12/07/2026
Maraming, maraming salamat! 🥹❤️
Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Samat taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng kabataang nakiisa at sumuporta sa ating Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly, Team Building, Distribution of Educational Assistance, at Distribution of School Supplies.
Dahil sa inyong aktibong pakikilahok, naging matagumpay, makabuluhan, at masaya ang bawat programa at aktibidad. Ang inyong presensya at suporta ang naging susi sa tagumpay ng mga gawaing ito.
Maraming salamat din sa lahat ng tumulong, nag-volunteer, at nagbigay ng oras at effort upang maisakatuparan ang mga programang ito. Nawa'y patuloy tayong magkaisa at magtulungan para sa ikauunlad ng kabataan at ng ating komunidad.
Hanggang sa muli, Kabataang Samateño! Patuloy tayong magsama-sama sa paglikha ng positibong pagbabago.❤️🥹🫶🏼