09/09/2026
𝐒𝐊 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐰𝐨𝐲'𝐬 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 🎊
Matagumpay na naisagawa ang Linggo ng Kabataan Celebration ng SK Marawoy, na tampok ang iba’t ibang makabuluhang aktibidad at programa para sa ating kabataan.
Naging bahagi ng selebrasyon ang Poster-Making, Flag-Making, Yell-Making, at Family Feud, gayundin ang mga seminar ukol sa Fire Prevention and Safety, BADAC and School Safety Awareness, Disaster Risk Reduction and Management, at Mental Health Awareness.
Bilang bahagi rin ng ating pagdiriwang, nagkaroon ng raffle activity at pamamahagi ng school supplies para sa lahat ng kabataang dumalo bilang munting handog at pasasalamat sa kanilang pakikiisa.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Barangay at SK Scholars na nakiisa, pati na rin sa kanilang mga magulang at guardians na patuloy na nagbibigay ng suporta. Ang inyong pakikilahok ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagdiriwang.
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming mga katuwang at sponsors:
Mayor Eric B. Africa
Vice Mayor Mikee Morada
Konsehal Lydio Lopez
Konsehal Spye Toledo
Konsehal Mike Lina
Konsehal Merlo Silva
Konsehal Makmak Luancing
Konsehal Joel Pua
SK Provincial Federation President Voltaire Aedrian Pua
Maraming salamat din kay Konsehal Nicole Ronquillo para sa libreng popcorn 🍿 at kay Konsehal Spye Toledo para sa libreng donuts 🍩 na nagbigay ng dagdag saya sa ating mga kabataan.
Sa lahat ng naging bahagi ng LNK 2026, maraming salamat sa inyong panahon, suporta, at pakikiisa. Sama-sama nating patuloy na itaguyod ang aktibo, responsableng, at empowered na kabataan ng Marawoy.
Kabataan ng Marawoy, Para sa Marawoy.