Sonny B2n Ubana

Directions

Sonny B2n Ubana An Educator, Policymaker, Political Scientist and a Public Servant

Connect with me: https://linktr.ee/sonnyb2nubana

08/10/2026

MAHALAGANG PABATID 🚨

Pansamantalang nakasara ang ating Municipal Covered Court habang isinasagawa ang pagpapahusay at pagsasaayos nito.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan upang makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at de-kalidad na lugar para sa ating mga palakasan, kaganapan, at pampublikong pagtitipon.

Habang nagpapatuloy ang mga gawain sa pagsasaayos, hinihiling po ang inyong pang-unawa, pasensya, at pakikiisa upang maging mabilis at maayos ang pagsasagawa ng proyekto.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pag-unawa.

TINGNAN | MASINSINANG MONITORING SA MGA PROYEKTO NG LGU LOPEZOctober 5, 2026Pinangunahan ni Mayor Sonny B. Ubana II ang ...
07/10/2026

TINGNAN | MASINSINANG MONITORING SA MGA PROYEKTO NG LGU LOPEZ
October 5, 2026

Pinangunahan ni Mayor Sonny B. Ubana II ang serye ng koordinasyon kasama ang iba't ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Lopez.

Layunin ng mga pagpupulong na ito na tiyaking on-track at mabilis ang pag arangkada ng lahat ng programa sa ating bayan—mula sa mga imprastraktura, pagsasaayos ng pampublikong pasilidad, budget, hanggang sa mga inisyatibo para sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Sa pamamagitan ng maayos na pagsubaybay at pagtutulungan ng bawat opisina, nakatutok ang pamahalaang lokal sa paghahatid ng de-kalidad at ramdam na serbisyo para sa bawat Lopezeño.

TINGNAN | PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG BAGONG SK CHAIRPERSON NG BARANGAY SUGODOctober 05, 2026Personal na pinangunahan ni...
07/10/2026

TINGNAN | PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG BAGONG SK CHAIRPERSON NG BARANGAY SUGOD
October 05, 2026

Personal na pinangunahan ni Mayor Sonny B. Ubana II ang panunumpa para sa bagong Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson ng Barangay Sugod na si Geralyn D. Laput.

Naging saksi sa mahalagang simula ng kanyang paglilingkod si Punong Barangay Ernie M. Grutas.

Congratulations kay SK Chairperson Geralyn! Inaasahan ng buong bayan ang iyong dedikasyon at mga programang magtataguyod sa kapakanan, kakayahan, at pag-unlad ng kabataan sa Brgy. Sugod.

Ngayong araw ay pinagdiriwang natin ang Ika-165 taong Pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Ros...
06/10/2026

Ngayong araw ay pinagdiriwang natin ang Ika-165 taong Pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Nawa’y patuloy niyang pagpalain, gabayan, at protektahan ang buong bayan ng Lopez at ang bawat pamilyang bumubuo sa ating komunidad.

TINGNAN | PULONG KASAMA ANG TODA PRESIDENT AND OFFICERSOctober 05, 2026Personal na nakipagpulong si Mayor Sonny B. Ubana...
06/10/2026

TINGNAN | PULONG KASAMA ANG TODA PRESIDENT AND OFFICERS
October 05, 2026

Personal na nakipagpulong si Mayor Sonny B. Ubana II sa mga presidente, opisyales, at operators ng iba't ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa ating bayan upang masiguro ang epektibo at maayos na pagpapatupad ng Tricycle Ordinance.

Dito ay pormal na ring ipinakilala ang ating Civil Security Mobile Unit. Ang pangkat na ito ang itinalaga ng lokal na pamahalaan upang magbantay sa pangkalahatang kaligtasan ng ating pamayanan at manguna sa mas pinatinding kampanya laban sa mga colorum na traysikel—isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang pangkabuhayan at kapakanan ng ating mga lehitimong tsuper.

06/10/2026

PANOORIN | KILALANIN ANG ATING CIVIL SECURITY MOBILE UNIT 🛡️

Pormal na ipinakilala ni Mayor Sonny B. Ubana II ang ating Civil Security Mobile Unit sa ginanap na pulong kasama ang mga presidente at opisyales ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) kahapon, October 5.

Dito ay nagpakilala ang miyembro ng mobile unit na magsisilbing katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng peace and order. Mayroon silang nakatakdang iskedyul at ikot sa iba't ibang barangay upang masigurong regular na mabibisita, mababantayan, at mapapanatili ang kaligtasan sa bawat sulok ng ating bayan.

Napakalaki rin ng gagampanang papel ng unit na ito sa kampanya laban sa mga colorum na traysikel. Sa pamamagitan ng kanilang pagpapatrolya, masisiguro ang proteksyon at patas na pangkabuhayan para sa ating mga lehitimong tricycle drivers na sumusunod sa batas at regulasyon.

TINGNAN | COURTESY CALL NI MARBOY SAYNO SA TANGGAPAN NG PUNONGBAYANOctober 05, 2026Mainit na tinanggap nina Mayor Sonny ...
06/10/2026

TINGNAN | COURTESY CALL NI MARBOY SAYNO SA TANGGAPAN NG PUNONGBAYAN
October 05, 2026

Mainit na tinanggap nina Mayor Sonny B. Ubana II at Bokal Rachel A. Ubana si Mr. Mariano B. Sayno matapos nitong sungkitin ang 2nd Place (Long-term Category) sa ginanap na Supreme Court of the Philippines’ 125th Anniversary National Photography Contest.

