15/09/2026
๐ PURO KALUSUGAN 2026 | BARANGAY CABARIAN ๐ฉบ
Kalusugan ay para sa lahat! ๐ชโค๏ธ
Matagumpay na isinagawa ang Puro Kalusugan 2026 sa Barangay Cabarian, Ligao City, na naglalayong ilapit sa ating mga kabarangay ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at impormasyon para sa isang mas malusog na pamayanan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Local Government Unit of Ligao City (LGU-Ligao) at sa City Health Office sa patuloy na suporta at pagbibigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kabarangay.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Sir John David Lipnica sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, oras, at serbisyo para sa ikatataguyod ng kalusugan ng ating komunidad.
Maraming salamat din sa ating mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Tanods, at Barangay Utility Workers na walang sawang tumulong sa paghahanda at pagsasagawa ng aktibidad.
At higit sa lahat, isang malaking pasasalamat sa ating mga Barangay Officials, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Hon. Aladin C. Copian, sa kanilang pamumuno, suporta, at patuloy na malasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat residente ng Barangay Cabarian.
๐ค Ang tagumpay ng Puro Kalusugan 2026 ay bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.
Maraming salamat sa inyong lahat! Sama-sama para sa mas malusog, ligtas, at masiglang Barangay Cabarian! ๐๐ฉบ
September 15, 2026