbisyo sa pangunguna ni Mayor April Aguilar at Vice Mayor Mel Aguilar.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Free Legal Aid!