Land Transportation Office - Bicol

Land Transportation Office - Bicol

Share

๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—”๐—–๐—˜๐—•๐—ข๐—ข๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—š๐—˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—Ÿ๐—ง๐—ข ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฉ (๐—•๐—ถ๐—ฐ๐—ผ๐—น)

04/06/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐๐ ๐€๐“ ๐๐‚๐†, ๐๐€๐†๐“๐”๐‹๐”๐๐†๐€๐ ๐’๐€ ๐€๐๐“๐ˆ-๐…๐ˆ๐—๐ˆ๐๐† ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐’๐€ ๐๐€๐’๐€๐˜; ๐’๐ˆ๐˜๐€๐Œ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐†๐‡๐ˆ๐‡๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐€๐๐† ๐…๐ˆ๐—๐„๐‘๐’, ๐€๐‘๐„๐’๐“๐€๐ƒ๐Ž

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa mga fixer at iba pang ilegal na gawain sa loob at paligid ng mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO), siyam na indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na fixing activities ang nahuli sa isinagawang anti-fixing operation ng mga tauhan ng LTO Field Enforcement Division-Law Enforcement Service (FED-LES), katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG), sa paligid ng LTO Pasay District Office nitong Huwebes, Hunyo 4.

Matapos ang operasyon, dinala ang mga nahuling indibidwal sa Pasay City Police Station para sa pagsasampa ng mga naaangkop na kaso.

Pinuri naman ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang matagumpay na koordinasyon ng mga law enforcement agencies na naging susi sa pagkakahuli ng mga pinaghihinalaang fixer.

โ€œPatuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa mga fixer na sumisira sa integridad ng serbisyo ng pamahalaan at nananamantala sa ating mga kababayan. Hindi natin kukunsintihin ang anumang uri ng fixing sa loob at paligid ng mga tanggapan ng LTO. Sa tulong ng ating mga partner agencies, mas magiging agresibo ang ating mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas,โ€ ani Lacanilao.

Muli ring pinaalalahanan ng LTO ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer at dumaan lamang sa mga lehitimong proseso ng ahensya. Binigyang-diin ng ahensya na ang lahat ng transaksyon sa LTO ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga itinakdang proseso nang hindi nangangailangan ng tulong ng mga fixer.

04/06/2026

๐•๐ˆ๐‘๐€๐‹ ๐‘๐Ž๐€๐ƒ ๐‘๐€๐†๐„ ๐’๐€ ๐’๐€๐Œ๐๐€๐‹๐Ž๐‚, ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€, ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Œ๐๐€๐’ ๐๐ˆ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐…; ๐‘๐ˆ๐ƒ๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐€๐๐€๐Š๐ˆ๐“, ๐๐ˆ๐๐€๐“๐€๐–๐€๐ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž, ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐’๐ˆ๐Š๐‹๐Ž ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€, ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž

Agad na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pag-isyu ng Show Cause Order (SCO) laban sa motorcycle rider na sangkot sa viral road rage incident sa Sampaloc, Maynila, bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa road rage at iresponsableng pagmamaneho.

Batay sa facebook video na in-upload ni "Real Ryan" sa social media, naganap ang insidente nang magkasalubong sa isang one-way street sa Sampaloc, Manila ang dalawang motorcycle rider. Makikita sa footage na ang rider na biktima ng pananakit ay nasa tamang direksiyon ng daloy ng trapiko nang sinundan umano ng kapuwa rider at backrider nito. Sa sumunod na komprontasyon, hinampas umano ng backrider ang biktima gamit ang helmet habang ang rider naman ay sumigaw ng mga pagmumura laban dito, na itinuturing na insidente ng road rage.

