18/10/2026
🏆 LARO NG GALING: EMPLOYEES’ SPORTS FEST 2026
Mula sa husay sa Cheer Dance hanggang sa dominasyon sa Laro ng Lahi, ipinamalas ng LEGISLATIVE LAW STARS TEAM ang tunay na diwa ng pagkakaisa, sportsmanship, teamwork, at kahusayan!
🥇 CHAMPIONS • Patintero • Tupak Ball
🥈 FIRST RUNNER-UP • Chess
🥉 SECOND RUNNER-UP • Cheer Dance • Basketball • Volleyball (Men)
🏅 FOURTH PLACE • Badminton Doubles
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong, nakiisa, at naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito, gayundin sa lahat ng organizers na nagsikap upang maging makabuluhan at masaya ang palaro.
Lubos din ang aming pasasalamat kay Governor Ramon “Mon-Mon” Guico III sa kanyang pamumuno at sa magandang ideya na maisakatuparan ang Laro ng Galing: Employees’ Sports Fest 2026.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay hindi lamang nagbibigay ng pagkakataong maipakita ang talento at kakayahan ng bawat empleyado, kundi higit sa lahat, nagpapatibay ng samahan, pagkakaibigan, pagkakaisa, at diwa ng paglilingkod sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Congratulations, Legislative Law Stars Team! ⭐🏆
Sa likod ng bawat medalya ay sipag at dedikasyon, at sa likod ng bawat tagumpay ay isang koponang nagkakaisa!
💙 LEGISLATIVE LAW STARS — GALING SA LARO, PAGKAKAISA SA PUSO! angGaling!