Isang malaking maipagmamalaking tagumpay ito para sa ating bayan sapagkat nangingibabaw ang kanyang gawa mula sa mahigit 2,000 submissions sa buong bansa! Tampok sa kanyang nagwaging photo series ang kwento ng paglaki ng isang bata patungo sa pagiging binata—na buong-husay na kinuhanan sa gitna ng angking ganda at mayamang kalikasan ng ating Lalaguna Marshland.

Kasabay ng pagkilalang ito, nakipagpulong din ang ating Public Information, Communication, and Technology Unit (PICTU) upang talakayin ang mga nakahanay na plano para mas lalo pang paigtingin ang turismo at ipagmalaki ang ganda’t angking talento ng Bayan ng Lopez.

TINGNAN | PULONG KASAMA ANG CIVIL SECURITY UNITOctober 05, 2026Personal na pinulong ni Mayor Sonny B. Ubana II ang mga b...
06/10/2026

TINGNAN | PULONG KASAMA ANG CIVIL SECURITY UNIT
October 05, 2026

Personal na pinulong ni Mayor Sonny B. Ubana II ang mga bumubuo ng ating Civil Security Unit (CSU) upang masiguro ang maayos at organisadong pagpapatupad ng kaayusan, kapayapaan, at seguridad sa buong bayan.

Sa ilalim ng kanilang deployment plan, nakatalaga ang ating mga civil security personnel sa iba't ibang barangay ayon sa nakatakdang mga iskedyul. Ginawa ito upang masigurong may nakatutok, nagbabantay, at handang tumulong sa kaligtasan ng mga Lopezeño sa bawat oras—araw man o gabi.

Sa patuloy na pamumuno ni Mayor Sonny Ubana at ng Lokal na Pamahalaan ng Lopez, nananatiling pangunahing prayoridad ang seguridad at katahimikan ng pamayanan upang tuloy-tuloy ang pag-asenso ng ating bayan sa isang ligtas na kapaligiran.

TINGNAN | SUPER EL NIÑO MUNICIPAL HEALTH VULNERABILITY & ACTION PLAN MEETINGOctober 05, 2026Pinangunahan ni Mayor Sonny ...
06/10/2026

TINGNAN | SUPER EL NIÑO MUNICIPAL HEALTH VULNERABILITY & ACTION PLAN MEETING
October 05, 2026

Pinangunahan ni Mayor Sonny B. Ubana II ang masinsinang pagpupulong ukol sa mga komprehensibong plano at paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Lopez para sa banta ng Super El Niño.

Katuwang ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at pangunahing serbisyo—sina Municipal Agriculturist Rebecca Tiama, MPDC Aristedes Arias, Municipal Health Officer Doc Paolo Villafañe, MLGOO Carl Cusi, QUEZELCO Director Dan Oriarte, at Lopez Water District General Manager Genoviva Lorilyn Imperial—masusing tinalakay ang mga hakbangin alinsunod sa DILG Advisory No. 2 (Reiteration on Mitigation and Preparedness Measures to Safeguard Critical Infrastructure and the Reporting of Preparedness Measures and Localized Impacts of El Niño Phenomenon for CY 2026-2027).

Pangunahing layunin ng koordinasyong ito ang pagsisiguro sa sapat at maayos na supply ng tubig at kuryente, pagbuo ng mga alternatibong suporta sa mga lokal na magsasaka, at paghahanda ng pangangalagang pangkasulusugan laban sa matinding tagtuyot.

Sa pamumuno ni Mayor Sonny, nananatiling nakatutok ang LGU Lopez sa pagprotekta sa ating mga kritikal na imprastraktura at sa kaligtasan ng bawat pamilyang Lopezeño.

🚨   | AKSYON PARA SA KATAHIMIKAN AT KAAYUSANIsang hinaing mula sa ating residente ang ipinaabot kay Mayor Sonny Ubana II...
07/09/2026

🚨 | AKSYON PARA SA KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN

Isang hinaing mula sa ating residente ang ipinaabot kay Mayor Sonny Ubana II tungkol sa malakas na ingay mula sa videoke at pag-iinuman sa isang lugar, na nakaaabala sa pahinga at pagtulog ng mga kalapit-bahay, lalo na ang mga matatanda.

Bilang tugon, agad na ipinagkaloob ni Mayor Sonny ang kaukulang atensyon sa concern upang magkaroon ng agarang solusyon at mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad.

Para sa mga nakararanas ng katulad na sitwasyon, maaaring agad ipaabot ang inyong concern sa ating Punongbayan sa 0917-888-2500. Makakaasa po kayo na ang bawat sumbong ay agad na bibigyang-pansin at kaukulang aksyon.

May katulad ka rin bang hinaing sa inyong lugar? Ipaabot ito sa amin upang agad na maaksyunan. Maaari ring i-scan ang QR code sa larawan o bisitahin ang livelopez.gov.ph/online-services/e-sumbong/.

�

Address

Barangay Burgos
Lopez
4316

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sonny B2n Ubana posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category