PIDO DIDAY

Directions

PIDO DIDAY This is the official page of PIDO DIDAY. "NAGMAMAKULOG, MINAANDUROG"

🌸 5 Health Checks Every Woman Should Know 🌸Ang kalusugan ay kayamanan. Huwag hintaying may maramdaman bago magpa-check. ...
21/09/2026

🌸 5 Health Checks Every Woman Should Know 🌸

Ang kalusugan ay kayamanan. Huwag hintaying may maramdaman bago magpa-check. Narito ang limang mahahalagang pagsusuri na dapat bigyang-pansin ng bawat kababaihan:

🩺 Blood Pressure
🩸 Blood Sugar
🎀 Breast Health
🌷 Cervical Cancer Screening
⚖️ Weight & Overall Health

Ang maagang pagtukoy ay susi sa mas epektibong pag-iwas at paggamot. Kumonsulta sa inyong doktor o health professional para sa tamang schedule ng check-up na naaayon sa inyong edad, health history, at risk factors.

Prevention starts with knowing your health. 💗

💜 ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATANSa panahon ngayon, mahalagang maging mapanuri at ligtas hindi lamang sa ating komunidad ...
17/09/2026

💜 ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN

Sa panahon ngayon, mahalagang maging mapanuri at ligtas hindi lamang sa ating komunidad kundi maging sa online na mundo.

Ang online harassment, pagbabanta, cyberstalking, pagpapanggap gamit ang pagkakakilanlan, at pagpapakalat ng pribadong nilalaman nang walang pahintulot ay maaaring makasama at makapagbanta sa seguridad at dignidad ng isang babae.

Bilang kababaihan, mahalagang alam natin ang ating mga karapatan, protektado ang ating privacy, at hindi tayo natatakot na magsalita at humingi ng tulong.

Ang respeto at kaligtasan ng kababaihan ay dapat pangalagaan , online man o offline. 💗

🦟 Alamin, iwasan, protektahan!Hindi lahat ng lamok ay may dalang dengue, pero ang infected na Aedes mosquito ay maaaring...
14/09/2026

🦟 Alamin, iwasan, protektahan!

Hindi lahat ng lamok ay may dalang dengue, pero ang infected na Aedes mosquito ay maaaring magpasa nito. Panatilihing malinis at tuyo ang paligid at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.

Walang lamok, mas ligtas sa dengue! 💗

🌸 Kababaihan, maging bahagi ng pagbabago!Narito ang schedule ng 2026 BSKE Pre-COC Filing Orientation sa mga barangay ng ...
11/09/2026

🌸 Kababaihan, maging bahagi ng pagbabago!

Narito ang schedule ng 2026 BSKE Pre-COC Filing Orientation sa mga barangay ng Legazpi City.

Ang tamang impormasyon ay mahalaga upang tayo ay maging mas handa at aktibong bahagi ng ating komunidad at halalan. 🗳️💗

DENGUE ALERT: ALAMIN. IWASAN. PROTEKTAHAN ANG PAMILYA!Sa panahon ng tag-ulan, mas mahalagang maging alerto laban sa deng...
11/09/2026

DENGUE ALERT: ALAMIN. IWASAN. PROTEKTAHAN ANG PAMILYA!

Sa panahon ng tag-ulan, mas mahalagang maging alerto laban sa dengue. Simpleng paglilinis ng paligid at pag-iwas sa mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok ay malaking hakbang para maprotektahan ang ating pamilya. 💙

Huwag hintaying may magkasakit bago kumilos. Linisin, alisin ang naiipong tubig, at maging mapagmatyag sa mga sintomas.

PIDO DIDAY IN ACTION! 💗Bayanihan para sa kalusugan at kalinisan! 🌿Mula sa puso ng Pido Diday Peñaranda Chapter, sama-sam...
07/09/2026

PIDO DIDAY IN ACTION! 💗

Bayanihan para sa kalusugan at kalinisan! 🌿

Mula sa puso ng Pido Diday Peñaranda Chapter, sama-samang kumilos ang ating mga kababaihan sa pakikiisa sa “Kalinisan Kontra Dengue” clean-up drive sa Brgy. Peñaranda.

Sa pangunguna ni Pres. Aileen Bitancur , kasama ang PNR White Horse Alpha Kappa Rho Chapter, ipinakita natin na kapag may malasakit at pagkakaisa, mas nagiging makabuluhan ang bawat simpleng pagkilos. ✨

Ngayong September 2, ating ginugunita ang kabayanihan ni Gen. Simeon Ola, isang tunay na anak ng Albay na nagpakita ng t...
02/09/2026

Ngayong September 2, ating ginugunita ang kabayanihan ni Gen. Simeon Ola, isang tunay na anak ng Albay na nagpakita ng tapang, paninindigan, at pagmamahal sa bayan.

Sa diwa ng kanyang kabayanihan, nawa’y patuloy nating isabuhay ang tapang na manindigan, lakas na maglingkod, at pusong nagmamalasakit sa kapwa.

Ang tunay na kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa pakikipaglaban, kundi sa patuloy na paglilingkod at paggawa ng kabutihan..

27/08/2026

BALIK-TANAW | Ibalong Festival 💜

Sa bawat selebrasyon ng Ibalong, may mga kwentong nabubuo, samahan na lalong tumitibay, at mga kababaihang patuloy na nakikibahagi.

Isang throwback sa makabuluhang pakikiisa ng ating Organization, kasama ang ating Founder-President Maam Nasreen J. Ismail - Garbin , Vice President Maam Jaja Velasco Lucila at ang butihing asawa ng ating Mahal na Mayor, Maam Kiko Motohashi Ismail.

Mga sandaling puno ng pagkakaisa, saya, at pagmamalaki bilang mga kababaihang Bicolana . 💜

Isang alaala, isang samahan, isang kwentong patuloy nating ipinagmamalaki.

Behind every movement is a woman who believes, leads, and makes things happen. Truly, a woman worth celebrating! 👏✨
24/08/2026

Behind every movement is a woman who believes, leads, and makes things happen. Truly, a woman worth celebrating! 👏✨

Address

Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIDO DIDAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category