02/10/2026
๐๐๐ฐ๐ ๐๐ฎ ๐ฐ๐๐ต ๐ก๐๐๐ง๐ || Nakiisa ang Research Division sa pagbubukas ng 4th National Agriculture and Fisheries Technology Exhibition (NAFTE) noong unang araw ng Oktubre sa Legazpi City, Albay.
Ang ika-apat na taon ng NAFTE na may temang Innovation in Action: Bridging Science, Industry, and Communities for Scalable and Sustainable Agri-Fisheries Technologies ay naglalayong ipakita ang mga makabagong teknolohiya na patuloy na mag-aangat at magpapalakas sa mga magsasaka at mangingisda sa buong bansa.
Pinangunahan ni OIC-Regional Executive Director Engr. Redelliza Gruezo ang delegasyon ng Calabarzon na nagtampok ng mga teknolohiyang produkto ng pananaliksik at inobasyon. Ilan dito ang Smart Greenhouse Project of the Philippines (SGPP), Drones for Rice, One Rice Ph, Corn Germplasm Utilization Advanced Research Development (CGUARD).
Kabilang din ang Community-based Participatory Action Research (CPAR), Outscaling, at Technology Communication projects, at mga produktong coco sugar, honey, kape, ube powder, bignay juice, wood vinegar, macapuno strings, dehydrated vegetables, at iba pa.
Tampok din ang produkto mula sa Cavite State University na biomass fuel pellets, maqapuno powder, at BaHive horizontal stingless beehive.
Magpapatuloy ang eksibisyon hanggang sa ika-3 ng Oktubre sa pangunguna ng Bureau of Agricultural Research at dinaluhan ng ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan, unibersidad, at pribadong sektor.