01/10/2026
🚨 LIPA CDRRMO | DAILY EMERGENCY RESPONSE REPORT 🚑
📅 September 29–30, 2026 (Tuesday–Wednesday)
Patuloy ang Lipa City Disaster Risk Reduction and Management Office (Lipa CDRRMO) sa pagbibigay ng mabilis at maagap na serbisyo para sa ating mga kababayang nangangailangan.
Sa mga nasabing araw, ang ating trained responders ay matagumpay na nakapag-render ng assistance at response sa sumusunod na emergency incidents:
🚑 3 Medical Emergency Incidents
🚗 5 Vehicular Accident Emergencies
Sa bawat emergency, mahalaga ang mabilis na pagtugon. Sa pamamagitan ng ating mga trained responders, patuloy nating pinapalakas ang kakayahan ng lungsod na tumugon sa mga insidente at mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Lipenyo.
🤝 Ang Lipa CDRRMO, kasama ang Lipa City Government, ay patuloy na nakatuon sa pagbibigay ng mabilis, maaasahan, at makataong serbisyo sa ating komunidad.
Ang aming serbisyo ay hindi lamang trabaho—ito ay isang commitment na maging handa at tumugon para sa bawat mamamayan ng Lipa. 💙
📞 Sa oras ng emergency, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa official Lipa CDRRMO emergency hotline/contact numbers na makikita sa aming official page.
Laging HANDA. Laging HANDAng TUMUGON. Para sa bawat Lipenyo. 🚑💙