27/08/2026
Matagumpay na nakapagtapos ang 198 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa 10 hanggang 15 araw na paglilinis at pagsasaayos ng mga pasilidad ng irigasyon sa Sto. Domingo, Albay. Isinagawa ang proyekto sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Irrigation Administration–Albay Catanduanes Irrigation Management Office (NIA-ACIMO).
Ayon sa NIA-ACIMO, pangunahing isinagawa ng mga benepisyaryo ang clearing at desilting ng mga irrigation facilities upang mapanatili ang maayos na daloy ng tubig at makatulong sa operasyon ng mga pasilidad na nagsisilbi sa mga komunidad at magsasaka sa lugar. Bahagi ito ng mga gawaing nakapaloob sa TUPAD na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga kwalipikadong manggagawa habang nakatutulong sa pagpapaayos at pagpapanatili ng mga pasilidad sa komunidad. | 𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐆𝐚𝐫𝐫𝐲 𝐂𝐚𝐫𝐥 𝐂𝐚𝐫𝐢𝐥𝐥𝐨
𝘉𝘢𝘴𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘴𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯.