17/10/2026
Itinampok sa Dayew 2026: The Pangasinan Province Tourism Skills Exposition ang talento, pagkamalikhain, at kasanayan ng mga mag-aaral sa turismo at hospitality bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism and Creative Month sa Pangasinan.
Lumahok sa kompetisyon ang mga mag-aaral mula sa 23 Higher Education Institutions (HEIs) at Technical-Vocational Institutions (TVIs) na kabilang sa Association of Hospitality and Tourism Trainers and Educators of Pangasinan (AHTTEP), isang samahan ng mga g**o at trainer sa larangan ng tourism at hospitality.
Kabilang sa mga paligsahan ang tour guiding, travel vlogging, paggawa ng travel brochures, hotel table setting, napkin folding, barista skills, bartending, cocktail mixing, at food plating, kung saan maipapakita ng mga kalahok ang kanilang talento, pagkamalikhain, at kasanayan.
Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), katuwang ang AHTTEP, ang Dayew 2026 na may layuning malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral at maihanda sila sa mga oportunidad sa industriya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III, patuloy na sinusuportahan ang mga programang nagbibigay-daan sa mga kabataang Pangasinense na mahasa ang kanilang mga kasanayan at maipakita ang kanilang potensyal sa industriya ng turismo.
(Rich Majin, Krizzia Mamaril | PIMRO