17/09/2026
✨ STARBOOKS IS HERE! ✨
Isang malaking karangalan at pagpapala para sa ating paaralan na maging benepisyaryo ng DOST STARBOOKS.
Ngayon ay mas magiging malapit at mas accessible ang kaalaman para sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng libu-libong digital resources na maaaring magamit para sa pag-aaral, pananaliksik, at paglinang ng kanilang mga kasanayan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa DOST-STII, Batangas Provincial Library, at DepEd Batangas Province sa pagbibigay ng pagkakataong ito sa aming paaralan.
Lubos din po ang pasasalamat na ipinaaabot sa ating masipag, masigasig, at very supportive na Punongg**o, Dr. Crispin I. Magpantay, na patuloy na nagbibigay ng buong suporta sa mga programa at proyekto ng Aklatan ng Paaralan. Ang kanyang malasakit at paggabay ay malaking inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad ng ating school library at sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo para sa ating mga mag-aaral.
📖💻 Mula sa pagbabasa hanggang sa pananaliksik, mas magiging makabuluhan ang bawat pagbisita sa ating School Library.
Visit our School Library and discover a world of knowledge through STARBOOKS!
📚✨