29/09/2026
SPLIT NEWS UPDATE | Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform - Batangas ng Reorientation on Real-Time Kinematic (RTK) and Hands-on Training on the Use of Total Station and AutoCAD noong Setyembre 23–25, 2026 sa Lipa City, Batangas, bilang bahagi ng pagpapatupad ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.
Layunin ng aktibidad na higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng DAR Batangas Survey Team sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa land surveying, partikular sa RTK, Total Station at AutoCAD.
Sa pamamagitan ng reorientation at hands-on training, nabigyan ang mga kalahok ng praktikal na kaalaman sa tamang paggamit ng surveying equipment, pagproseso ng survey data at pagbuo ng mas tumpak at maaasahang survey plans.
Ang pagpapalakas ng teknikal na kakayahan ng survey team ay mahalaga upang mapabuti ang accuracy, efficiency, at consistency ng survey operations, na makatutulong sa mas mabilis at maayos na pagpapatupad ng SPLIT Project at sa paghahatid ng serbisyo para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).