Barangay Calamias Lipa City

Directions Contact the organization

Barangay Calamias Lipa City Barangay Calamias Lipa City Official

15/09/2026

MAGANDANG ARAW!
Inaanyayahan po namain ang lahat na makiisa sa International Coastal Cleanup 2026 na gaganapin sa September 19, 2026 ganap na 6:00 ng umaga.
Halina’t sama-sama nating linisin at pangalagaan ang ating mga baybayin, ilog, estero, at iba pang waterways katulad ng ating mga open canal at drainage. Sa simpleng pagkilos, makatutulong tayo sa pagbabawas ng plastic pollution, pagprotekta sa marine life, at pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa susunod na henerasyon.
Dahil dito inaanyayahan ang lahat ng residente kada purok upang maipatupad na din ang "tapat ko, linis ko" at maghikayat sa mga organisasyon upang makapaglinis ng ating mga baybayin, ilog, estero, at iba pang waterways katulad ng ating mga open canal at drainage..
đź’™ Isang komunidad. Isang layunin. Isang malinis na kapaligiran.
🧤 International Coastal Cleanup Day
đź“… September 19, 2026
⏰ Time: 6:00 AM
🌱 Clean Today. Protect Tomorrow.
Makilahok. Maglinis. Mag-ingat sa kalikasan. Maging bahagi ng pagbabago!

Matagumpay na naipamahagi ang 3rd Quarter Extended Benefit Assistance at National Senior Pension para sa ating mga kabar...
08/09/2026

Matagumpay na naipamahagi ang 3rd Quarter Extended Benefit Assistance at National Senior Pension para sa ating mga kabarangay na benepisyaryo.

Taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor Eric B. Africa, at sa ating ama ng barangay, Hon. Rolando C. Librea, kasama ang buong Sangguniang Barangay at mga Barangay Functionaries, sa kanilang walang sawang suporta at paglilingkod sa ating komunidad.

Sa kabila ng masamang panahon, tiniyak ng ating mahal na Kapitan na magiging maayos at komportable ang pamamahagi sa pamamagitan ng pagpapatayo ng tent upang mayroong masilungan ang ating mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ang:
• Senior Citizens (National & Local)
• Persons with Disability (PWD)
• TUGON Beneficiaries
• Solo Parents
• Transport Sector

Patuloy nating isusulong ang serbisyong may malasakit at programang tunay na nakakatulong sa bawat mamamayan ng Barangay Calamias.




Naganap ngayong araw ang pamamahagi ng mga tseke mula sa PBBM Scholarship Program para sa ating mga benepisyaryo.Sa pang...
28/08/2026

Naganap ngayong araw ang pamamahagi ng mga tseke mula sa PBBM Scholarship Program para sa ating mga benepisyaryo.

Sa pangunguna at suporta ng ating butihing Barangay Captain Rolando C. Librea , kasama ang buong Sangguniang Barangay Calamias Lipa City , matagumpay na naihatid ang tulong na ito sa ating mga kabarangay.

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng ating pamunuan na maiparating ang mga benepisyo at oportunidad sa mga mamamayan nang patas, walang pinipili at walang kinikilingan.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng programang ito at nawa’y makatulong ito sa pag-abot ng mga pangarap ng ating mga iskolar.



Ma'am Bernadette Librea maraming salamat po,,   at Kalikasan ating Pangalagaan
31/07/2026

Ma'am Bernadette Librea maraming salamat po,,
at Kalikasan ating Pangalagaan

Isang mapagpalang araw para sa ating mga mag-aaral!Naganap ngayong araw ang pamamahagi ng lunch box para sa 52 estudyant...
27/07/2026

Isang mapagpalang araw para sa ating mga mag-aaral!

Naganap ngayong araw ang pamamahagi ng lunch box para sa 52 estudyante ng Calamias Development Center (CDC), na buong pusong inisponsoran ng ating Kapitan Rolando C. Librea.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong kabutihan at patuloy na suporta sa ating mga estudyante.

Maraming salamat po, Kap. Lando at Teacher Bernadette, sa inyong malasakit at dedikasyon sa kapakanan ng ating kabataan. Nawa’y patuloy pa kayong pagpalain sa inyong paglilingkod sa komunidad.

02/04/2026
29/03/2026

Barangay Assembly 1st Semester - CY 2026

13/02/2026

Gandang hapon po baka mrun po kaung napulot na wallet my laman pong pera at i.d Cristian Mitra po ang my are taga San Sebastian. Salamat po

02/12/2025

Address

Calamias
Lipa City
4217

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Calamias Lipa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Calamias Lipa City:

Shortcuts

Share