ISANG PANAWAGAN PARA SA TUNAY NA PAGBABAGO 🇵đź‡
“And so today, I make an appeal, not to a party, not to a bloc, not to a personality, but to every Filipino in this hall and beyond it. Let us put down our political weapons long enough to pick up our economic tools. Let us redirect this nation's enormous energy toward something that actually feeds a family, employs a worker, educates a child, and heals a sick mother."
Panahon na para isantabi ang politika at unahin ang kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino. Ibaba muna natin ang mga 'armas' ng bangayan at hawakan ang mga kagamitan na mag-aangat sa ating ekonomiya.
Ang lakas at talino ng ating bansa ay dapat nakatutok sa mga bagay na may direktang epekto sa buhay ng ordinaryong mamamayan—pagkain sa lamesa, marangal na trabaho, de-kalidad na edukasyon, at maayos na kalusugan.
Sama-sama tayo, trabaho naman para sa bayan! ✊❤️
Cong. Alfredo "Pido" Garbin, Jr.
Asenso Para sa Gabos na Bicolano
17/05/2026
CONGRATULATIONS OUTSTANDING STUDENTS!
Isang karangalan ang personal na makasama ang ating mga natatanging kabataang Bicolano sa ginanap na Ten Outstanding Students of Bicol (TOSB) 2026 ng Ako Bicol PartyList kasama ang ating partner agencies sa Camarines Sur Polytechnic Colleges!
Ipinagmamalaki natin ang husay, dedikasyon, at liderato ng ating TOSB 2026 Awardees:
🏆 Top 1 – Harold Dave Calacday (Ligao Community College)
🏆 Top 2 – Ira Joana Sarsozo (University of Saint Anthony)
🏆 Top 3 – Santiago Roldan III (Camarines Sur Polytechnic Colleges)
🏆 Top 4 – Jannelle Sallena (Camarines Sur Polytechnic Colleges)
🏆 Top 5 – Robert Cabanes (Camarines Norte State College)
🏆 Top 6 – Maria Princess Ryzza Kyla Pavia (SLTFI – Legazpi)
🏆 Top 7 – Lois Joy Mandrilla (San Jose Community College)
🏆 Top 8 – Osher San Agustin (University of Nueva Caceres)
🏆 Top 9 – Missiemae Corbalan (Partido State University – Goa)
🏆 Top 10 – Adrian Dalma (Ligao Community College)
Kasama si Cong. Jan Chan, masaya rin nating naihatid ang mainit na macaroni soup at itlog para sa may 565 na mag-aaral at personnel sa pamamagitan ng ating Ako Bicol feeding activity—simbolo ng ating walang sawang malasakit at serbisyo.
Pusong pagbati sa lahat ng nagwagi! Patuloy kayong maging inspirasyon at dalhin ang dangal ng rehiyong Bicolano saan man makarating.
Dios Mabalos!
03/05/2026
DISTRIBUSYON NG FACEMASK SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG ASHFALL
"Mga kababayan, prayoridad mi an saindong salud."
Ngayong umaga, agad tayong nag-ikot sa iba’t ibang barangay sa Ligao, Guinobatan, at Camalig upang maghatid ng mga facemasks para sa ating mga kababayang apektado ng ashfall. Mahalaga ang proteksyong ito upang maiwasan ang anumang sakit sa baga o problema sa paghinga dahil sa makapal na abo.
Personal nating naabot ang tulong sa mga sumusunod na lugar:
Camalig: Brgy. Sua
Guinobatan: Brgy. Masarawag, Tandarora, Muladbucad, at Nabonton
Ligao City: Brgy. Nasisi, Basag, at Tambo
Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang masubaybayan ang kalagayan ninyo sa ground. Pinapaalalahanan po ang lahat na hangga't maaari ay manatili sa loob ng bahay at laging isuot ang facemask kung kailangang lumabas.
Karamay ninyo ang Ako Bicol Party-list. Magtinabangan kita para sa kaligtasan ng lahat.
16/04/2026
HINDI LANG EXCELLENT, MAY PURPOSE PA! 🎓✨
Congratulations sa 20 Finalists ng Ten Outstanding Students of Bicol (TOSB)!
Ipinagmamalaki ng Ako Bicol Party-list ang inyong dedikasyon sa pag-aaral at sa serbisyo-publiko.
Kayo ang inspirasyon ng ating rehiyon. Patuloy nating itaas ang bandera ng Bicol!
Dios Mabalos! 🙏
11/04/2026
SATURDAY IS CHARITY DAY KASAMA ANG ATING MAYOR! 🍚🤝
Isang makabuluhang Sabado ang ating ginugol kasama si Legazpi City Mayor Hisham Ismail sa pagbisita sa komunidad ng Sagrada Familia.
Personal nating inihatid ang tulong na bigas bilang suporta sa kanilang napakahalagang misyon.
Lubos ang ating paghanga sa Sagrada Familia sa kanilang libreng therapy at pagkalinga sa ating mga kababayang may kapansanan (PWDs).
Sa pagtutulungan ng Ako Bicol Party-list at ng LGU Legazpi sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ismail, sinisig**o natin na ang bawat sektor—lalo na ang mga nangangailangan ng espesyal na atensyon—ay hindi naiiwan.
Patuloy tayong magkakaisa para sa mas inklusibo at mas maunlad na Legazpi! 🏛️✨
08/04/2026
ANG BAYANI SA BAWAT PILIPINO AT BAWAT BICOLANO! 🌋
​Higit pa sa pag-alala sa nakaraan, ang Araw ng Kagitingan ay pagkilala rin sa inyo—ang ating mga g**o, healthcare workers, mga magsasaka, at bawat manggagawa na nagsisikap para sa kanilang pamilya at para sa ating bayan.
​Kayo ang buhay na patunay na ang kagitingan ay hindi lamang nasa gitna ng labanan, kundi nasa bawat tapat na serbisyo at pagmamahal sa kapwa.
​Isang makabuluhang Araw ng Kagitingan sa ating lahat!
​
SOLUSYON SA MAHAL NA PRESYO NG LANGIS, ATING ISINUSULONG! ✊🛑
Hindi biro ang bigat na dala ng sunod-sunod na oil price hike. Kaya naman sa ating panayam kanina, ibinahagi natin ang ating mga mungkahi sa gobyerno:
âś… Paglipat sa Renewable Energy para hindi tayo hostage ng presyo sa world market.
âś… Rebisyon sa Oil Deregulation Law para sa proteksyon ng mga mamimili.
âś… Pag-aaral sa pangangailangan ng karagdagang Oil Refineries sa bansa.
Bukas sa Kongreso, ating itutulak ang mga diskursong ito para sa kapakanan ng lahat.
Turn over ng Barangay Rescue Vehicle para sa mga barangay ng Rapu-Rapu, Albay.
Ito ang isa sa magandang inisyatibo ng Ako Bicol Party-list galing sa national fund ng buwis ng ating mga kababayan na mailagak sa kapaki-pakinabang na proyekto.
06/04/2026
KASAMA SA PAGBANGON AT PAG-ASA! ♿❤️
Sa loob ng 16 na taon, hindi nagbago ang pangako ng Ako Bicol Party-list: Unahin ang kalusugan at kapakanan ng bawat Bicolano.
Kamakailan ay naghatid tayo ng bagong pag-asa sa 13 nating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga wheelchairs sa ating Ako Bicol Office, katuwang si Rep. Jan Almario Chan. Ramdam po namin ang hirap ng ating mga may kapansanan at kanilang mga pamilya, kaya naman sinisig**o nating mabilis ang tulong para sa inyo.
Gaya ng pasasalamat ni Kapitan Oriel Madela ng Brgy. Orosite, Legazpi City—kung saan nagmula ang pito sa ating mga benepisyaryo—asahan ninyo na patuloy kaming makikinig at aaksyon.
Bukod sa mobility assistance, patuloy din ang ating suporta sa:
• Health: Tuluy-tuloy na tulong medikal sa pamamagitan ng MAIP program para sa mga pampubliko at pribadong ospital tulad ng BRHMC.
• Edukasyon: Dahil ito ang pinakamabisang sandata laban sa kahirapan, patuloy nating itinataguyod ang scholarship programs at libreng matrikula.
I just want to assure you that we in Ako Bicol Party-list... will do our best to serve our Bicolano constituency. Same as what we did before, we will never fail you in representing you in Congress.
Sama-sama nating itaguyod ang mas malakas at mas malusog na Bicolandia! ✊🌋
05/04/2026
Ang pagkabuhay ni Jesus ay paalala na laging may pag-asa. Happy Easter at pagpalain tayo ng Diyos
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Legazpi
4500
