Bagong Lipa

Directions

Bagong Lipa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bagong Lipa, Political organisation, Lipa City.

๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘น๐‘ฌ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ด๐‘ฐ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘บ!๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’‘๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’Œ๐’๐’๐’ˆ ๐’†๐’…๐’–๐’Œ๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐’Š๐’๐’…๐’–๐’”๐’•๐’“๐’Š๐’š๐’‚, ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”, ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Š๐’”๐’‚!๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’…๐’‚๐’‘๐’‚๐’• ๐’Š๐’‰๐’‚๐’๐’…๐’‚ ...
09/09/2026

๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘น๐‘ฌ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘ด๐‘ฐ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘จ๐‘ป๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘บ!

๐‘ท๐’‚๐’Ž๐’‘๐’–๐’ƒ๐’๐’Š๐’Œ๐’๐’๐’ˆ ๐’†๐’…๐’–๐’Œ๐’‚๐’”๐’š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐’Š๐’๐’…๐’–๐’”๐’•๐’“๐’Š๐’š๐’‚, ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’‚๐’”, ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Š๐’”๐’‚!

๐‘ฏ๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’…๐’‚๐’‘๐’‚๐’• ๐’Š๐’‰๐’‚๐’๐’…๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’–๐’†รฑ๐’. ๐‘ซ๐’‚๐’‘๐’‚๐’• ๐’‰๐’‚๐’๐’…๐’‚ ๐’“๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’–๐’†รฑ๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’๐’๐’ˆ ๐’…๐’‚๐’“๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ.

Mismong si Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. ang nanguna sa pagbisita sa Aboitiz LIMA Estate, kasama ang Team Talino at Pusoโ€”Executive Secretary Ralph Recto, Gov. Vilma Santos-Recto, at Cong. Ryan Recto. Itinampok ang pagtutulungan ng pamahalaan, edukasyon, at industriya sa paghahanda ng ating mga kababayan para sa mas magandang oportunidad.

Pero hindi nagsimula sa pagbisitang ito ang naging trabaho ng Team Talino At Puso.

Bilang mambabatas, kabilang si ES Ralph Recto sa mga nagsulong ng Special Economic Zone Act of 1995 o RA 7916, na naglatag ng balangkas para sa paglikha at pagpapatakbo ng mga economic zone sa bansa. Hindi lamang LIMA ang saklaw nito, kundi mga economic zone sa buong Pilipinas, pagbubukas ng mga lugar para sa pamumuhunan, industriya, at trabaho.

Sa edukasyon, isinulong nina then Senator Ralph Recto at Congreswoman Vilma Santos-Recto sa Kamara ang mga panukalang nagbigay-daan sa pagkilala sa Batangas State University bilang The National Engineering University sa ilalim ng RA 11694. Hindi lamang suporta sa BSU kundi kongkretong ambag sa batas at sa pagpapalakas ng mandato ng ating pampublikong pamantasan.

Makikita ang bunga kapag ang tamang polisiya ay sinasabayan ng matagalang pamumuhunan, mahusay na pamamahala, at paghahanda sa mamamayan.

Ito naman ang mga naging bunga: Ang Aboitiz LIMA Estate ngayon ay nasa 1,100 hectares na, may mahigit-kumulang 200 kompanya, 75,000 trabaho, at โ‚ฑ128.9 billion na pamumuhunan.

May nakalatag pang 500 hectares na expansion potential para sa huling bahagi ng 2026 hanggang 2030, upang makapaglaan ng mas malaking kapasidad para sa industriya at mas maraming oportunidad sa trabaho.

Kasabay nito, lumawak na rin ang naaabot ng BatStateUโ€“The National Engineering University: 223 degree programs, kabilang ang 46 engineering programs sa undergraduate at graduate levels, at mahigit 61,000 estudyante mula sa mahigit 55 probinsya. Hindi lamang mga Batangueรฑo ang nakikinabang sa husay ng ating pinagmamalaking pamantasan.

Nangunguna rin ito sa pagbuo ng mas flexible na paraan ng edukasyon. Ang BatStateU ang unang higher education institution na nabigyan ng CHED Government Recognition para sa Universityโ€“Industry Micro-credentials, at mayroon itong 17 CHED-recognized industry micro-credential coursesโ€”maiikling pagsasanay na nakatuon sa tiyak na kasanayang kailangan sa trabaho.

Sa mga industry microcredential program, katuwang nito ang mga technology at industry leader, kabilang ang Microsoft at Cisco Networking Academy, sa pagbuo at paghahatid ng specialized training. Bahagi rin ng AWS Academy ng Amazon Web Services ang BatStateUโ€“Lipa at ang College of Informatics and Computing Sciences, na nag-uugnay sa kanilang educational offerings sa industry-designed cloud-computing curriculum.

Sa BatStateUโ€“LIMA, inilalapit ang pag-aaral sa aktuwal na pangangailangan ng mga kumpanya.

Sa JERAโ€“AboitizPower Global Technical Center of Excellence, pinalalakas naman ang kakayahan ng mga propesyonal sa sektor ng enerhiya. Habang lumalago ang industriya, dapat lumalakas din ang kakayahan ng tao.

Dapat magtugma ang curriculum, hands-on training, upskilling, reskilling, at capability building sa bilis ng pagbabago ng teknolohiya. In the global AI-driven industrial revolution, our goal is to prepare Batangueรฑos not merely to keep pace, but to help lead.

Mahalaga ito hindi lamang sa Batangas, kundi sa ekonomiya ng buong bansa.

