12/11/2026
𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐂𝐏𝐏-𝐍𝐏𝐀-𝐍𝐃𝐅 𝐒𝐔𝐌𝐔𝐊𝐎 𝐒𝐀 𝟖𝟑𝐈𝐁
GOA, CAMARINES SUR — Dalawang (2) miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya 1, Sub-Regional Committee 2, Bicol Regional Party Committee (KLG1, SRC2, BRPC) ang boluntaryong sumuko sa pinagsanib na puwersa ng 83rd Infantry (MATIKAS) Battalion, sa pamumuno ni Lt. Col. Heinrich B. Ambrocio PA, ng CAFGU Active Auxiliary, at ng Philippine National Police (PNP) sa Lagonoy noong Setyembre 30, 2026.
Isinuko ng dalawa (2) ang kanilang mga armas at kagamitan, kabilang ang isang (1) M16 r***e, isang (1) M14 r***e, sampung (10) M16 magazine, 227 na bala ng 5.56mm, at isang (1) bandolier. Ang pagsukong ito ay kasunod ng sunud-sunod na operasyon at pagkakadiskubre ng mga armas at war materials sa bayan ng Caramoan noong Setyembre 28, gayundin sa bayan ng Lagonoy noong Setyembre 29 kung saan narekober ang isang (1) M16 r***e, isang (1) M14 r***e, at iba pang kagamitang pandigma.
Ayon sa mga nagbalik-loob, nawalan na sila ng suporta at direksyon at tuluyan nang napagod sa walang saysay na pakikibaka. Ayon sa militar, ang sunud-sunod na pangyayaring ito ay malinaw na nagpapakita ng patuloy na paghina at pagkaubos ng kakayahan ng grupo na mapanatili ang kanilang mga kasapi.
Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng komunidad at ng mga opisyal ng barangay at bayan sa mga natitira pang miyembro na tuluyan nang talikuran ang karahasan at piliin ang mapayapang pagbabagong-buhay kasama ang kani-kanilang pamilya.
READ: https://www.facebook.com/share/p/19aCmPeZ6C/