Ayon sa Show Cause Order (SCO) na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), ang nanakit na rider at ang kanyang backrider ay kinakailangang humarap sa IID upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, Failure to Wear the Standard Protective Motorcycle Helmet, at Operating a Motorcycle with Improper Footwear, gayundin kung bakit hindi sila dapat patawan ng suspensyon o pagbawi ng lisensya bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Kasabay nito, inilagay sa alarm status ang nasabing motorsiklo at isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng rider habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

โ€œMahigpit naming kinukondena ang anumang uri ng karahasan at road rage sa ating mga lansangan. Ang pagmamaneho ay may kaakibat na responsibilidad, at ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas ay haharap sa kaukulang parusa. Patuloy naming titiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng ating mga kalsada para sa lahat ng motorista,โ€ ani Lacanilao.

Binigyang-diin ng ahensya na hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng road rage, agresibong pag-uugali, at paglabag sa batas trapiko na naglalagay sa panganib sa kapwa motorista at publiko. Nanawagan din ito sa publiko na manatiling mahinahon sa kalsada, sumunod sa mga batas trapiko, at maaaring i-report ang anumang insidente ng paglabag sa pamamagitan ng opisyal na plataporma ng LTO, kabilang ang โ€œI-Report Mo kay LTO Chiefโ€ page o website (https://ireportmokayltochief.ph/) upang agad na maaksyunan.

04/06/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Magandang balita!

Maaari nang gamitin ang Land Transportation Management System (LTMS) para sa inyong mga transaksyon.

Maari na po kayong magpatuloy sa inyong mga transaksyon tulad ng:

โ€ข Renewal ng driverโ€™s license
โ€ข Rehistro ng mga sasakyan
โ€ข Iba pang kaugnay na online services

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pasensya at pag-unawa sa nangyaring technical issue. Nauunawaan namin ang abalang dulot nito.

Paalala: Maaari nang i-access ang LTMS Portal at ipagpatuloy ang inyong mga nakabinbing transaksyon. Para sa maayos na karanasan, siguraduhing stable ang inyong internet connection at i-refresh ang inyong browser bago mag-login.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikipagtulungan.

04/06/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐€๐†-๐ˆ๐’๐˜๐” ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐€๐“ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐† ๐‡๐Ž๐๐ƒ๐€ ๐‚๐‘-๐• ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐†๐€๐Œ๐ˆ๐“ ๐๐† ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐€๐–๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐’๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐๐‹๐ˆ๐๐Š๐ˆ๐๐† ๐‹๐ˆ๐†๐‡๐“๐’; ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€, ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž

Muling naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang Honda CR-V kaugnay ng isang video na nagpapakita umano ng paggamit ng hindi awtorisadong asul at pulang blinking lights.

Ayon sa SCO na inilabas ng Intelligence and Investigation Division (IID), inaatasan ang rehistradong may-ari at driver na humarap sa tanggapan nito upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa paglabag na "Operating with Unauthorized Parts and Accessories" at kung bakit hindi dapat masuspinde o mabawi ang driver's license dahil sa pagiging "Improper Person to Operate a Motor Vehicle."

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isinailalim na sa 90-araw na preventive suspension ang driver's license ng sangkot na driver at inatasang isuko ito sa IID. Samantala, inilagay sa alarm status ang naturang sasakyan.

"Ang pag-isyu ng SCO na ito ay patunay na hindi nagdadalawang-isip ang LTO na papanagutin ang sinumang gumagamit ng mga iligal na kagamitan upang makakuha ng hindi nararapat na pabor o espesyal na pagtrato sa kalsada," ani LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

Muling pinaalalahanan ng LTO na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga ilaw at kagamitang hindi awtorisado ng batas. Patuloy namang paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng mga umiiral na batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa mga lansangan.

