Kagawad Paula Lim

Kagawad Paula Lim

Share

Official page of Kagawad Paula Lim of Barangay Talon Singko, Las Piñas City ✨

28/05/2026

💗 Take a Step for Your Health!💗

📍Talon Singko Health Center
🗓 TOMORROW | May 29, 2026
⏰8:00 AM – 5:00 PM

Ladies, don’t miss this chance to take care of your health! 💕
Avail FREE Cervical Cancer Screening (VIA) – a simple and safe way to detect early signs and protect your future.

👩‍⚕️Who should go?
Women ages 20–49 years old, especially those who have not been screened yet.

✨ Early detection saves lives!
✨ Quick, simple, and reliable

👉Don’t wait. Get screened. Stay healthy.

28/05/2026

📣 Mga Ka-Singko!

Dahil sa matinding init ng panahon, binago natin ang oras ng ating Talon Singko Zumba Serye upang maging mas komportable at ligtas para sa lahat.

🕔 Bagong Schedule:
Tuwing Huwebes | 5:00 PM – 6:00 PM
📍 Barangay Talon Singko Covered Court

Inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa ating masayang Zumba session. Sama-sama tayong mag-ehersisyo, sumayaw, at pangalagaan ang ating kalusugan!

Libre ito para sa lahat. Kita-kits mga Ka-Singko! 💃🕺💛

20/05/2026

📣 Mga Ka-Singko, matapos pansamantalang ma-postpone ang ating Zumba Serye dahil sa Red Alert sa Luzon, masaya naming inaanunsyo na tuloy na tuloy na muli ang ating pagbabalik! 💃✨

Kita-kits bukas, Thursday, 6:00 PM sa Barangay Talon Singko Covered Court! Sama-sama tayong muling gumalaw, sumayaw, at maging healthy! 💛🕺

14/05/2026

IMPORTANT ANNOUNCEMENT 📢

Mga ka-Zumba at mga minamahal nating Ka-Singko, aming ipinababatid na ang “Nagbabalik na Zumba Serye” ngayong araw ay pansamantalang MAPOPOSTPONE dahil sa isinailalim na RED ALERT status sa sitwasyon ng energy sa buong Luzon.

Ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa ang ating pangunahing isinasaalang-alang. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, suporta, at patuloy na pakikiisa.

Abangan po ang panibagong schedule ng ating mas masigla at mas masayang Zumba bonding! 💃🕺

— Kagawad Paula Lim ❤️

13/05/2026

🌟 𝑴𝑮𝑨 𝑲𝑨-𝑺𝑰𝑵𝑮𝑲𝑶, 𝑻𝑨𝑹𝑨 𝑵𝑨 𝑨𝑻 𝑴𝑨𝑲𝑰-𝒁𝑼𝑴𝑩𝑨! 🌟

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮 𝗮𝘁 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝘆 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁! 💃🕺
Inaanyayahan ko po ang bawat 𝗞𝗮-𝗦𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼 na makiisa sa ating 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗲𝗱𝘂𝗹𝗲 ng 𝗧𝗮𝗹𝗼𝗻 𝗦𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼 𝗭𝘂𝗺𝗯𝗮 𝗦𝗲𝗿𝘆𝗲 upang mapanatili nating aktibo, masaya, at malusog ang ating pangangatawan.

📅 𝙏𝙪𝙬𝙞𝙣𝙜 𝙃𝙪𝙬𝙚𝙗𝙚𝙨 (𝙏𝙝𝙪𝙧𝙨𝙙𝙖𝙮)
🕕 6:00 𝙋𝙈 – 7:00 𝙋𝙈
📍 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙏𝙖𝙡𝙤𝙣 𝙎𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤 𝘾𝙤𝙫𝙚𝙧𝙚𝙙 𝘾𝙤𝙪𝙧𝙩

✨ 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗽𝗼 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁!
Magdala lamang ng tubig, tuwalya, at good vibes!

Bilang inyong lingkod, patuloy po nating isusulong ang mga programang nakatuon sa kalusugan, wastong nutrisyon, at kapakanan ng bawat pamilya sa ating barangay. Sama-sama nating palakasin ang ating komunidad sa pamamagitan ng ehersisyo at pagkakaisa. 💚

Makisaya, makigalaw, at maging healthy kasama ang buong Ka-Singko community! ❤️

Lubos na gumagalang,
𝙆𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖𝙙 Paula Lim
Committee Chairwoman on Women & Family, Health & Sanitation
Barangay Nutrition Action Officer - Barangay Talon Singko

Photos from Kagawad Paula Lim's post 13/05/2026

📣 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔-𝗦𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢 𝗞𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗨𝗟𝗔 𝗟𝗜𝗠:

“𝐒𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚-𝐫𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐓𝐮𝐥𝐢?”

Para po maging mas maayos at mabilis ang proseso ng registration at screening, narito na po ang tamang Health Center base sa inyong lugar sa Talon Singko. ✅

📌 Pakibasa lamang po ang listahan sa larawan upang malaman kung saan kabilang ang inyong area.

Maraming salamat po sa pakikiisa ng ating mga Ka-Singko para sa ligtas, maayos, at libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabataan. 🤍




Photos from Kagawad Paula Lim's post 13/05/2026

✨ 𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑳𝒂𝒔 𝑷𝒊ñ𝒆𝒓𝒐!

Inaanyayahan ang mga magulang at kabataang lalaki na makiisa sa “Oplan Libreng Tuli” ng City Health Office – Las Piñas sa darating na May 16, 2026 sa Aguilar Sports Complex, Brgy. Pilar mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

📌 Makipag-ugnayan sa inyong barangay health center para sa registration at screening.

📍 Libre at maayos na serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod para sa bawat Las Piñero.




Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Las Piñas

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm
Saturday 7am - 5pm
Sunday 7am - 5pm