28/10/2026
𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬
Bilang paghahanda sa darating na Undas 2026, sa direktiba ng ating butihing Punumbayan, 𝗞𝗴𝗴. 𝗜𝗮𝗻 𝗞𝗲𝗻𝗻𝗲𝘁𝗵 𝗠. 𝗔𝗹𝗶𝗹𝗶𝗼, ipatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Lemery ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa buong bayan.
Alinsunod sa 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝗜𝗔𝗡-𝟬𝟬𝟮𝟳, 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝟮𝟬𝟮𝟲,narito ang mga dapat tandaan sa paggunita ng Undas sa 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲.
🚦 𝙎𝙐𝙉𝘿𝙄𝙉 𝘼𝙉𝙂 𝙏𝙍𝘼𝙁𝙁𝙄𝘾 𝙍𝙊𝙐𝙏𝙀
Makipagtulungan sa ating mga traffic enforcer at sundin ang itinakdang ruta upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko, lalo na sa paligid ng mga sementeryo.
🚫 𝙄𝙋𝘼𝙏𝙐𝙏𝙐𝙋𝘼𝘿 𝘼𝙉𝙂 𝙇𝙄𝙌𝙐𝙊𝙍 𝘽𝘼𝙉
Mahigpit na ipatutupad ang pagbabawal sa alak mula 𝟭𝟮:𝟬𝟭 𝗔𝗠 𝗻𝗴 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟭𝟭:𝟱𝟵 𝗣𝗠 𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲.
⛔ 𝘽𝘼𝙒𝘼𝙇 𝘼𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝙈𝘼𝙋𝘼𝙉𝙂𝘼𝙉𝙄𝘽 𝘼𝙏 𝙄𝙋𝙄𝙉𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙒𝘼𝙇 𝙉𝘼 𝙂𝘼𝙈𝙄𝙏
Sa mga sementeryo, memorial park, at iba pang itinalagang lugar na sakop ng LIGTAS UNDAS 2026, hindi pinahihintulutan ang pagdadala o paggamit ng:
▪️ Baril, bala, paputok, at pampasabog
▪️ Kutsilyo, cutter, punyal, at iba pang mapanganib na armas, maliban sa mga pinahihintulutan ng batas
▪️ Mga inuming nakalalasing
▪️ Malalakas na sound system, karaoke, at iba pang maingay na kagamitan
▪️ Mga gamit sa pagsusugal gaya ng Playing cards, bingo cards, at iba pang kagamitang ginagamit sa hindi awtorisadong pagsusugal.
▪️ Gasolina, paint thinner, at iba pang mapanganib o madaling magliyab na materyales, maliban sa mga awtorisado para sa lehitimong layunin
⚖️ 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗚 𝗔𝗬 𝗦𝗔𝗦𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 alinsunod sa umiiral na mga batas at ordinansa.
Sa pangunguna ni 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗜𝗮𝗻 𝗞𝗲𝗻𝗻𝗲𝘁𝗵 𝗠. 𝗔𝗹𝗶𝗹𝗶𝗼, hinihikayat ang bawat Lemereño na makiisa at sumunod sa mga alituntuning ito para sa isang ligtas, tahimik, at mapayapang paggunita ng Undas.