04/06/2026

๐‹๐“๐Ž, ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐’๐‚๐Ž ๐‹๐€๐๐€๐ ๐’๐€ ๐๐”๐‹๐ˆ๐’ ๐€๐“ ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Œ๐Ž๐“๐Ž๐‘๐ˆ๐’๐“๐€ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐”๐–๐ˆ๐๐† ๐‘๐Ž๐€๐ƒ ๐‘๐€๐†๐„ ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐๐†๐†๐€๐€๐; ๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€, ๐‹๐ˆ๐’๐„๐๐’๐˜๐€ ๐’๐”๐’๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐ƒ๐Ž

Kasunod ng pagkalat ng viral video sa social media na nagpapakita ng isang banggaan na nauwi umano sa road rage, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Orders (SCOs) laban sa dalawang motoristang sangkot sa insidente.

Batay sa isinumiteng CCTV footage sa LTO, makikitang ang isang Hyundai Shuttle Van ay papasok sa highway sa kahabaan ng Dir. A. Bunye mula sa isang solid white lane, habang diretsong bumibiyahe naman ang isang pribadong sasakyan na minamaneho ng isang pulis sa ML Quezon Avenue.

Sa isinagawang paunang pagsusuri, napag-alamang biglang tumawid sa linya ang Hyundai Shuttle Van habang nagsasagawa ng pagliko, dahilan upang mabangga nito ang kanang harapang bahagi ng pribadong sasakyan.

Matapos ang banggaan, iniulat na tinangka umano ng driver ng van na umalis sa lugar ng insidente, dahilan upang pigilan siya ng pulis na sangkot din sa naturang aksidente.

Dahil dito, kapwa pinasusumite ng paliwanag at pinadadalo sa pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng LTO Central Office ang dalawang driver upang sagutin kung bakit hindi sila dapat managot sa mga kasong administratibo kaugnay ng Reckless Driving, Disregarding Traffic Signs, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, walang sinuman ang exempted sa pagpapatupad ng batas trapiko at pananagutan sa lansangan.

โ€œAng anumang insidente ng agresibong pagmamaneho, road rage, at paglabag sa batas trapiko ay seryoso nating tinutugunan. Hindi mahalaga kung sino ang sangkot, sibilyan man o miyembro ng law enforcement. Ang mahalaga ay maitaguyod ang pananagutan at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,โ€ pahayag ni Lacanilao.

Bilang pansamantalang hakbang habang dinidinig ang kaso, inilagay na sa alarm status ang dalawang sasakyang sangkot sa insidente. Samantala, preventively suspended sa loob ng siyamnapung (90) araw ang mga driver's license ng dalawang motorista at inatasang agad na isuko ang mga ito sa IID ng LTO.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pag-iingat, at paggalang sa batas trapiko sa lahat ng oras. Binigyang-diin ng ahensya na ang anumang iresponsableng asal sa kalsada ay maaaring magdulot ng panganib hindi lamang sa mga sangkot kundi maging sa iba pang mga gumagamit ng lansangan, at hindi ito mag-aatubiling magpataw ng kaukulang parusa laban sa mga mapatutunayang lumabag sa batas.

04/06/2026

๐Ÿ๐Ÿ ๐ˆ๐‹๐„๐†๐€๐‹ ๐๐€ ๐’๐‡๐”๐“๐“๐‹๐„ ๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐‚๐„๐’, ๐๐€๐’๐€๐๐€๐“ ๐’๐€ ๐‰๐Ž๐ˆ๐๐“ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐€๐๐“๐ˆ-๐‚๐Ž๐‹๐Ž๐‘๐”๐Œ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐† ๐‡๐๐†-๐‹๐“๐Ž ๐“๐€๐’๐Š ๐…๐Ž๐‘๐‚๐„ ๐€๐“ ๐๐๐-๐’๐Ž๐ƒ ๐’๐€ ๐‹๐€๐†๐”๐๐€

Nagsagawa ng Joint Special Anti-Colorum Operation ang Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), at Philippine National Police-Special Operation Division (PNP-SOD) sa kahabaan ng National Highway sa Real, Calamba, Laguna nitong Miyerkules, Hunyo 3.

Batay sa paunang ulat, labindalawang (12) sasakyan na iligal na ginagamit bilang shuttle services nang walang kaukulang prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nahuli. Dahil sa paglabag na "Private Motor Vehicles Operating as Public Utility Vehicles/Public Utility Buses/Shuttle Services Without Authority from the LTFRB," isinailalim sa impoundment ang mga nahuling sasakyan.

Naitala at nadokumento ang buong operasyon sa pamamagitan ng mga alternative recording devices bilang bahagi ng transparency at accountability measures ng mga operatiba.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. LacaniIao, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng ahensya upang matiyak na ang lahat ng sasakyang ginagamit sa pampublikong transportasyon ay sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.

"Hindi natin maaaring hayaan na magpatuloy ang operasyon ng mga sasakyang walang kaukulang awtoridad dahil nakataya rito hindi lamang ang pagsunod sa batas kundi higit sa lahat ang kaligtasan ng mga pasahero. Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa mga colorum at iba pang iligal na transport activities sa buong bansa," ani Lacanilao.

Dagdag pa niya, mahalagang tiyakin na ang mga sasakyang ginagamit sa paghahatid ng mga manggagawa ay dumaan sa tamang proseso ng regulasyon upang masiguro ang kanilang roadworthiness, insurance coverage, at pananagutan sa oras ng aksidente.

Muling nanawagan ang LTO sa mga kumpanya, operator, at transport service providers na tiyaking may wastong awtoridad at kaukulang dokumento ang kanilang mga sasakyan bago gamitin sa anumang uri ng shuttle o transport service upang maiwasan ang mabigat na parusa at posibleng pagkaka-impound ng kanilang mga unit.

04/06/2026

๐๐ˆ๐ƒ ๐๐”๐‹๐‹๐„๐“๐ˆ๐ ๐๐Ž. ๐Ÿ | ๐‹๐“๐Ž ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐•

The Land Transportation Office Region V hereby informs all interested bidders of the amended schedule of activities for the Disposal of Unserviceable Property and Equipment, as indicated in Bid Bulletin No. 2 dated June 3, 2026.

๐‚๐จ๐ซ๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐ž๐ ๐’๐œ๐ก๐ž๐๐ฎ๐ฅ๐ž:

Submission of Sealed Bids โ€“ June 5, 2026 until 5:00 PM

Opening of Bids โ€“ June 8, 2026 at 10:00 AM

Venue: LTO Regional Office V, Rawis, Legazpi City

All other provisions in the Invitation to Bid remain unchanged. For the guidance and information of all concerned.

Photos from Land Transportation Office - Bicol's post 04/06/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐• ๐๐จ๐ฅ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ ๐‘๐จ๐š๐ ๐’๐š๐Ÿ๐ž๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐๐š๐ญ๐ž ๐“๐ก๐ซ๐จ๐ฎ๐ ๐ก ๐’๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ ๐ข๐œ ๐„๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐œ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ

LTO Region V Enforcement Officers remain steadfast in their commitment to Bicolano safety through intensified roadside inspections and rigorous traffic law compliance. By upholding the mandates of RA 4136, the agency continues to foster a culture of road discipline aimed at significantly reducing regional traffic incidents.

This mission is a direct reflection of the vision set forth by President Ferdinand R. Marcos Jr. and is synchronized with the strategic policy directions of DOTr Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez and LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao. On the ground, Regional Director Allan Castillejos and Assistant Regional Director Vincent Nato are leading the charge to make Bicolโ€™s highways safer for families and commuters alike.


Photos from Land Transportation Office - Bicol's post 04/06/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—ข๐—ž | Several employees of the Land Transportation Office (LTO) Region V have received commendations from the Civil Service Commission (CSC) Contact Center ng Bayan (CCB).

This recognition highlights their dedication, professionalism, and commitment to delivering quality public service.

Thank you for your continued dedication and commitment to public service, mga kawani ng gobyerno. Nawaโ€™y patuloy pa ninyong paghusayin ang inyong paglilingkod para sa bayan!

Want your business to be the top-listed Government Service in Legazpi?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Regional Government Site, Rawis
Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm