Almanza Dos, Las Piñas City - Real Page

Almanza Dos, Las Piñas City - Real Page

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Almanza Dos, Las Piñas City - Real Page, Ilang-Ilang Cor. Gladiola Street, T. S. Cruz Subdivision, Almanza Dos, Las Piñas.

This is the official page of Barangay Almanza Dos, Las Piñas City
Monday to Friday (except holidays) 8:00 AM to 5:00 PM

Brgy Response Team📱 63+ 998 254 6814
Brgy Hall Office 📞 (02) 8641-3533
Brgy Tanod Office📞 8561-0981

26/05/2026

Magpabakuna na po ang ating mga chikiting laban sa tigdas at rubella!

Libre po ito para sa mga batang edad 6 hanggang 59 months.

Punta lang po sa ating health center ngayong June 1-30, 2026. Sama-sama tayong mag-ingat para ligtas ang bawat bata. 💙

24/05/2026

𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮 𝗠𝗮𝗿𝘆 𝗛𝗲𝗹𝗽 𝗼𝗳 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻𝘀
Rebecca Dulo, Barangay Almanza Dos, Las Piñas City

Greetings from Barangay Almanza Dos

Photos from Almanza Dos, Las Piñas City - Real Page's post 24/05/2026

BARANGAY ALMANZA DOS BASKETBALL SUMMER LEAGUE 2026 🏀🏆

Matagumpay na naisagawa ang ating halos isang buwang liga para sa Mini Midget, Senior, at Super Senior Division, mula sa elimination round, quarterfinals, semifinals, hanggang sa finals.

Mula po sa ating Punong Barangay at buong Sangguniang Barangay ng Almanza Dos, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng manlalaro, coaches, at koponan na naging bahagi ng ating liga. Maraming salamat sa inyong aktibong partisipasyon, dedikasyon, at magandang pagpapakita ng talento at disiplina sa bawat laro.

Panalo man o talo, ang tunay na mahalaga ay ang pagkakaisa, sportsmanship, respeto, at camaraderie na ipinakita ng bawat isa sa loob at labas ng court. Nawa’y patuloy nating gamitin ang sports bilang daan upang mapalakas ang samahan at mailayo ang kabataan sa maling gawain.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating mga generous sponsors, committees, referees, organizers, at sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay at maayos ang ating palaro. Ang inyong suporta at panahon ang naging malaking bahagi ng tagumpay ng liga.

At syempre, congratulations sa lahat ng nagwaging koponan at mga individual awardees! Tunay na pinatunayan ninyo ang inyong husay, tiyaga, at determinasyon.

Maraming salamat din sa lahat ng koponang sumali at sumuporta hanggang sa huling laro. Hangad po namin na muli kayong makasama sa susunod pang mga liga at programa ng ating barangay.

Hanggang sa susunod na Barangay Almanza Dos Basketball League! 🔥🏀

Photos from Almanza Dos, Las Piñas City - Real Page's post 23/05/2026

🏀 THE FINALS 🏆
Barangay Almanza Dos Basketball Summer League 2026

🗓️ May 23, 2026 (Saturday)
📍 TS Cruz Covered Court

Magsisimula na ang pinakahihintay na bakbakan ng ating mga players mamaya! Siguradong exciting at dikit ang bawat laro dahil bawat koponan ay ibubuhos ang lahat para maiuwi ang tagumpay at maging kampeon ng liga.

Sino-sinong team kaya ang magwawagi sa Finals?
Sino ang aangat at magpapakita ng tunay na husay sa court?

Tara na at sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro! Manuod, sumigaw, pumalakpak, at makisaya sa bawat laro at sportsmanship.

Kita-kits mamaya, Barangay Almanza Dos!

See you at the court! 🏀🔥

18/05/2026

FREE CHEST X-RAY & ACTIVE TB CASE FINDING
May 19, 2026 (Tuesday)
8:00 AM – 5:00 PM
📍 TS Cruz Covered Court

Mga kabarangay,
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Libreng Chest X-ray at Health Consultation na handog ng Las Piñas City Government at Las Piñas City Health Department, katuwang ang TS Cruz Health Center at Barangay Almanza Dos.

Layunin ng programang ito na magkaroon ng maagang pagtuklas (early detection) ng mga posibleng kaso ng Tuberculosis (TB) upang agad na mabigyan ng tamang gamutan at maiwasan ang paglala ng sakit.

• Libreng Chest X-ray
• Health Consultation
• TB Screening
• Maagang pag-iwas at proteksyon para sa pamilya

Huwag palampasin ang pagkakataong ito para mapangalagaan ang inyong kalusugan.

Magpa-TB screening na!
Maagang AKSYON, Madaling SOLUSYON.
Pamilyang protektado, kinabukasang sigurado.

Courtesy: TS Cruz Health Center

Photos from Almanza Dos, Las Piñas City - Real Page's post 15/05/2026

𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗔𝗟𝗠𝗔𝗡𝗭𝗔 𝗗𝗢𝗦 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗧𝗛𝗘 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟𝗦 🏀🔥

Mga kabarangay ng Almanza Dos,

Matapos ang mahigit isang buwang bakbakan mula Elimination Round, Quarter Finals, at Semi Finals, dumating na tayo sa pinakahihintay na laban, ang FINALS!

Handa na bang suportahan ang inyong mga paboritong koponan? Tunghayan natin ang matitinding laban mula sa iba’t ibang division at alamin kung sino ang magiging kampeon ng ating Basketball Summer League 2026.

Asahan ang bakbakan ng husay, diskarte, at puso sa loob ng court habang bawat koponan ay lalaban para sa kampeonato.

Kita-kits sa TS Cruz Covered Court!
Sama-sama nating suportahan ang ating mga manlalaro at gawing mas masaya ang pinakahuling yugto ng ating liga.

See you mga ka-barangay! 🙌

10/05/2026

Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati sa lahat ng magigiting na ina, ang ilaw ng tahanan at inspirasyon ng bawat pamilya, lalo na sa ating mga solo parents.

Nawa’y patuloy kayong maging matatag, masipag, at malakas sa anumang hamon ng buhay. Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at sakripisyo para sa inyong pamilya.

Happy Mother’s Day po sa inyong lahat! 💐❤️

Greeting from:
Kap. Jojo Alovera & Kagawad Mira-Jon DP. Alovers

Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Ilang-Ilang Cor. Gladiola Street, T. S. Cruz Subdivision, Almanza Dos
Las Piñas
1751

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm