HRMO Local Government Unit of Llanera

Directions

HRMO Local Government Unit of Llanera Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from HRMO Local Government Unit of Llanera, Government Organization, Lagasca Avenue, Llanera.

A highly competent, values-driven, and service-oriented HRMO that fosters culture of excellence, integrity, and innovation in public service, ensuring the welfare and professional growth of every employee for a progressive and people-centered community.

🏅 PAGKILALA SA KATAPATAN AT HUWARANG ASAL! 🏅Bilang bahagi ng Traditional Flag Raising Activity ngayong Oktubre 12, 2026,...
12/10/2026

🏅 PAGKILALA SA KATAPATAN AT HUWARANG ASAL! 🏅

Bilang bahagi ng Traditional Flag Raising Activity ngayong Oktubre 12, 2026, pinarangalan ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sina Mr. Patrick Martin at Mr. Christian John Cayme bilang mga tatanggap ng EXEMPLARY CONDUCT AWARD sa ilalim ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) ng LGU Llanera.

👏 Mr. Patrick Martin, Utility Worker ng Municipal Health Office, ay kinilala dahil sa kanyang katapatan nang agad niyang isinuko sa Human Resource Management Office ang isang puting sobre na naglalaman ng ₱3,000.00 na kanyang napulot sa Municipal Building. Sa pamamagitan ng agarang pag-uulat at pagsisikap ng HRMO, natukoy at naibalik ang pera sa tunay na may-ari nito.

👏 Mr. Christian John Cayme,Administrative Aide I(Revenue Collection Clerk) ay kinilala rin dahil sa kanyang huwarang katapatan nang kusang-loob niyang isinuko sa Llanera Municipal Police Station ang napulot niyang Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ng isang sasakyan upang maibalik sa tunay na may-ari.

Ang kanilang mga ginawa ay patunay na ang katapatan ay hindi nasusukat sa laki ng bagay na ating isinusuko, kundi sa integridad na ipinapakita natin sa pagpili ng tama.

Sa paggawad ng Certificate of Recognition, Medal of Honor, at cash incentive sa bawat awardee, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Llanera ang kahalagahan ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga gawaing nagpapakita ng katapatan, pananagutan, at mabuting asal.

Ang pagkilalang ito ay pinangunahan ni Hon. Marilou Lapuz Pascual, RPh, PhD., Municipal Mayor, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at PRAISE Committee.

❤️ Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga halimbawa sa ating mga kawani at mamamayan na patuloy na isabuhay ang katapatan at integridad sa araw-araw.

Dahil sa Llanera, ang paggawa ng tama ay hindi nangangailangan ng kapalit—ito ay kusang pinipili at buong pusong isinasabuhay.

✨ “Responsableng Paglilingkod, Marangal na Pamana!” ✨

❤️❤️❤️
08/10/2026

❤️❤️❤️

KATAPATAN NG ISANG RESIDENTE SA LLANERA, PINURI MATAPOS ISAULI SA POLICE STATION ANG NAPULOT NA OR/CR

Pinuri ng Llanera Municipal Police Station ang katapatan ng residenteng si Christian Cayme mula sa Barangay Gomez, Llanera, Nueva Ecija.

Isinauli ni Cayme sa mga awtoridad ang kanyang napulot na Official Receipt at Certificate of Registration o OR/CR ng isang sasakyan upang maibalik ito sa tunay na may-ari.

Kaya naman pinapupunta ng Llanera PNP ang may-ari ng mga dokumento sa kanilang istasyon upang mai-claim at maiberipika ang nakuhang OR/CR.

