15/10/2026
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | 𝗥𝗲𝗹𝗼𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘂𝗿𝘃𝗲𝘆, 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗥𝗮𝗽𝘂-𝗥𝗮𝗽𝘂, 𝗔𝗹𝗯𝗮𝘆
Isinagawa noong Oktubre 5, 2026, ang relocation survey sa dalawang lupang matatagpuan sa Sitio Bariis, Barangay Poblacion, Rapu-Rapu, Albay.
Saklaw ng isinagawang survey ang Lot No. 42, na may sukat na 5,096 metro kuwadrado, at Lot No. 376, na may sukat na 5,159 metro kuwadrado.
Pinangunahan ang aktibidad nina Engr. Chino Magdaong, Engr. John Carlo Ciruelos, Alex De Los Angeles, at Marlon Lorejo, sa tulong nina Cenn D. Nuyda, MARPO; John Paul A. Vibar, ARPT; Alfred Jhun S. Balila, ARPT; at Erica Elemanco, SPLIT TSS.
Dumalo rin sa aktibidad ang may-ari ng lupa kasama ang mga kapatid na tenant sa nasabing mga lupain.
Ang pagsasagawa ng relocation survey ay bahagi ng mga teknikal na gawain ng Department of Agrarian Reform (DAR) upang matiyak ang wastong pagtukoy at pagtatakda ng mga hangganan ng lupa, bilang suporta sa maayos na pangangasiwa sa mga usaping agraryo.
📸: 𝘑𝘰𝘩𝘯 𝘗𝘢𝘶𝘭 𝘈. 𝘝𝘪𝘣𝘢𝘳, 𝘈𝘙𝘗𝘛