23/05/2026
Matagumpay na natapos ang Project Hiranaya: TEACH, TALK, TRANSFORM! 🎓✨
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng Child Development Workers ng Bayan ng Llanera na aktibong nakilahok sa ating Child Development and Language Acquisition Training na ginanap noong May 2, 9, 16, at 23, 2026 sa Senior Citizens' Building, Brgy. Victoria, Llanera, Nueva Ecija.
Salamat sa inyong dedikasyon sa pagkatuto at paglilingkod para sa mas magandang kinabukasan ng mga bata sa ating bayan. Ang kaalamang inyong natamo ay magiging ilaw at gabay sa bawat batang inyong inaalagaan at tinuturuan. 👶❤️
Pasasalamat din po kay Hon. Marilou L. Pascual, RPh, Ph.D, ating Municipal Mayor, kay Amerjaphil Louie A. Vidal, MSWD Officer, lalo’t higit sa lahat sa Nueva Ecija University of Science and Technology-Institute of Linguistics and Literature sa pangunguna ni Dir. Rommel V. Espejo, sa inyong suporta at paggabay sa programang ito.
Patuloy tayong magtulungan para sa mas malusog, matalino, at masayang kabataan ng Llanera! 💚