Ayon sa PSA, Batangas ang ikatlong pinakamalaking ekonomiya sa mga lalawigan ng Pilipinas noong 2025, na may โ‚ฑ713.22 billion kontribusyon sa GDP ng bansa.

Mahalagang bahagi rin ang Batangas ng Luzon Economic Corridor, na nag-uugnay sa Subic, Clark, Manila, at Batangas upang palakasin ang kalakalan, imprastraktura, at supply chains. Kaya ang paghahanda natin ng mga estudyante at manggagawa ay bahagi rin ng paghahanda ng Pilipinas para sa mga industriyang darating.

At hindi dapat huminto sa hangganan ng Batangas ang pagkakataong ito.

Bilang regent, nagbigay si Cong. Ryan Recto ng kanyang affirmative vote upang suportahan ang pagsisimula ng mga hakbang para sa pagtatatag ng BatStateUโ€“The National Engineering University campus sa New Clark City, Tarlac.

Tinalakay na rin ang inisyatiba sa BCDA Board. Kasalukuyang nagtutulungan ang BCDA at BatStateU, habang inihahanda ng BCDA ang lupang pagtatayuan ng nasabing campus.

Mahalaga ang direksiyong ito sa paghahanda ng New Clark City bilang lokasyon ng planong Pax Silica hub, na nakatuon sa AI at advanced technology industries. Ang layunin: mas mailapit ang edukasyon at pagsasanay sa mga lugar kung saan bubuo ng bagong industriya at oportunidad.

Bilang The National Engineering University, pambansa ang mandato ng BatStateU sa engineering education, research, at innovation. Ang husay na hinubog sa Batangas ay may mas malawak na pananagutang maglingkod sa buong bansa.

Ganito dapat gumana ang gobyerno: maglatag ng tamang polisiya, magpalakas ng mga institusyon, magbukas ng oportunidad, at tiyaking handa ang Pamilyang Pilipino na makikinabang dito.

Hindi kusang dumarating ang magandang kinabukasan. Pinaghahandaan ito, sa mahusay na edukasyon, matatag na industriya, pagkakaisang may konkretong aksyon at lideratong may malinaw na direksyon.

Batangas ang pinagmulan. Buong Pilipinas ang pinaglilingkuran.

TEAM TALINO AT PUSO
Katuwang ng Batangueรฑo, Kaisa ng Bawat Pilipino.

YAN ANG CONG NAMIN! SULIT ANG TIWALA NG LIPA! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญHindi lang basta present. Nagtrabaho. May resulta.Kabilang si Cong. Ryan...
30/08/2026

YAN ANG CONG NAMIN! SULIT ANG TIWALA NG LIPA! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Hindi lang basta present. Nagtrabaho. May resulta.

Kabilang si Cong. Ryan Recto sa 98 miyembro ng Kamara na kinilala dahil sa PERFECT ATTENDANCE sa 20th Congress.

At ang consistency sa trabaho, may malinaw na resulta:

116 Legislative Measures
55 Measures Passed by the House
2 Enacted Into Law

Unang termino pa lamang. Present. Working. Delivering.

Para sa Lipa. Para sa Batangas. Para sa Bayan.

๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‰๐’๐’ ๐’๐’ˆ 6.5 ๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’‰๐’Š๐’“๐’‚๐’‘๐’‚๐’. ๐‘ต๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’• ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’“๐’Š๐’•๐’ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’‘๐’๐’” ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’....
24/08/2026

๐‘ด๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’…๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’‚๐’‰๐’๐’ ๐’๐’ˆ 6.5 ๐’Ž๐’Š๐’๐’š๐’๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’Ž๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’‰๐’Š๐’“๐’‚๐’‘๐’‚๐’. ๐‘ต๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’• ๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’Š ๐’“๐’Š๐’•๐’ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’•๐’‚๐’•๐’‚๐’‘๐’๐’” ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’.

Ang susunod na hamon ay tiyaking tuloy-tuloy ang kanilang pag-angat: protektahan ang mga nakaahon upang hindi na sila muling bumalik sa kahirapan, habang lumilikha pa tayo ng mas maraming trabaho, pataasin pa natin ang take-home-pay, pababain natib ang gastusin, at magbubukas pa ng mas maraming pagkakataon para sa bawat Pamilyang Pilipino.

Sa Mas marami pa ang dapat makaahon. Wala dapat maiwan.

๐‘ณ๐’†๐’• ๐’–๐’” ๐’‰๐’๐’๐’… ๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“๐’” ๐’‚๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’†, ๐’ƒ๐’–๐’• ๐’๐’†๐’• ๐’–๐’” ๐’‡๐’Š๐’“๐’”๐’• ๐’‰๐’๐’๐’… ๐’๐’–๐’“๐’”๐’†๐’๐’—๐’†๐’” ๐’‚๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’†.Para sa Batangas.Hon. Ryan Santos RectoLipa ...
07/05/2026

๐‘ณ๐’†๐’• ๐’–๐’” ๐’‰๐’๐’๐’… ๐’๐’•๐’‰๐’†๐’“๐’” ๐’‚๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’†, ๐’ƒ๐’–๐’• ๐’๐’†๐’• ๐’–๐’” ๐’‡๐’Š๐’“๐’”๐’• ๐’‰๐’๐’๐’… ๐’๐’–๐’“๐’”๐’†๐’๐’—๐’†๐’” ๐’‚๐’„๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’‚๐’ƒ๐’๐’†.

Para sa Batangas.

Hon. Ryan Santos Recto
Lipa City



LINK: https://www.facebook.com/share/p/18axEaAYQy/?mibextid=wwXIfr

Address

Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Lipa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share