Unlad Lumaniag

Directions

Unlad Lumaniag U - nahin
N - atin
L - agi
A - ng
D - iyos
Lumaniag

Click  Entry  #49 πŸ‘ˆπŸ½πŸ‘€ , like and Share . TIA πŸ™πŸ½ Godbless
22/08/2026

Click Entry #49 πŸ‘ˆπŸ½πŸ‘€ , like and Share . TIA πŸ™πŸ½ Godbless

Magandang umaga po sa inyong lahat!Una sa lahat, *Maraming Salamat sa Diyos* sa panibagong taon ng buhay na Kanyang ipin...
14/07/2026

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Una sa lahat, *Maraming Salamat sa Diyos* sa panibagong taon ng buhay na Kanyang ipinagkaloob sa akin.

Ngayong araw ng aking kaarawan, hindi ko po palalampasin ang pagkakataong ito upang magpasalamat.
*Pasasalamat po sa inyong lahat, mga minamahal kong kabarangay ng Lumaniag.*

Salamat po sa *tunay ninyong suporta*. Sa tuwing may proyekto, sa tuwing may problema, nandyan kayo. Nakikiisa kayo. Hindi niyo po ako pinababayaan.

Salamat din po sa *pagtitiwala* ninyo sa akin. Ang pag-upo ko bilang inyong Kapitan ay isang napakalaking responsibilidad. Pero dahil sa inyong pakikiisa at pag-unawa, gumagaan po ang aking trabaho.

Alam ko po na hindi madali ang pamumuno. Maraming pangarap, maraming problema, at maraming kailangan ayusin sa ating nasasakupan. Pero dahil nagkakaisa tayo, naniniwala ako na unti-unti nating mararating ang mga pangarap natin para sa Lumaniag.

Ang pangako ko po sa inyo: *Ipagpapatuloy ko ang paglilingkod nang may tapang, may puso, at may paninindigan.* Lahat ng ito ay para sa ikabubuti ng ating barangay at ng bawat pamilyang Pilipino dito.

Muli, maraming maraming salamat po. Ang kaarawan ko ngayon ay mas makabuluhan dahil kasama ko kayo. Kayo ang tunay kong regalo.

Mabuhay ang Barangay Lumaniag! Mabuhay po tayong lahat!

Maraming salamat po, at God bless us all.

Happy Birthday to these two Beautiful souls. May your day be filled with love, laughter and unforgettable moments.Kapita...
11/06/2026

Happy Birthday to these two Beautiful souls. May your day be filled with love, laughter and unforgettable moments.
Kapitana Gina Jonson and Jhonna Mae D. Jonson ! More blessings, good health and wealth. Godbless πŸ™πŸ½πŸ€«πŸ˜Ž

08/06/2026

"Bilang alagad ng sining, maghandog tayo ng mga obrang magmumulat sa kamalayan ng bayan hinggil sa katotohanang sitwasyon ng ating West Philippine Sea, maipahayag sa ating masining na paraan ang pakikibaka, upang sa bawat kulay, simbolo, taludtod at himig ay magningas ang diwa ng pagmamahal na protektahan ang ating yaman, soberanya, kaunlaran at kinabukasan ng ating bayan."

Ito ang pahayag ni Julius Jonson na isang artist ng Alabang, Muntinlupa hinggil sa pagsali nya sa WPS Mural Festival 2026.

πŸ“ Mural Location: Open court, 7A Ilaya St., HOA

Sumali ka na rin!
Deadline: June 10, 2026
Register here: https://bit.ly/WPSMuralFest




08/06/2026
08/06/2026

LIANEΓ‘OS, TARA NA AT MAGBIGAY-BUHAY!

Ang unang 100 qualified blood donors ay makatatanggap ng 5 kilong bigas.

Sa isang simpleng pagdo-donate ng dugo, maaari kang makatulong na makapagligtas ng buhay. Makiisa sa Lian Mass Blood Donation Drive na inihahandog ng Local Government Unit of Lian, Batangas sa pamamagitan ng Lian Municipal Health Office.

Date: June 8, 2026 (Lunes)
Time: 8:00 AM - 12:00 NN
Venue: Lian Town Plaza

MGA MAAARING MAG-DONATE NG DUGO:

β€’ 18 taong gulang pataas
β€’ Timbang na 50 kg pataas
β€’ Blood pressure na hindi lalampas sa 140/90 sa oras ng donation
β€’ Hindi nakainom ng alak isang araw bago ang donation
β€’ May hindi bababa sa 5 oras na tulog bago ang donation
β€’ Kung may tattoo, dapat ay isang taon o higit pa mula nang ito ay ginawa
β€’ Walang ubo, sipon, o anumang karamdaman sa araw ng donation
β€’ Nakalipas na ang hindi bababa sa 3 buwan mula sa huling blood donation

Hindi sigurado kung kwalipikadong mag-donate?
May doktor at medical team na magsasagawa ng screening sa venue upang matiyak na ligtas at maayos ang proseso para sa lahat.

Sama-sama nating ipakita ang diwa ng bayanihan. Isang donasyon lamang mula sa iyo ang maaaring maging pag-asa at bagong pagkakataon sa buhay ng iba.

Kita-kita tayo sa Lian Town Plaza!

06/04/2026

NAGVI-VIDEOKE LAGPAS 10PM, HUHULIHIN?!

Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa Balitanghali, paiigtingin ng DILG ang Safer Cities Plan, isang kampanya laban sa mga inuman sa kalye, nagvi-videoke at mga pagala-galang kabataan sa gabi.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, pasensyahan na lang daw dahil manghuhuli na sila kapag may nakitang nag-iinuman sa kalye, nagvi-videoke lagpas 10PM at kapag mayroong menor de edad na pakalat-kalat ng lagpas 10PM.

Ang mga mahuhuli raw ay iimbestigahan at ang parusa ay depende raw sa ordinansa ng mga lokal na pamahalaan.

Uunahin ang Metro Manila sa pagpapaigitng ng Safer Cities Plan at saka isusunod ang iba pang urban areas, ayon kay Remulla.

Ano ang opinyon mo sa usapin na ito?

Address

Lumaniag
Lian

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Unlad Lumaniag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share