Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa

Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa, Public & Government Service, Talon Dos, Las Piñas.

Photos from Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa's post 14/03/2026

Brgy Talon Dos Lupons attended "effective communication for mediators" yesterday, March 13, 2026, delivered by mediators staff from the Supreme Court. The result, a very productive one especially with the Q&A portion.

11/03/2026
Photos from Barangay Talon Dos's post 23/02/2026

LTIA ASSESSMENT 2026 | Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa
Isinagawa po sa ating barangay ang LTIA (Lupon Tagapamayapa Incentives Awards) Assessment bilang bahagi ng pagsusuri sa kung paano natin naipapatupad ang Katarungang Pambarangay.
Pinangunahan ang assessment ng mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Las Piñas sa pamumuno ni Ms. Ruth Azcueta, kasama ang representatives ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Corrections (BOC), at Civil Society Organization (CSO).
Sa kanilang pagbisita, sinuri ang ating mga kasalukuyang proseso, dokumento, at mga pamamaraan ng Lupon Tagapamayapa, gayundin ang pagbibigay ng mga rekomendasyon upang mas lalo pang mapahusay ang kalidad ng serbisyong ating naibibigay sa komunidad.
Taos-puso pong nagpapasalamat sa buong Assessment Team para sa kanilang oras, gabay, at mahahalagang rekomendasyon. Pasasalamat din sa ating Lupon Tagapamayapa members at staff sa kanilang paghahanda, pakikiisa, at patuloy na dedikasyon.
Patuloy po nating pagtitibayin ang ating mga programa upang matiyak ang maayos, patas, at maaasahang pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay para sa kapakanan ng bawat residente ng Barangay Talon Dos. ⚖️
Dios Mabalos!
Kap. Arnold Filio Reyes

Photos from DILG LAS PINAS's post 11/02/2026
10/02/2026

Asenso Kabataan’s donation of a cellphone to Barangay Talon Dos:

Supporting better service through simple but meaningful help.

Asenso Kabataan donates a cellphone to Barangay Talon Dos. A small contribution with a big purpose. Helping our barangay serve residents more efficiently, anytime it matters.

Photos from Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa's post 05/02/2026

Regular Information campaign of Brgy Talon Dos Lupon Tagapamayapa; tarpaulin posted at Barangay Tanod office, Police Precinct and Village entrance gate. Part of information campaign program of Lupon Tagapamayapa, Barangay Talon Dos,

03/02/2026

⚖️ MGA KARANIWANG SAKOP

Katarungang Pambarangay Law (P.D. 1508 / R.A. 7160)

📌 Sinasaklaw ang mga alitang:

🔹 Away-pamilya
• Hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa
• Alitan ng magulang at anak
• Away magkakamag-anak

🔹 Away kapitbahay
• Ingay, tsismis, paninira
• Pag-aagawan ng bakod o lupa
• Alitan sa paradahan o daanan

🔹 Simpleng kaso
• Oral defamation (paninirang-puri)
• Slight physical injuries
• Threats o pagbabanta
• Malicious mischief

🔹 Ugnayang panlipunan
• Utang na maliit ang halaga
• Away sa negosyo sa loob ng barangay
• Hindi pagtupad sa kasunduan

📍 Basta ang mga partido ay:
✔️ Parehong nakatira sa iisang barangay
✔️ O magkalapit na barangay
✔️ At walang parusang higit sa 1 taon o multang higit ₱5,000



🚫 HINDI SAKOP NG KP

❌ Krimeng may parusang lampas 1 taon
❌ VAWC, r**e, child abuse
❌ Kaso ng gobyerno laban sa mamamayan
❌ Kapag may agarang panganib sa buhay
❌ Kapag may party na hindi residente ng barangay



📝 PROSESO NG KATARUNGANG PAMB ARANGAY

1️⃣ Pagsasampa ng Reklamo

📍 Sa Punong Barangay
🗣️ Pasalita o pasulat na reklamo



2️⃣ Mediation

👤 Pinangungunahan ng Punong Barangay
⏱️ Hanggang 15 araw
🎯 Layuning magkasundo ang magkabilang panig



3️⃣ Conciliation

👥 Sa Pangkat ng Tagapagkasundo
⏱️ Hanggang 15 araw
📜 Gumagawa ng kasunduan kung magkasundo



4️⃣ Kasunduan

✍️ Isusulat at pipirmahan ng mga partido
⚖️ May bisa na parang desisyon ng korte



5️⃣ Certification to File Action

📄 Kung walang pagkakasundo
➡️ Bibigyan ng Certificate to File Action
➡️ Maaaring magsampa ng kaso sa korte



💡 PAALALA

✅ Libre ang CFA
✅ Layuning maiwasan ang kaso sa korte
✅ Pinaikli, mapayapa, at pang-komunidad na solusyon

Photos from Barangay Talon Dos Lupon Tagapamayapa's post 02/02/2026

ATM...
Flag raising ceremony at 730am in the grounds of brgy talon dos

27/01/2026

𝐈𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘 𝐀𝐋𝐀𝐌 | 𝐊𝐀𝐓𝐀𝐑𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘

Ang barangay ang nagsisilbing unang takbuhan sa pag-aayos ng ilang uri ng alitan sa komunidad. Alinsunod sa batas, may itinatag na proseso upang bigyang-daan ang mapayapa at maayos na pagkakasundo ng mga panig. Ang prosesong ito ay isinasagawa sa ilalim ng Katarungang Pambarangay, na nakapaloob sa Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991.

𝟏. 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐊𝐋𝐀𝐌𝐎. Ang sinumang may reklamo laban sa kapwa niya indibidwal, kung sakop ng Katarungang Pambarangay, ay maaaring maghain ng reklamo—pasalita o pasulat—sa Punong Barangay, bilang Tagapangulo ng Lupon ng Tagapamayapa.

𝟐. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍. Sa loob ng susunod na araw ng trabaho mula nang matanggap ang reklamo, ipapatawag ng Punong Barangay ang nagrereklamo at inirereklamo, kasama ang kanilang mga saksi, para sa pagkakasundo o mediation.

𝟑. 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓. Kung hindi magtagumpay ang pagkakasundo sa loob ng 15 araw mula sa unang pagharap ng mga panig, magtatakda ang Punong Barangay ng petsa para sa pagbuo ng Pangkat ng Tagapagsundo.

𝟒. 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐍𝐈𝐆 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐀𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐍𝐃𝐎. Ang Pangkat ay magpupulong sa loob ng 3 araw mula sa pagkakabuo nito upang pakinggan ang magkabilang panig at ang kanilang mga saksi, at hanapan ng paraan ang maayos na pagkakasundo.

𝟓. 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐒𝐔𝐍𝐃𝐎. Binibigyan ang Pangkat ng 15 araw mula sa unang pagdinig upang magkasundo ang magkabilang panig. Kung kinakailangan, maaari itong dagdagan ng hanggang 15 araw kung may sapat na dahilan upang pahabain ang pagdinig.

𝟔. 𝐀𝐌𝐈𝐂𝐀𝐁𝐋𝐄 𝐒𝐄𝐓𝐓𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓. Ang lahat ng amicable settlement ay dapat nakasulat, gamit ang wikang nauunawaan ng mga panig, nilagdaan ng mga ito, at pinagtibay ng Punong Barangay o ng Tagapangulo ng Pangkat ng Tagapagsundo, kung alin ang naaangkop.

Sama-sama nating itataguyod ang mapayapang pag-aayos ng alitan sa barangay, bilang hakbang tungo sa mas matatag at nagkakaisang komunidad.

ctto: NBOO

Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Talon Dos
Las Piñas
1747

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm