10/08/2026
https://www.facebook.com/share/14jWVewmRSS/?mibextid=wwXIfr
𝐀𝐥𝐛𝐚𝐲 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫’𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐫𝐝𝐬
(Legazpi City, August 10, 2026) Pinangunahan ni Albay Governor Noel E. Rosal ang Coordination Meeting kasama ang Provincial Assessor’s Office para sa digitalization ng real property assessment at valuation records ng lalawigan.
Dinaluhan ang pagpupulong ng mga Municipal Assessor at kanilang personnel, Provincial Legal Office, at Bureau of Local Government Finance Regional Office V.
Tinalakay sa pulong ang mga hakbang para sa digitalization ng real property records bilang suporta sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).
Nakatuon ang programa sa paggamit ng digital technology upang mapabilis at mapahusay ang real property assessment at valuation sa lalawigan.
Inaasahang makatutulong ang digitalization sa mas maayos na record management, mas mabilis na transaksyon, at mas mahusay na serbisyo para sa mga real property owners sa Albay.
IJBuitre, Albay PIO