30/06/2026
Ngayong araw Hunyo 30, 2026, matagumpay na isinagawa ang Mobile Registration sa ilalim ng Birth Registration Assistance Project (BRAP) sa Barangay Siclong, Laur, Nueva Ecija. Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pangunguna ni Mayor Benjamin A. Padilla, sa pamamagitan ng Municipal Civil Registry Office sa pamumuno ni Ms. Rhea D.F. Bayro, OIC-MCRO, kasama ang BRAP Focal Person, Ms. Carmelita De Guzman, at Mr. Rayell Pagba.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng libreng serbisyo sa pagpaparehistro ng kapanganakan ang mga kwalipikadong residente ng barangay. Dinaluhan ito ng 67 mamamayan ng Brgy. Siclong, na nabigyan ng kaukulang tulong at impormasyon hinggil sa birth registration.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng programa ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Laur at ng Municipal Civil Registry Office sa paghahatid ng dekalidad at accessible na serbisyong sibil sa komunidad.