Courtesy: Llanera Pnp Ne / Facebook

🎂🎉 MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING MGA JOB ORDER EMPLOYEES NG LGU LLANERA! 🎉🎂Ang Pamahalaang Bayan ng Llanera ay buong puso...
06/10/2026

🎂🎉 MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING MGA JOB ORDER EMPLOYEES NG LGU LLANERA! 🎉🎂

Ang Pamahalaang Bayan ng Llanera ay buong pusong bumabati sa ating mga masisipag at dedikadong Job Order Employees na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Oktubre! ❤️❤️

🌟 Rosalie Cayog – Oktubre 2
🌟 Beatriz Mortera – Oktubre 10
🌟 Jayfferson Arocena – Oktubre 17
🌟 Hazel Jane Castillo – Oktubre 20
🌟 Joseph Dupitas – Oktubre 21
🌟 Ronie Evangelista – Oktubre 22
🌟 Reneboy Cabrera – Oktubre 23
🌟 Joan Sibuma – Oktubre 25
🌟 Renieboy Lanzanida – Oktubre 29

Sa inyong espesyal na araw, hangad namin ang mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay at maraming pagpapala. Nawa’y patuloy kayong magkaroon ng lakas at inspirasyon sa pagtupad ng inyong mga tungkulin at sa paglilingkod sa ating mga kababayan. 🙏✨

Maraming salamat sa inyong sipag, dedikasyon, pakikiisa, at mahalagang ambag sa patuloy na pagsasagawa ng mga programa at serbisyo ng LGU-Llanera. Ang inyong serbisyo, gaano man kalaki o kaliit, ay mahalagang bahagi ng ating sama-samang paglilingkod sa bayan. ❤️

🥳 Maligayang Kaarawan, October Celebrants! 🎂🎈
Nawa’y maging makabuluhan ang inyong kaarawan at ang bawat araw ng inyong buhay ay mapuno ng biyaya, pag-asa at magagandang pagkakataon.

Mula sa inyong HRMO at buong LGU-Llanera Family,
❤️❤️ Maligayang Kaarawan! Pagpalain kayo ng Poong Maykapal! 🙏

🎂🎉 MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING MGA PERMANENT EMPLOYEES NG LGU LLANERA! 🎉🎂Ang Pamahalaang Bayan ng Llanera ay buong puso...
06/10/2026

🎂🎉 MALIGAYANG KAARAWAN SA ATING MGA PERMANENT EMPLOYEES NG LGU LLANERA! 🎉🎂

Ang Pamahalaang Bayan ng Llanera ay buong pusong bumabati sa ating mga minamahal na Permanent Employees na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Oktubre! ❤️❤️❤️

🌟 Angelina Lapenia – Oktubre 1
🌟 Don Mark Basi – Oktubre 4
🌟 Ricardo Pascual – Oktubre 7
🌟 Dante Galindez – Oktubre 9
🌟 Evangelita Santiago – Oktubre 9
🌟 Genard Pascual – Oktubre 9
🌟 Engr. Alberto Cainglet – Oktubre 17
🌟 Oyo Quibrantos – Oktubre 20
🌟 Rica Ann Undan – Oktubre 22
🌟 Grace Simbre – Oktubre 26
🌟 Normita Garcia – Oktubre 29

Nawa’y maging makabuluhan at puno ng ligaya, mabuting kalusugan, pagmamahal, at pagpapala ang inyong kaarawan. Hangad namin ang isang taon na puno ng mga bagong oportunidad, tagumpay, at katuparan ng inyong mga pangarap. 🙏✨

Maraming salamat sa inyong dedikasyon, katapatan, sipag, at patuloy na paglilingkod sa ating mga kababayan. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa inyong mga kapwa lingkod-bayan at sa buong LGU-Llanera Family. ❤️

🥳 Maligayang Kaarawan sa ating mga October Birthday Celebrants! 🎂🎈
Nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal ng mahabang buhay, mabuting kalusugan, at mas marami pang biyaya!

Mula sa inyong HRMO at buong LGU-Llanera Family,
❤️ Maligayang Kaarawan! ❤️

🩸❤️ DUGO MO, BUHAY KO ❤️🩸Lingkod Bayan, Tagapagligtas ng BuhayNoong Setyembre 24, 2026, matagumpay na isinagawa ang LGU ...
04/10/2026

🩸❤️ DUGO MO, BUHAY KO ❤️🩸

Lingkod Bayan, Tagapagligtas ng Buhay

Noong Setyembre 24, 2026, matagumpay na isinagawa ang LGU Llanera Mobile Blood Donation Program 2026 sa Llanera Evacuation Center, Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).

Isinagawa ang makabuluhang gawaing ito sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) at Department of Health – Central Luzon Center for Health Development (DOH-CLCHD), kung saan ang mga kwalipikadong blood donors ay dumaan sa kaukulang health assessment, screening, medical evaluation, blood collection at post-donation care.

Ang blood donation ay hindi lamang simpleng pag-aalay ng dugo—ito ay isang kusang-loob na gawa ng malasakit, bayanihan at pagmamahal sa kapwa. Sa bawat donasyon, may pagkakataong may isang pasyente, isang pamilya, o isang buhay na mabibigyan ng pag-asa. 🩸❤️

Sa pamamagitan ng programang ito, muling ipinakita ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Llanera, kasama ang mga kalahok mula sa mga National Government at Attached Agencies, na ang tunay na diwa ng public service ay hindi lamang nasusukat sa pagtupad sa tungkulin, kundi maging sa kahandaang tumulong at magligtas ng buhay.

👏 Maraming salamat at saludo sa lahat ng ating naging blood donors!
Ang inyong kabutihang-loob ay maaaring maging dugo, pag-asa, at buhay para sa nangangailangan.

Taos-pusong pasasalamat din sa DOH-CLCHD/Regional Voluntary Blood Services Program, Municipal Health Office, at sa lahat ng health personnel at volunteers na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng blood donation activity.

🩸 “Isang donasyon, maaaring maging pag-asa ng isang buhay.”

❤️ “Hindi lamang tayo naglilingkod sa bayan—nagbibigay din tayo ng pag-asa at buhay.”

Dugo Mo, Buhay Ko.
Lingkod Bayan, Tagapagligtas ng Buhay. 🩸🇵🇭

🏅 GAWAD LINGKOD BAYANI 2026 | MATAPAT NA LINGKOD PAMAHALAAN (MLP) AWARD 🏅(LGU Loyalty Service Award)Pagpupugay sa Katapa...
04/10/2026

🏅 GAWAD LINGKOD BAYANI 2026 | MATAPAT NA LINGKOD PAMAHALAAN (MLP) AWARD 🏅
(LGU Loyalty Service Award)

Pagpupugay sa Katapatan, Dedikasyon, at Makabuluhang Taon ng Paglilingkod! 💐👏

Bilang pagkilala sa tapat, marangal, at tuloy-tuloy na paglilingkod sa bayan, iginawad ng Pamahalaang Bayan ng Llanera ang Matapat na Lingkod Pamahalaan (MLP) Award sa mga natatanging kawani na nagpakita ng dedikasyon, integridad, pananagutan, at malasakit sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng inaprubahang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Policy ng LGU-Llanera, na naglalayong kilalanin at pahalagahan ang mahalagang ambag ng bawat kawani sa pagsusulong ng mahusay at makabuluhang serbisyo publiko.

🏆 MGA PINAUNANG KAWANI AT KANILANG TAON NG PAGLILINGKOD

10 TAON NG PAGLILINGKOD
• Alejandro S. Galindez Jr. – Office of the Mayor
• Adonis G. Vidal – Office of the Mayor
• Benjamin E. Ramirez Jr. – Municipal Engineering Office
• Francis M. Vicencio – Municipal Engineering Office

15 TAON NG PAGLILINGKOD
• Amerjaphil Louie A. Vidal – Municipal Social Welfare and Development Office
• Eleuterio E. Balaba – Office of the Mayor
• Giovanie B. Tomas – Office of the Mayor (PESO)
• Aiza P. Binuya – Human Resource Management Office
• Hazel S. Mauro – Municipal Accounting Office
• Evangelinta S. Santiago – Municipal Accounting Office
• Jocelyn P. Flores – Municipal Budget Office
• Imee A. Andaya – Municipal Treasury Office
• Rolando R. Abad Jr. – Municipal Health Office
• Catherine J. Cuya – Municipal Health Office

20 TAON NG PAGLILINGKOD
• Cynthia C. Garcia – Municipal Health Office
• Ferdinand L. Guillermo – Municipal Health Office

25 TAON NG PAGLILINGKOD
• Joey V. Esteban – Municipal Cooperatives and Entrepreneurship Development Office

Ang paggawad ng mga parangal ay ginanap noong Setyembre 30, 2026, sa Llanera Evacuation Center, Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija, bilang bahagi ng Gawad Lingkod Bayani 2026 at pagdiriwang ng ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA), na may temang:

“Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal at Galing Para sa Bayan.”

Ang bawat taon ng paglilingkod ay sumasalamin sa mga sakripisyo, pagsisikap, at katapatang inialay para sa kapakanan ng mamamayan. Kayo ay patunay na ang tunay na lingkod-bayan ay nag-iiwan ng makabuluhang pamana sa pamamagitan ng tapat at responsableng paglilingkod.

Congratulations sa lahat ng mga pinarangalan! Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa kapwa kawani at sa susunod na henerasyon ng mga lingkod-bayan ng Llanera. ❤️👏

“Responsableng Paglilingkod, Makabuluhang Pamana.”

🏅 GAWAD LINGKOD BAYANI 2026 | MARANGAL NA PAGLILINGKOD (MP) AWARD 🏅(LGU Recognition for Retiree)Pagpupugay sa 18 Taon ng...
04/10/2026

🏅 GAWAD LINGKOD BAYANI 2026 | MARANGAL NA PAGLILINGKOD (MP) AWARD 🏅
(LGU Recognition for Retiree)

Pagpupugay sa 18 Taon ng Tapat at Marangal na Paglilingkod! 💐

Bilang pagkilala sa dedikasyon, integridad, malasakit, at buong-pusong paglilingkod sa bayan, iginawad ng Pamahalaang Bayan ng Llanera ang Marangal na Paglilingkod (MP) Award kay Ms. Julieta G. Fabros, Administrative Aide V (Revenue Collection Clerk I) ng Municipal Treasury Office.

Ang parangal na ito ay bahagi ng inaprubahang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Policy ng LGU-Llanera, na naglalayong kilalanin at bigyang-halaga ang mga kawani na nagpapamalas ng katapatan, kahusayan, at natatanging ambag sa paglilingkod sa pamahalaan at sa mamamayan.

Sa loob ng 18 taon ng kaniyang paglilingkod, ipinamalas ni Ms. Fabros ang pagiging maaasahan, matapat, at responsable sa pagtupad ng kaniyang mga tungkulin. Ang kaniyang dedikasyon at walang-sawang paglilingkod ay nagsisilbing inspirasyon sa kapwa kawani at patunay na ang tunay na lingkod-bayan ay nag-iiwan ng makabuluhang pamana sa pamamagitan ng tapat na serbisyo.

Ang paggawad ng parangal ay ginanap noong Setyembre 30, 2026, sa Llanera Evacuation Center, Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija, bilang bahagi ng Gawad Lingkod Bayani 2026 at pagdiriwang ng ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA), na may temang:

“Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal at Galing Para sa Bayan.”

Ang pagkilalang ito ay hindi lamang pagpupugay sa mga taong naglingkod, kundi pagpapahalaga rin sa mga halagang bumubuo sa isang tunay na lingkod-bayan—katapatan sa tungkulin, dangal sa paglilingkod, at malasakit sa kapwa.

Congratulations, Ms. Julieta G. Fabros! Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa pagsusulong ng serbisyong may puso, dangal, at integridad para sa bayan. ❤️👏

“Responsableng Paglilingkod, Marangal na Pamana.”

🏅 GAWAD LINGKOD BAYANI 2026 | POSTHUMOUS SERVICE AWARD 🕊️Rangal • Respeto • Pagpupugay (RRP) AwardBilang pagpupugay sa i...
04/10/2026

🏅 GAWAD LINGKOD BAYANI 2026 | POSTHUMOUS SERVICE AWARD 🕊️

Rangal • Respeto • Pagpupugay (RRP) Award

Bilang pagpupugay sa isang buhay na inialay sa tapat, marangal, at buong-pusong paglilingkod sa bayan, iginawad ng Pamahalaang Bayan ng Llanera ang Posthumous Service Award – Rangal, Respeto, Pagpupugay (RRP) Award kay Ma’am Marife C. Ancheta, dating Municipal Budget Officer ng Pamahalaang Bayan ng Llanera.

Ang pagkilala ay tinanggap ng kaniyang asawa na si G. Elmer Ancheta, kasama ang kanilang pamilya, bilang pagpapatuloy ng pag-alala sa isang lingkod-bayang nag-iwan ng makabuluhang pamana sa pamahalaan at sa mga mamamayan ng Llanera.

Ang parangal na ito ay bahagi ng inaprubahang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) Policy ng Pamahalaang Bayan ng Llanera, na naglalayong kilalanin at bigyang-halaga ang dedikasyon, katapatan, at natatanging ambag ng mga kawani sa paglilingkod sa bayan.

Sa loob ng 39 na taon ng paglilingkod, ipinamalas ni Ma’am Marife ang sipag, integridad, malasakit, at tunay na diwa ng pagiging lingkod-bayan. Bagama’t siya ay namaalam na, mananatiling buhay sa puso at alaala ng kaniyang mga kasamahan ang kaniyang mga naiambag at ang inspirasyong iniwan niya sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Llanera.

Ang paggawad ng parangal ay ginanap noong Setyembre 30, 2026, sa Llanera Evacuation Center, Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija, bilang bahagi ng Gawad Lingkod Bayani 2026 at pagdiriwang ng ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA), na may temang:

“Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal at Galing Para sa Bayan.”

Ang kaniyang buhay at paglilingkod ay mananatiling inspirasyon na ang tunay na diwa ng paglilingkod-bayan ay hindi nagtatapos sa pagpanaw, sapagkat ang kabutihang nagawa at pamana ng tapat na serbisyo ay patuloy na mabubuhay sa puso ng mga taong kaniyang napaglingkuran.

In memoriam
02/10/2026

In memoriam

OFFICIAL ANNOUNCEMENT

The Municipality of Llanera, Nueva Ecija informs the public that the remains of former Municipal Mayor Hon. Quintin L. Salmo will be laid in repose at the Llanera Evacuation Center, Barangay Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija, beginning October 3, 2026 at 7:30 in the morning, until October 5, 2026, the day of his interment.

As a former Municipal Mayor and public servant of Llanera, the Municipality recognizes his service and legacy to the community and joins his family, relatives, friends, colleagues, and fellow Llaneranos in mourning his passing.

Family members, friends, former colleagues, and fellow Llaneranos who wish to pay their respects and offer their condolences are welcome to visit and join in the final tribute to a former public servant of the Municipality of Llanera.

The Municipality of Llanera extends its deepest sympathy and heartfelt condolences to the family of Former Mayor Quintin L. Salmo.

May his memory, public service, and contributions to the Municipality of Llanera be remembered with honor and respect.

01/10/2026

📢 ABISO SA LAHAT

Ipinababatid po sa lahat na may napulot na pera sa facade ng LGU Main Building.

Ang nasabing pera ay kasalukuyang nasa pag-iingat ng Human Resource Management Office (HRMO).

Kung mayroon pong nawawalan ng pera at naniniwalang maaaring ito ang kanilang nawala, mangyaring makipag-ugnayan sa HRMO para sa kaukulang beripikasyon at pag-claim.

Hinihiling po ang pakikipagtulungan ng lahat upang ang pera ay maibalik sa tunay na may-ari.

Maraming salamat po.

Address

Lagasca Avenue
Llanera
3126

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HRMO Local Government Unit of Llanera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share