13/10/2026
๐ฑ๐ฐ๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ (๐ฃ๐ต๐๐๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น) ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ญ๐ฎ๐๐ต ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป
Patuloy ang ating pagtutulungan para sa mas maayos na serbisyo at mas magandang kinabukasan ng bawat Pangasinense.
Nitong Oktubre 12, 2026, sa ating ika-54 na Regular Session ng 12th Sangguniang Panlalawigan, tinalakay natin ang mahahalagang usapin at panukalang nakatuon sa kalusugan, kapakanan, kaligtasan, at pag-unlad ng ating lalawigan.
Isa sa mga mahahalagang hakbang ang pagpasa ng resolusyong humihiling na mapakinabangan at mapatakbo ang mga umiiral na Super Health Centers at Rural Health Units bilang infirmary facilities upang mas mailapit ang serbisyong medikal sa ating mga kababayan.
Kabilang din sa mga naging usapin ang pagpapalakas ng mga programa para sa proteksyon ng mga bata, paghahanda sa posibleng epekto ng El Niรฑo sa sektor ng agrikultura, at pagsusuri sa mga lokal na badyet, ordinansa, at programang pangkaunlaran ng ibaโt ibang bayan.
Tinalakay rin ang mga panukalang may kaugnayan sa mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga OFW at kanilang pamilya, gayundin ang pagkilala sa mga Pangasinenseng nagbigay ng karangalan sa ating lalawigan.
Kasama ang ating mga Board Members at sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Ramon Mon-Mon Guico III, patuloy tayong magsisikap para sa isang maunlad, ligtas, at maalagang Pangasinan.